(5) Ruler of Eden

421 21 6
                                    

Holly's POV

Maaga pa lang ay ginising na ako ni Jessica at pinag ayos. Inabutan nya din ako ng isang kulay yellow gold na dress, at isang pares ng flat comfy sandals. Pagtingin ko nga sa salamin, natuwa ako sa itsura ko. Para akong nasa isang fairytale, at dadalo ako sa isang party, tapos makakakilala ako ng prince charming! Pft, parang Cinderella lang.

"Ready ka na ba, binibini?" bungad sakin ni Doctor Hugh paglabas ko ng kwarto. Nandun din si Jessica sa likod nya na nakangiti sakin.

Pero di ko maiwasang kabahan eh.
"U-uh, teka. Hindi naman nila siguro ako papatayin, diba?" tanong ko. Mabuti ng sigurado!

"No, may itatanong lang ang hari sa'yo. Unang beses kasi na may nakapasok na Mortal dito, kaya kailangang maging maingat kami. Sa totoo lang, hindi lubos ang tiwala ko sayo, binibini. Pero gayunpaman, I'm giving you the benefit of the doubt. Use it wisely." napalunok naman ako ng sunod sunod.

Sabagay, kahit ako hindi pa ganun katiwala sa kanila. Kahit na ba sila ang nakakita sakin at nag alaga sakin sa loob ng ilang araw. Mahirap mapanatag, nasa isang Foreign Land ako, with unnatural people.

"Okay?" sagot ko na hindi sigurado. Aish! Bahala na nga.

Naunang naglakad sakin si Doctor Hugh kaya sumunod na ako. Nilingon ko naman si Jessica at tinanong kung di ba sya sasama.

"Hindi ako maaaring umalis ng clinic, Holly. Marami akong gagawin. Mag ingat kayo." ngumiti siya sakin kaya nginitian ko din siya pabalik.

Paglabas namin, may isang magarang karwahe akong nakita.
Wow! Ang laki tapos iba siya sa mga karwahe na nakita namin sa daan nung pinasyal ako ni Grant. Ang elegante ng karwahe! Kulay gold siya at may mga puting palamuti sa paligid. May dalawang horse sa unahan, tapos may isang lalaki na nakaupo sa unahan, yung driver ata ng karwahe.

Nung lumapit kami sa karwahe, bumaba mula dun si Irvin. Ngayong araw ko lang ulit siya nakita, ah.  Naka itim siya na cloak tapos itim din ang panloob niya.
Napa-woah ako ng makita ko yung nasa likod nya. Isang bow at may mga arrows! So, yun pala ibig sabihin ng Ranger? Ang cool!

"Tara na, Holly. Bagal bagal naman." nagulat ako ng biglang sumulpot si Grant sa tabi ko at tinulak ako papasok ng karwahe.

Nako! Hindi nga ito Fairytale! Muntik na akong masubsob ah! Sinamaan ko ng tingin si Grant pero nginisihan niya lang ako.
Ang buong akala ko aalalayan nila ako paakyat! So much for my expectation. Well, sure na talaga ako na wala ako sa Fairytale. Siguro, may mga magic sila, pero there's no such thing like Fairytale here.

Nakasimangot akong umakyat pero agad na nawala yun ng makita ko yung loob. Sa labas, parang ang liit niya, pero ang spacious nya sa loob!
May dalawang mahabang sofa na magkatapat, tapos may isang coffee table sa gitna.
May mga cushion pillow din sa lapag, at may carpet pa!
Napatakbo ako dun sa sofa at umupo. Ang fluffy ng upuan!

"Tsk, parang bata." nilingon ko si Irvin na nagsabing parang bata daw ako. Inirapan ko lang siya.
Dalagita na ako pero minsan para akong bata. Namiss ko na naman si Mommy. Napayuko na lang ako at umayos ng upo.

Naramdaman kong may tumabi sakin pero 'di ko na nilingon.
Hindi ko namalayan ilang minuto o oras kaming nagbyahe dahil hindi ko alam ano gagawin ko kanina.

Paano, feeling ko nasa jet plane ako sa sobrang bilis!
Hindi ko na nga alam saan ako napahawak eh. Basta ang alam ko, nakapikit lang ako buong ride at ni hindi makahiyaw. Parang nachoked ako. Hindi na ako uulit sumakay dito sa karwahe! Mapanlinlang ang kagandahan, nakamamatay pala sa loob! 

Nakahinga lang ako ng maluwag nung naramdaman kong tumigil na.
Ano ano pa kayang mararanasan ko dito sa lugar na 'to?

***************
Nasa harap na kami ng isang malaking gintong gate. Nangalay nga yung leeg ko sa pag angat ng tingin kung gaano kataas eh.

May dalawang parang Knights na nasa harap ng gate at kausap ni Doctor Hugh ngayon. Si Grant at Irvin nasa magkabilang gilid ko.
Maya maya lang, bumukas na yung gate. At kung nakakalula na sa ganda dahil nag go glow yung pinasyalan namin ni Grant nung nakaraan, mas nakakalula yung sight na nakikita ko ngayon. Undescribable ang mga nakikita ko ngayon!

Kung saan saan ako lumilingon, 'di ko malaman saan ako unang titingin. Lahat ng nandito sa loob ng gate na 'to, maganda!

"Isara mo bibig mo, Holly. Bawal yan dito." I immediately close my mouth. Nakakahiya gosh! Nakita ko namang ngumingisi ngisi si Irvin, at isang irap na lang ang sinagot ko sa kanya. Nakakapikon na sya ha.

"Binibini. Pag dating natin sa bulwagan ng mga pagtitipon, magbigay galang ka agad sa Mahal na hari." tumango ako. Laging seryoso 'tong si Doctor Hugh. Minsan ko lang nakitang ngumiti. Shiz.

Mga ilang minuto kaming naglakad at namangha naman ako sa mga tanawin sa loob ng gate, mga flowers, nagtataasang puno at may mga butterflies na nagliliparan! Nang tumigil kami ay isang malaking double door ang hinintuan namin at bumungad sakin ang isang malawak na bulwagan na puro ilaw noong binuksan ito. Naggo glow din ang buong paligid. Kung hindi pa ako hinatak ni Grant, hindi pa ako lalakad. Ang ganda kasi ng lugar! Parang yung sa mga luxury hotels sa amin, pero mas luxurious yata 'to dahil sa dami ng gamit na nakakatuwa sa mata!

Saka lang ako napalingon sa harapan, at may elevated na stage, at mayroong apat na upuan. Shocks! Naalala ko yung upuan nila Prince Edward sa Narnia! Totoo palang may ganto! Akala ko sa mga libro ko lang 'to mababasa!

Nung makalapit kami sa unahan, may tumunog na trumpets yata. Parang nag aannounce?

Biglang nagtaasan ang mga balahibo ko ng may lumabas na tao sa kaliwang pinto. Isang babae. Grabe! Nahiya yung balat ko sa kanya dahil sa kaputian nya! Isang babaeng naka suot ng white flowing gown na abot hanggang sahig, nakatirintas tapos ang cute cute niya! May flower crown din siya sa ulo, pero pa bohemian style kasi may tali pa sa magkabilang gilid. Cool!

Napatingin naman ako sa kanan ng may pumasok naman na lalaki. Naka suot naman sya ng suit at pants na color white, tapos may kapa sa likod at may sumbrero na gaya ng kay..... Kaito Kid! Omg! My favorite thief of all time!

Titignan ko na sana yung mukha nya, kaso napalingon naman ako sa kanan nung may sabay na pumasok na babae at lalaki. Mas lalong naging mahirap huminga dahil sa presensya nila. No doubt, they are the rulers of this world. Parang isang tingin nila sayo, tatalsik ka na.

Kung cute yung babae kanina na nauna, isang dyosa naman 'tong babaeng 'to. She's wearing a red gown na abot hanggang sahig din, and she have a golden crown on her head. Yung hari naman, naka black and white na suit, tapos may kapa din siya sa likod.
Tumunog ng dalawang ulit yung trumpets bago sabay sabay na umupo yung apat na Royalties.
Pag upo nila ay yumuko yung tatlo kaya napayuko din ako.

Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa din sila nag sasalita kaya nagsimula na ako.

"Ah, magandang araw po. Ako po si Holly Sarmiento mula sa mundo ng mga mortal, at kaya po ako nasa inyong harapan ay para magtanong sana. Alam nyo po ba paano makakabalik ng mortal world?" matapos kong sabihin yun ay parang may dumaan na anghel sa sobrang katahimikan. Puro paghinga lang namin ang naririnig ko. Lumingon ako kila Doctor Hugh at mga nakatingin sila sakin.

I mouthed 'bakit', pero umiling lang sila. Napabalik ang tingin ko sa harap ng may umubo.
Magsasalita na sana ang hari ng mapadako ang tingin ko sa katabi niyang lalaki sa trono, at napa sigaw ako.

"Ikaw?!" saka ko lang naalala na may mga nakatingin sakin nung mabalik na ang kahihiyan ko sa katawan. Shit! Lahat sila nakatingin na sakin. I'm doomed!

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon