Holly's POV
Elimination. Natatakot ako ngayon sa word na yan. Pero kailangan kong lumaban para makasama ako sa hunt at manalo. Paulit ulit lang yan na tumatakbo sa isip ko habang naliligo at ngayong nagbibihis ako.
Maaga akong nagising ngayon dahil kailangan maaga din kami sa bulwagan na pagdadausan ng elimination.
Humarap ako sa salamin at tiningnan ang suot ko.
Naka turtle neck black long sleeve ako na gawa sa gantsilyo, na tinernuhan ko ng black jeans at sports shoes. Binigay sa akin ni ate Erah 'to kahapon at ito daw ang suutin ko, at tama nga siya nung sinabi niya na bagay sakin ang damit.Naputol ang pagtingin ko sa salamin ng may kumatok. Binuksan ko ang pinto at si Ate Hara pala.
"Ikaw na lang hinihintay sa baba." Sabi niya na ikinagulat ko.
"Akala ko maaga na ako nagising?" Tinawanan niya lang ako at niyaya sa baba. Nasa sala na sila Lolo pati ang mga pinsan ko. Halos pare pareho kami ng suot, black. By color din daw ang susuotin ng mga clan ngayon at gusto kong makita na iba iba kami ng kulay na suot.
Sa mga Assassins daw ay yellow, sa Rangers ay pula, sa Warlocks ay berde, sa Warriors ay asul, at sa mga Healer ay puti."Holly apo, galingan mo mamaya ha?" Tumango ako kay Lolo saka siya niyakap. Sobrang pasasalamat ko na kahit wala na si Daddy ay siya ang naging ama ko dito.
Niyakap din ako ng mga tita, tito at ibang pinsan ko.
"Bakit parang ikakasal lang ang pakiramdam ko sa ginagawa nila sayo, Holly." Nagtawanan kami lahat sa sinabi ni Harold. Nakabawas yung sinabi niya sa kaba na nararamdaman ko.Niyaya na kami nila Lolo na umalis na kahit sobrang aga pa.
Paglabas namin ay gininaw ako dahil sa malamig na simoy ng hangin. Mag aala sais pa lang kasi kaya medyo mahamog pa. Tumabi sa akin si Ate Hara, at namumutla siya pero hindi ko na pinuna, dahil ako din yata namumutla. Dahil sa kaba o sa lamig ay hindi ko na inalam ang dahilan. Basta na lang ako sumunod sa kanila papuntang bulwagan.Makalipas ang ilang minuto na paglalakad ay pumasok kami sa mapunong lugar.
"Ate Hara, nasa loob ba ng gubat ang bulwagan?" Hindi ako nakatiis at nagtanong na. Tumango naman siya sa akin. Mas lumakas ang ihip ng hangin dahil sa nagtataasang puno. Hindi ko maiwasan na hindi ginawin kaya nag cross arms ako para mabawasan ang lamig. Sana pala kinuha ko yung jacket ko.May naririnig kaming ingay sa bandang unahan, mga nag uusap. Mga nakasuot sila ng kulay pula tanda na mga rangers sila. Astig! Para silang nag aapoy!
"Papunta na din pala ang mga rangers." Komento ni ate Hara na tinanguan ko lang.
Napatingin ako sa sapatos ko ng mapansin na natanggal ang sintas. Umusod ako ng konti sa gilid para hindi ako makaabala sa mga naglalakad at itali yung sintas, pero pag angat ko ng tingin ay isang lalaki ang nandoon. Si Irvin!
Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingala ako sa kanya at siya naman ay nakayuko sa akin.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sa seryosong mukha at bigla naman akong napatayo."Ha? Ah, tinali ko yung sintas ko, natanggal kasi." Tumingin siya sa sapatos ko at laking gulat ko ng umupo siya at kinuha ang paa ko. I mean hindi yung paa ko mismo, yung sapatos. Tinanggal niya sa pagkakatali at ibinuhol ulit pero this time iba yung buhol niya. Parang pagtatali ng mga boys scout. Ganun din ang ginawa niya sa isa ko pang sintas, saka siya tumayo at nagpagpag ng kamay.
"Nag boys scout ka ba?" Biglang lumabas sa bibig ko ang tanong na yun kasi di ko naman alam ano sasabihin ko.
I have this feeling inside me na kapag nandyan siya, nag iiba ang timpla ng pag iisip ko. Ang lakas lakas din ng tibok ng puso ko. Wala naman akong sakit sa puso, at may naiisip akong dahilan pero hindi naman tama yun. Mali lang siguro yung nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Holly's Tale
FantasyFairy tale life has always been every girls dream. But Holly's fairytale life is far from what she thought, 'cause her tale is just about to unfold. (Cover credit to: @revekhas)