(14) The Perfect Weapon

259 15 2
                                    

Holly's POV

"Kyahhhh!"

Slash. Slash. Klak. Boogsh.

Yan lang ang namamayaning ingay dito sa loob ng training room. Halos kalahating oras na akong nakaupo at namamangha sa paglalaban ni Kuya Reggie at Ate Erah. Sila pala ang training partner kaya nag eensayo sila ngayon. Tinawag ako ni Tito Hale kaninang umaga para daw panoorin sila mag ensayo.

Ngayon kasi yata ako tuturuan kung paano gumamit ng weapon. Kinakabahan pero at the same time, excited din ako lalo na ngayong nakikita ko paano maglaban sila ate Erah.
Dalawang maliit na parang kutsilyo ang gamit ni Kuya Reggie at isang mahaba pero payat na espada naman ang kay ate Erah. Nakakatuwa kasi nagsasabayan sila. Pag nagagalusan si kuya Reggie, ganun din si ate Erah. Napapahanga tuloy ako sa lakas nila, at naiisip ko kung magiging ganyan ba ako?

Matapos ang kalahating oras pa, tumigil na sila ate Erah at sabay silang naupo pagtapos. Pawis na pawis at pagod silang dalawa pero nakuha pa nilang mag ngisian. Matindi din ang hingal nila pero mukhang masaya naman silang dalawa. 

"Weak ka pa din Reg." Nakangising sabi ni Ate Erah kay kuya Reggie.

"Same to you, Erah."

"Tama na yan. Magpahinga na kayong dalawa. Tara Holly?" Niyaya na ako ni Tito Hale sa gilid at kala ko lalabas na kami, pero para pala syang kwarto at pagpasok namin sa loob ay nanlaki ang mata ko sa dami ng weapons! Iba ibang laki ng espada, whip, chains, at iba pa.

"Eto ang weapon room. Usually, yung mga batang nagtraining ng ilang taon ay pag tumuntong pa lang sila sa tamang edad ay saka pa lang namin sila pinapipili ng sandata nila. Pero dahil special ka, at madali kang matuto, napagpasyahan namin na papiliin ka na ng sandata. Kaya pwede ka ng tumingin." Natuwa naman ako sa sinabi niyang special ako. 

Lumapit ako sa mga swords at nakakatakot kasi parang kumikislap pa yung talim nito. Tumingin naman ako sa iba pero ayoko nun eh. May dagger, bow and arrow, whip, chains at bokken at iba pa. Pero naagaw ng pansin ko ang isang spear na hanggang leeg ko, itim ang kulay ng katawan niya at may matalim siyang dulo, may tali din sya sa kabilang dulo. Hinawakan ko ito at nagulat ako kasi parang that spear belong to me.

"Iyan na ba ang napili mo, Holly?" I happily nod at him and flash a wide smile.

"Ang galing, Tito. Feeling ko para sakin talaga siya."

"Then that means para nga sayo 'yang spear na 'yan. Iyan ang tinatawag na phantom spear. Kunin mo yan at sumunod ka sakin." 

Matapos kong kunin yung spear, lumabas na kami ng weapon room at wala na sila ate Erah dun. Pumunta sa gitnang bahagi ng training room si Tito Hale kaya sumunod ako.

"Ituturo ko muna sayo ang kahalagahan ng pag gamit ng spear. Ang spear ay may dalawang gamit. Ang katawan ay pangsangga o shield at ang dulo nito ay ang pang atake. Kaya pag may kalaban ka, itututok mo ang dulo nito sa iyong kalaban at ang katawan ay gamitin mo sa pagsangga sa sandata ng kalaban. May tali din ito sa dulo nag pwede mong hawakan kapag ibabato mo ng malayo at pwede mo din syang hatakin pabalik sayo." Namangha ako dun sa spear!

Kinuha ni Tito Hale ang spear na hawak ko at itinaas ito sa bandang ulo nya.
"At kung gamay na gamay mo na ang pag gamit nito, madali na lang sa'yo ang pag ikot dito." Inikot niya nga ang spear na hawak niya at winasiwas sa paligid kaya napalayo ako.
Ang galing! Ini imagine ko pa lang na ako yung gumagawa nun, natutuwa na ako!

"Iyan ang mga gamit ng spear na ito. Pero bago natin gamitin ito, tuturuan ka muna ng Tita Haley mo ng mga basic man to man moves."

"Talaga po? Yung parang mga martial arts?" Kumunot naman ang noo ni Tito Hale kaya ngumiti na lang ako. Baka hindi nila alam yun dito.

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon