"Blind attack?" Nakataas ang kilay na tanong ko. Matapos ko kasing sabihin na turuan nya ako ay dumiretso kami dito sa haven at iyon nga ang sabi niya.
"Oo. Ang blind attack ay pag atake mo kahit wala kang makita." Sagot nya naman saka uminom ng tubig. Kakatapos lang ng warm up exercise namin kaya pahinga kami ng konti.
"So parang senses mo lang ang gagana?"
"Yap! Teka kukuha ako ng panakip sa mata mo."
"Ha? Agad agad?" Nagugulat na tanong ko. Tumawa lang naman siya bago dumiretso sa kwarto nya sa Haven.
Di ba uso sa kanila sample muna bago actual? Halos lahat sila puro ako pinag actual eh. Kakaiba way of teaching nila dito ah.
Bumalik si Grant na dala ang isang may kalakihang itim na tela.
"Talikod ka."Inirapan ko muna siya bago ako tumalikod. No choice naman saka gagawin ko pa din naman kahit umangal ako.
Itinali niya ng mahigpit sa likod ng ulo ko ang tela matapos matakpan ang mata ko.
"Pati naman ilong tatakpan mo pa. Kasama din ba sa training ang hindi paghinga?""Dami mo namang reklamo. Simulan natin sa pag atake, pakiramdaman mo kung saan ako unang aatake sayo."
Pinikit ko ang mata ko kahit naka blindfold na ako, at pinakiramdaman ang galaw niya.
Nakaramdam ako ng hampas ng hangin sa kanan at sasalagin ko sana pero sa kaliwa niya ako hinampas.
" Aray! Masakit ha! " Reklamo ko. Hinimas ko ang nasaktang kaliwang braso."Mag focus ka. Wag ka muna mag isip ng kung ano ano."
Kung wala lang akong blindfold kanina pa nakatikim ng irap itong Grant na 'to eh. Huminga ako ng malalim at nag focus.
Sa kanan ko unang naramdaman ang pag galaw pero mas lumakas yung hangin sa kaliwa kaya sinalag ko ang kaliwa.
"Aray!" Parehas yata kaming napasigaw dahil sa sakit.Nagkatamaan kasi kami ng kamay. Inulit ulit nya ang pag atake at medyo nagagamay ko na. Hanggang sa nagsalita sya.
"Kukuha ako ng kahoy, yun naman ang iilagan mo, okay?""Kahoy?! Masakit yan Grant!" Pag angal ko. Nai-imagine ko pa lang gaano kasakit yun, parang gusto ko na umuwi.
"Kung gusto mo matuto, kailangan mong pag aralan na may sandata, hindi lahat ng aatake sayo ay barehanded." Umingos ako sa sinabi nya but I get his point kaya inayos ko ang tayo ko.
Inilagay ko ang kanang paa sa unahan habang nasa likod ang kaliwa, ipinorma ko ng pasuntok ang mga kamay ko habang hinihintay na bumalik si Grant.
"Game!"
Masakit ang buong katawan ko kaya nagpapahinga ako ngayon sa clinic. Hinihintay ko si Doctor Hugh para mabawasan man lang ang kirot ng balikat ko. Habang nagsasanay kasi kami kanina ni Grant ay napalakas ang pag iwas ko at may tumunog na buto sa balikat ko. Kaya inadvise ni Grant na ipagamot kay Doctor Hugh.
"Nandito ka na naman?" Nilingon ko ang nagsalita. Babae na medyo maliit pero maputi, mahaba ang buhok at nakasimangot sa akin.
Naalala ko sya yung nagbibigay ng bracelet noon sa mga kasali sa battle. Hindi ako nagsalita at tumingin lang sa kanya. Iniwan nyang bukas ang pinto at lumakad papunta sa akin.
"Lampa ka ba o nagpapapansin ka lang talaga?" Napakunot noo ako sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
Tinaasan nya lang ako ng kilay bago lumibot sa buong kwarto. Nakasunod lang naman ako ng tingin sa kanya saka inayos ang pagkakaupo ko sa kama.
Lumingon ulit sya sakin bago nagsalita.
"Napapadalas ka kasi dito. Nagpapapansin ka ba kay Doctor Hugh?"

BINABASA MO ANG
Holly's Tale
FantasyFairy tale life has always been every girls dream. But Holly's fairytale life is far from what she thought, 'cause her tale is just about to unfold. (Cover credit to: @revekhas)