(28) The Hunt

224 10 5
                                    

Holly's POV

Hindi pa din ako makapaniwala na nanalo ako sa elimination. Pero hindi ko maikakaila na masaya ako. Nakapasok ako! 

Ngayon, nasa isang kwarto kami dito sa loob ng bulwagan. May kanya kanyang kwarto ang limang natira sa elimination at dito kami pinagpahinga.

Nakahiga kami pareho ni ate Hara sa kama, habang si Louise ay nasa sofa katabi si Yuone at si Zeke.

Nagpapahinga kami dahil eksaktong ala sais ng gabi ay pupunta na kami sa gubat kung saan gaganapin ang hunt.
Kinakabahan na naman ako pero dahil kasama ko si Ate Hara, medyo napapanatag ako.

"Nakakakaba, pwede bang umatras?" Sabi ni Louise maya maya at nagtawanan kami.

"Sige Louise atras ka para sapukin ka ng nanay mo." Sagot naman ni ate Hara sa kanya at tumawa.

"Ano nga ba ang gagawin natin sa Hunt? Nagpapakwento ako sa mga sumali eh pero hintayin na lang daw natin yung sasabihin mamaya." Tanong naman ni Zeke.

"As far as I know, may mga clues na ibibigay sa atin pagkapasok para makita ang mga treasures, at nasa atin na lang paano yun mahahanap." Paliwanag ni Yuone.

"Basta ang sabi nila Kuya Hill, ingatan daw ang mga treasures, kasi pag may nakasalubong tayong ibang clan ay pwede nilang kunin satin ang mga nakuha natin." Ani ate Hara.

"Hindi naman ako papayag na makuha nila ang pinaghirapan natin." Sagot ko naman at unti unting tumayo.

"Oo naman no! Lalaban tayo. Pero congrats sa atin, sana manalo tayo at madali lang natin makita ang mga treasures." Sumang ayon kami sa sinabi ni Louise at muling nanahimik.

Nakatulog na yung iba habang ako at si Yuone ay naka sandal lang at nagpapahinga. Ako sa kama, siya sa sofa. Iniisip ko yung mga gagawin namin mamaya ng may kumatok sa pinto.
Tatayo na sana ako ng tumayo si Yuone at siya na ang nagbukas ng pinto.

Medyo malayo ang pinto mula sa kama pero bumilis pa din ang tibok ng puso ko pagkakita sa taong nasa labas.
"May kailangan ka?" Rinig kong tanong ni Yuone dun sa lalaki.

"Yeah. Pinapatanong nila kung anong menu daw ang gusto nyong kainin?" Tanong ni Irvin kay Yuone, pero pagtingin ko sa kanila ay sa akin siya nakatingin. Anong tinitingin tingin nun?

"Holly, anong gusto mo?" Baling sa akin ni Yuone.

"H-ha?" Nautal pa ako ng biglang magtanong si Yuone.

"Ano daw gusto nating kainin?" Ulit niya.

Nagulat naman kami ng pumasok si Irvin sa kwarto at pumunta sa harap ko.
"Let's go." Napataas naman ang kilay ko.

"Ha? Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"To the food area. You choose your food." Sabi niya at basta na lang ako hinawakan sa bewang at iniangat bago dahan dahang ibinaba sa lapag. Naguguluhan naman akong nakatingin sa kanya pero wala naman siyang ibang sinabi. Hinawakan niya din ako sa kamay at marahang hinila.

Kaway na lang ang nagawa kong paalam kay Yuone ng makalabas kami.
Tumingin ako sa kisame ng bulwagan habang naglalakad kami. Glass kasi siya kaya kita mo yung langit, at malapit na bumaba ang araw.
Nang huminto kami ay napatingin ako sa kung nasaan kami at isang malaking kwarto yun na madaming pagkain.

"Pumili ka na ng kakainin nyo para madala nila sa kwarto nyo. May pupuntahan tayo." Kahit nagtataka ay hindi na ako nagtanong at pumili na lang sa mga nakahain. Pinadamihan ko na din dahil ito daw ang huling kakainin namin hanggang sa matapos ang hunt. Gutom ba aabutin namin dun?

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon