(22) The Result

225 12 9
                                    

Holly's POV

Unang umatake yung ranger at agad akong yumuko, pero sumalubong sa akin ang sipa nung deceiver kaya napahiga ako. Umikot agad ang paningin ko, pero agad akong gumulong ng dadaganan dapat ako nung ranger, at muling tumayo. Pinunasan ko ang bibig ko na ngayon ay nagdudugo. Ghad, napunta ba talaga ako dito sa Eden para masaktan ng ganto?

"Yahhh!" Umatras ako ng aatakihin sana ako ng suntok nung Deceiver, at ako naman ang sumugod sa Ranger at tumumba sya nung tumalon ako at sinipa siya sa mukha. Napaigik naman ako at umatras agad nung sinuntok ako sa tagiliran.

"Tumayo ka dyan, Derica. Patumbahin na natin 'to, para dalawa na lang." Tumabingi ang ulo ko at lumingon sa pwesto nila ate Erah, at nanlumo ako ng nakahandusay na sa lapag si ate Ella, at mag isa na lang na nilalabanan ni ate Hara yung healer.

Suntok sa tyan at tadyak ang naging dahilan para mapabaling ulit ako sa mga kalaban ko. Damn! I lost my focus!

"Weakling." Kahit nandilim saglit ang paningin ko ay nagawa kong marinig yung sinabi nung isang babae.
Siguro nga, I am a weakling. I admit, I am not strong. Pero hindi ako babagsak ng walang laban. Hindi ako duwag, dahil galing ako sa black knight clan.

Bago pa ulit tumama sa akin ang suntok nung deceiver ay nahuli ko ang kamay niya at hinatak ko siya papunta sa akin saka ko hinead-butt.
Nahilo din ako sa naging aksyon ko, pero pinilig ko lang ang ulo ko at tinignan agad ang nasa harap, pero napadapa ako ng sipain ang mga binti ko, at dahil hindi ko napaghandaan ay napatid ako at patagilid na bumagsak, saka ako pinagsisipa nung babae. Hinayaan ko lang siya saglit kahit na parang namanhid na ang gilid ko sa ilang sipa nya na sobrang lakas. Tyumempo ako ng isang pagsipa niya ay kinuha ko ang paa niya at hinila, dahilan para bumagsak siya. I twisted her foot, and she scream in pain.

"Ah! Fuck! Ana! Move, you idiot!" Ana pala ang pangalan nung deceiver, at natandaan ko na siya. Inilagay ko ang paa ko sa bandang leeg niya, pero may humampas sa likod ko at nakagapang na pala si Ana palapit sa akin.
Agad akong tumayo at akmang dadaganan yung ranger pero sinipa lang ako nung Ana kaya bumagsak ako.

"Fuck!" Sigaw nung ranger dahil sa kanya pa din ako bumagsak.

Akmang susugudin na dapat ako nung Ana pero may biglang sumipa sa kanya at tumilapon siya. Saka naman may humila sa akin patayo at inilayo ako sa ranger na katabi ko kanina sa lapag.

"Ate Hara." Tawag ko sa nagtayo sa akin. Nginitian niya ako at nilingon ko naman ang nasa tabi niya. Si ate Venus.

"Si ate Erah?" Ngumuso sya sa bandang kanan at nandun si ate Erah at nakadagan kay Ana. Saka pa lang ako naging aware sa hiyawan na nangagaling sa mga audience.

"Black knight! Black knight!" I felt tears roll down on my cheeks. Panalo kami, dahil dalawa na lang ang natitira sa kabilang grupo, at nung paglingon ko sa likod ay nakahandusay na sa lapag yung ibang kasama nila.

"Panalo tayo, Holly. Lucky charm ka yata namin, eh." Naiiyak na tumatawang sabi ni ate Hara. Ngumiti din sa akin si ate Venus at bakas din ang kasiyahan sa kanyang mata. Napabagsak man nila sila ate Elle at ate Ella, panalo pa din kami.

"Oh, bakit kayo mga umiiyak? Nanalo tayo, diba?" Tanong ng papalapit na si ate Erah. We just smile at her at hinintay siya na makalapit. Nakangiti kami sa kanya pero napawi ang mga iyon sa labi ko nang may masakit akong naramdaman sa likod ko. Nanlaki ang mga mata na tumakbo si ate Erah sa akin, at sinalo naman ako ni ate Hara at ate Venus nung pabagsak na ako. Nakaramdam ako ng kakapusan ng hininga, at may tumutulo na din mula sa bibig ko, at nang sapuhin ko ito ay puro dugo ang nakita ko. Napakapit pa ako kay ate Venus ng mahigpit bago ako napapikit dahil nandidilim na ang paligid ko. Hinayaan ko na lang na dalhin ako ng dilim sa kung saan.

Nagmulat ako ng mga mata dahil sa silaw na nararamdaman ko sa mata ko.
"Aray."  Kumukusot kusot pa sa mata na bumangon ako at luminga linga. Naramdaman ko din ang hapdi sa likod ng kanang balikat ko. Biglang mag flash back lahat ng nangyari bago ako mawalan ng malay. May panang tumama sa akin,  at hindi ako handa dahil nakatalikod ako. At ang mali ko, hindi pa naidedeklara na tapos na ang laban at kami na ang panalo, pero tumalikod na ako sa kalaban. Hays.

Pero teka, talagang feel na feel ko  ang laging mahiga dito sa una kong naging kama, at magiging kama ko pa yata sa mga susunod na pag stay ko dito sa Eden. Ayaw kong bitawang itong kwarto na 'to, at kahit na maraming kwarto dito sa clinic ay nakasanayan na yata ni Doctor Hugh na dito ako ipwesto kada maaaksidente ako.

"Naku nangigigil talaga ako sa mukha nung Yona na yun. Akala mo kung sino siyang maganda, wala pa siya sa ganda ng mga paa ko." Narinig kong sabi ng parating, at hula ko ay si at Hara yun. Siya lang naman pinakamalakas dumada sa aming magpipinsan eh.

"I agree, pero I'm happy na mapaparusahan yung bruhang Derica na yun. Hindi niya matanggap ang pagkatalo kaya pinana niya pa si Holly." Nang makapasok sila, nagkunwari akong tulog. Ewan, feel ko lang tapos gugulatin ko sila mamaya.

"Pero kinikilig pa din ako pag naaaalala ko yung nangyari." Parang inipit ang boses ni ate Hara at gusto ko sanang tumawa kaso nagpapanggap mga pala akong tulog.

"Nasaktan na si Holly kinikilig ka pa?" Sure akong nakasimangot si ate Ella, hahaha!

"Loka, I mean dun sa nangyari nung bumagsak siya. Nagulat ako nun kasi biglang may kumuha kay Holly na nasalo ko tapos si Prinsipe Calum pala yung kumuha. At, mas nagulat kami ni Venus nung lumapit din sa kanya yung apat na lalaki. Ang taray ng beauty ng pinsan natin, mukhang lima ang nabibighani. Sana ako din!"

Nagkwentuhan pa sila pero hindi na ako nakinig. Paanong nabibighani? Hays mga baliw talaga 'tong mga pinsan ko.
Yung pagpapanggap ko na natutulog ay gagawin ko na ngayon, tutal parang gusto pa ng katawan ko.

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon