Pagod na pagod ang katawan na sumandal ako sa pader at naghabol ng hininga. Tatlong araw na simula ng masabi ko kela Lolo ang tungkol sakin bilang anak ng hari ng mga Darkons, at simula noon ay hindi na ako lumalabas sa umaga at tuwing gabi ay nagpupunta ako dito sa training room. Pinapagod ko ang sarili ko ng matindi para pagdating ko sa kwarto ay tulog agad ako.
Nagpapasalamat naman ako ng lihim sa mga pinsan ko dahil nag iiwan sila ng pagkain sa tapat ng pinto ng kwarto ko tuwing tanghali at gabi. Siguro, binibigyan din nila ako ng space.
"Apo." Napapitlag ako at muntik na matumba kung hindi lang ako nakabalanse agad noong may nagsalita. Hindi na naman ako nakapag focus at na blocked ko ang focus ko sa paligid.
"Lolo." Nasambit ko na lang ng makita siyang nasa pinto ng training room.
"Pinapagod mo lang ang sarili mo, hindi maganda yan. Kaya ka pinagpahinga madalas ng Tito Hale mo ay para hindi masyadong mabanat at mabigla ang katawan mo at makondisyon. Masama sa katawan ang sobrang pagod." Pangaral niya kaya napayuko ako dahil tama siya.
Sa totoo lang feeling ko matatanggal na ang mga braso at binti ko pero tuloy pa din ako sa pagpa praktis, o mas tamang sabihin ay pag torture sa sarili ko.
Naramdaman ko na lang na nakahawak na sa aking balikat si Lolo at dahan dahan akong niyakap.
Tonight, I go back to a little child I've been. Crying because I'm hurt. Pero ang sakit na nararamdaman ko at iniiyak ko ay hindi pisikal kundi emosyonal. Marami akong mga doubts sa puso ko, kaya ako nasasaktan.
"Lolo, tanggap nyo pa din po ba ako?" Tanong ko habang nakayakap pa din sa kanya.
"Hija, ang pagiging isang pamilya ay hindi nasusukat sa mga pinagdaanan at mga sikreto sa kanilang mga buhay. Ang pamilya ay ang taong tatanggap sayo sa kahit anong gawin mo. Holly, apo, ang pamilya ay nagmamahal at hindi tumitingin sa anumang meron ang kapamilya nila, tandaan mo yan."
"Pero Lolo, pag nalaman ng iba na totoong anak ako ng isang Darkons, lalo na ang hari nila, anong sasabihin po nila?" Humihikbi pang tanong ko at kumalas naman siya para tingnan ako sa mukha.
"Apo, pamilya mo kami. Kahit ayawan ka man ng mundo dahil lang sa pagkakakilanlan ng ama mo, wag mong kalimutan na nandito lang kami lagi para sayo. Pamilya tayo."
I cried harder in my grandfather's arms, and woke up to a news, a news i don't know if a bad or not really that bad news.
"Nasa baba ang hari at reyna?" Gulat na tanong ko kay Harold.
Seryoso si Harold na tumango.
"Oo kaya magbihis ka na at magmadali, wag mo na paghintayin ang mahal na hari at reyna." Tinulak nya ako papasok ng kwarto at ng mag sink in sa akin ang sinabi niya ay agad naman akong nagmadaling maligo at mag ayos.Naghahalo ang kaba at takot ko ng mabungaran ko ang mga Black Knight elders, sila Tito Hale at Tita Haley, si Lolo at ilang pinsan ko bago ko nilingon ang nasa sofang nakaupo na reyna at hari.
Agad akong yumuko bilang pag galang at binati sila.
"Magandang umaga po, mahal na hari at reyna.""Magandang umaga din. Kaya kami nandito ay nais ka naming makausap." Kumislot ang puso ko sa narinig ko. Anong gagawin nila sa akin pag nalaman nila ang totoo?
"Umupo ka, Holly." Pag anyaya ng Reyna kaya umupo ako sa sofang katabi nila. Tahimik ang paligid, at tanging tunog ng paghinga lang ang naririnig ko pero pakiramdam ko nabibingi ako.
"Hindi na ako magpapa ligoy-ligoy pa. Alam kong alam ninyo ang sadya ko dito. May nakarating sa aking balita at may mga ibang clan na nagsabi sa akin na anak ka daw ng hari ng mga Darkons mula sa iyong ina na si Hailey, totoo ba?" Tanong agad ng hari pagka upo ko.
BINABASA MO ANG
Holly's Tale
FantasyFairy tale life has always been every girls dream. But Holly's fairytale life is far from what she thought, 'cause her tale is just about to unfold. (Cover credit to: @revekhas)