(35) Mark

169 4 15
                                    

Tiniis ko ang sakit ng balikat ko para makaalis ako sa kama. Dalawang araw na simula nung may tumama na kung ano sa balikat ko. Hindi ito napagaling ni Doctor Hugh kaya hanggang ngayon nandito pa din ako sa clinic at under observation.

Para daw itong lason dahil nagkakamarka ng itim ang balikat ko. Masakit sya pag nagagalaw pero pag nakahiga naman ako ay nawawala.

"Saan ka tutungo, Holly?" napalingon ako sa nagtanong at nakabukas na pala ang pinto ng kwarto at nandoon si Jessica na may hawak na tray.

"Gusto ko sana magpahangin sa labas." Mahinang sagot ko. Nanghihina pa akong kaunti pero kaya ko naman.

"Pero pinagbawalan ka pa ni Doctor Hugh, hindi ba? Kailangan mong ipahinga yang sugat mo hanggat hindi pa nalalaman anong klaseng lason ang tumama sayo."

Napatingin ulit ako sa balikat ko, nakalilis ang mangas ng dress na suot ko para hindi masagi ang sugat. May tatlong linya na parang kinalmot at kulay itim siya. Nung una nga natakot pa ako dahil parang nakapasok sya sa mismong balat ko pero wala naman akong magagawa kung hindi maghintay sa mangyayari sa obserbasyon ni Doctor Hugh.

"Pero gusto ko na pong lumabas. Nakakasawa na dito sa kwarto."

"Kung nagsasawa ka, 'wag ka na gumawa ng mga bagay na ikapapahamak mo. 'Wag ka na magka sugat." Sagot ni Jessica at napabuntong hininga na lang ako.

Bumalik ako sa kama at umupo doon habang si Jessica ay lumapit sa table na nasa gilid ng kama at inilapag ang tray na may laman na soup at isang basong tubig.
"Higupin mo na itong sabaw habang mainit pa tapos mag pahinga ka ulit."

Wala naman na akong nagawa kung 'di ubusin ang soup at matapos ay humiga sa kama. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero pag gising ko ay madilim ang paligid.

Pakapa kapa akong bumaba ng kama at pumunta sa pinto para hanapin ang switch ng ilaw pero wala akong makapa.
"Nandito lang yung switch ha?" Patuloy ako sa pagkapa pero wala talaga kaya binuksan ko na lang ang pinto pero napa atras ako ng makitang madilim din ang labas.

"Nagba brown out ba dito?" Tanong ko saka humakbang paabante.

Para akong bulag na kumakapa habang naglalakad. Sinubukan kong tawagin sila Jessica at Doctor Hugh pero hindi sila sumasagot kaya dumiretso na lang ako palabas.

May natatanaw akong liwanag sa bandang front door ng clinic kaya dali dali akong lumapit pero bigla akong napaatras. May apoy!

"Doctor Hugh! Jessica! May apoy dito sa tapat!" Sigaw ko pero wala akong narinig na sagot kaya nagpalinga linga ako.

Nanlaki ang mga mata ko ng muli kong nilingon ang apoy. Palapit ito sakin!

Dahan dahan akong umatras pero mas lalo siyang lumalapit kaya napakaripas ako ng takbo habang sumisigaw ng tulong.

Pero walang nagtangkang tumulong sa akin. Patuloy lang ako sa pagtakbo palayo sa apoy.

Halos gahibla na lang ang lapit sakin ng apoy ng biglang may tumapik sa pisngi ko at tuluyan akong nagising.
"Anong nangyari?" May pag aalala sa boses na tanong ni Calum.

Malakas ang paghingal ko ng umupo ako sa kama. Hinahabol ko ang paghinga kaya napilitan siya na kumuha ng tubig at inabot sa akin. Ininom ko ang isang basong tubig at huminga ng malalim ng ilang beses saka pa lang pumayapa ang paghinga ko.

"Nanaginip ka ba ng masama?" Dahan dahan akong tumango sa tanong niya.

"Oo eh. Akala ko totoo na." Hinaplos haplos ko ang aking dibdib. Malakas pa din ang pintig ng puso ko. Parang nandun pa din ako sa panaginip ko.

"Tatawagin ko si Hugh. Magpahinga ka ulit, babalik ako." Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa noo kaya napangiti ako.

"Salamat Calum. Ingat ka." Ngumiti siya bago lumabas ng kwarto.

Hanggang sa pumunta at naka alis si Doctor Hugh, hindi pa din nawawala sa isip ko ang aking panaginip.

Anong ibig sabihin nun? Isang pahiwatig ba yun sa pinaplano kong gawin?

Bumalik ako sa tahanan ng Black Knights at todo pag aalala sila sa akin. Pupuntahan pa lang kasi sana nila ako para dalawin pero umuwi na ako. Sinabi ko na lang kay Lolo na mas gusto ko magpahinga sa kwarto.

Gabi na ng magising ako at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa training room at agad na sinimulan ang pag sasanay. Mag bubukang liwayway ng tumigil ako at naisipan lumabas ng bahay.

Papalabas na ako ng gate ng biglang humapdi ang balikat ko. Tinignan at kinapa ko ang itim na guhit na nandoon. Hindi malaman ni Doctor Hugh kung ano ang itim na guhit na ito, at kahit natatakot ako sa maaring pwedeng mangyari hangga't nandito ang markang ito, hindi na ako nag tagal sa clinic.

"Holly!" Nilingon ko si Grant na naglalakad papunta sa akin.

"Hi Grant. Ang aga mo ah." Bati ko sa kanya.

"Ikaw nga din, hindi pa sumisikat ang araw. Bakit gising ka na? At saka bakit lumabas ka na sa clinic? Pinuntahan pa naman kita kagabi tapos wala ka na pala doon kaya nagpunta ako ngayon." Sabi niya. Tumango ako at nag simula na maglakad.

Sumunod naman siya sa akin.
"Ayoko na sa clinic, nakakasawa na din laging nandoon ano. " Pabirong sagot ko na sinuklian niya ng ngisi.

"Paborito mo kasi ang clinic. Teka, ano yan?" Nilingon ko ang itinuro niya at tinakpan ko naman agad ang balikat ko. Nililis ko pala kanina ang Tshirt ko at hindi ko na ibalik ang manggas kaya nakita niya.

"Ha? Ah wala. Pasa lang 'to, parang marka nung may tumama sa akin."

"Ah, akala ko naman kung ano."

Patuloy lang kaming nag lalakad habang nag uusap ng tungkol sa kung ano ng may naisip ako.

"Teka Grant, pwede ba tayo mag training?" Pagbaling ko sa kanya ay nakakunot ang kanyang noo.

"Bakit? Hindi pa ba sapat ang sakit ng training sayo ng pamilya mo?" Tanong niya na ikinatawa ko.

"Baliw, hindi. Mahirap pero nakakaya ko naman na. Pero kasi, gusto kong matuto ng iba pang way ng pag attack. Pwede mo ko turuan ng alam mong pag atake?"

Kailangan ko ng iba't ibang porma at galaw para sa susuungin kong laban.
Basta ang plano ko, nakatatak na sa isip ko. Sa oras na itinakda ko, kukunin ko si Mommy at ibabalik ko siya dito sa Eden, kahit anong mangyari.

----------
A/N: 9 Chapters left. Matatapos ko ba to this 2019? Abangan 😂😂😂

P. S salamat dun sa mga nag hihintay huhu kahit hindi ako agad makapag update. Madaming ginagawa, tsaka kasalanan talaga ni Mobile Legends 😜

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon