Holly's POV
Dumaan ang isang buwan, at nakatulong ng malaki ang matinding pagsasanay sakin ni Tito Hale at Harold. Tinuruan din ako kung paano gumamit ng swords at mga short range na weapon, pero ang primary weapon ko pa din ay ang spear dahil doon ako nasanay.
Sa susunod na araw na ang elimination para sa gagawing hunt at kinakabahan na ako kahit gamay ko na naman kung paano makipaglaban gamit ang mga sandata.
Nasa kwarto ako at kasalukuyang nagbibihis ng may kumatok sa pinto.
"Saglit!" Nagmadali akong nagbihis at paglabas ko at si Ate Ella ang nandun."Hey, gusto mo sumama sa akin?" Tanong niya.
"Saan, ate?" Pinagbuksan ko siya ng pinto para pumasok at bumalik naman ako sa tapat ng vanity mirror para magsuklay naman.
"May iaabot akong mensahe para sa Warlocks clan, baka gusto mo sumama. Ililibot na din kita doon."
"Sige ate, saglit lang magsusuklay lang ako." Kinuha niya ang suklay at sinabing siya na daw ang gagawa, kaya ngumiti na lang ako at nagpasalamat.
At ngayon nga ay nakasakay na kami sa karwahe, at medyo nasasanay na din ako sa bilis, pero nakakahilo pa din kaya pagbaba ko ay humawak ako sa braso ni ate Ella. Ngumiti lang naman siya sa akin at inakay na ako palakad.
May isang malaking gate na mas malaki pa sa tulad samin, at nakalagay ang Warlocks na pangalan sa may metal na parte sa taas. Kulay silver ang gate pati ang mga sulat.
Pagdating namin sa pinakatapat ng gate, may lumabas na mga malalaking tao at napaatras ako, na tinawanan lang ni ate Ella."Don't worry Holly, mga guard lang yan dito. Wag kang matakot." Nahiya naman ako sa ginawa ko. Ang lagay parang duwag ako. Eh ang laki kasi nila kesa sa pangkaraniwan! Kung sa mortal world, mga bouncer sila!
Lumapit samin yung isang lalaki na naka white T-shirt at gray pants."Ella of black knights. Anong sadya mo?" Inabot ni ate Ella ang isang papel na nakarolyo at sandali itong binasa ng lalaki bago binalik kay ate Ella. Bumukas ang malaking gate ng dahan dahan pero tahimik. Akala ko nga nasa horror movie ako. Imagination ko na naman.
"Anong sasabihin mo sa pinuno nila, ate?" Tanong ko habang naglalakad papasok. Gaya sa amin ay may malawak pa muna na dadaanan bago makarating sa pinaka punong bahay.
"Si Lolo ang nagpapabigay ng sulat, at may mga kailangan akong linawin tungkol sa mga weapons. Ang mga taga warlocks kasi ang gumagawa ng weapons dito, at nagpapalitan lang tayo. Kunwari, bibigyan nila tayo ng kailangang sandata, at may kapalit tayong ibibigay. Kaya ang sulat ni Lolo ay dadalhin ko kay Pinunong Kanye, at pipirmahan nya yun pag umayon siya sa mga sinulat ni Lolo." Tumango tango ako.
Oo nga pala, walang pera dito sa Eden. Ang mga bagay na nais mong makuha ay dapat na may ibigay kang kapalit ayon sa halaga ng gusto mo. Sa mga tindahan sa park, meron kaming mga badge, at kapag may badge ka ay pwede mo itong magamit sa pagbili, at lahat ng nabili mo ay nakasulat sa mga tindahan at ang mga representative ng mga clan ang nagbabayad. Ako bilang apo ay binigyan nila ng badge, na hindi ko naman madalas magamit.Nakarating kami sa pinto ng isang malaking bahay, at may mga bantay na naman dun. Sobrang guarded naman nila.
Nung binuksan nila ang pinto, isang malawak na living room ang bumungad. May mahabang sofa at malaking coffee table sa gitna. Tapos may malaking grand staircase sa gilid. Wow, ang sosyal nila!"Maupo ka muna dito, Holly. Kakausapin ko lang saglit si Pinunong Kanye, tapos tsaka kita ililibot." Tumango ako at saka siya naglakad paakyat.
Walang kahit sino sa living room, at nakasarado na ang pinto kanina. Ilang minuto pa akong naghintay ng maisipan kong tumayo para tingnan ang mga nakasabit sa dingding. May mga miniature ng mga espada na nakasabit dun, at may mga certificate, at mga paintings.
BINABASA MO ANG
Holly's Tale
FantasyFairy tale life has always been every girls dream. But Holly's fairytale life is far from what she thought, 'cause her tale is just about to unfold. (Cover credit to: @revekhas)