(18) The Start of Training

258 16 4
                                    

Holly's POV

Pinagpahinga ko saglit si Irvin kahit ayaw niya, matapos kong gamutin yung sugat niya. Hindi naman ganoon kalalim, nagamot na daw ni Doctor Hugh yun kanina, kaso bumuka daw ulit siguro kaya dumugo at sariwa pa kasi siya. Kinakabahan pa nga ako kanina habang nililinis ko yung sugat niya, takot kaya ako sa dugo.

Nakakapanis ng laway kasama si Irvin kasi after nun 'di na siya nagsalita pa, so hindi na din ako nagtangkang magsalita. Kaso nakakainip, kaya tumayo na ako at lumapit ng konti sa kanya para magpaalam.

"Ahm, ano, babalik na ako sa amin. Maiwan na kita dito." Paalam ko at saka tumalikod.

"Wait. I'll go with you." Nilingon ko siya kahit nagtataka ako. Bakit nya naisipan sumabay sa akin, eh hindi naman kami close.

Tumayo siya at pinagpag ang damit niya, bago humarap sa akin.
"Let's go." Nagpatiuna siya sa paglalakad at napasunod na lang ako.

Nung pababa na kami dun sa damuhan, nagdahan dahan ako dahil matulis at makitid talaga yung daan. Kaso, nagulat ako ng hinawakan ni Irvin yung kanang braso ko at parang hinihila na inaalalayan. Nanlalaki mata at bibig ko sa gulat. May pagka gentleman pala siya? Hanggang sa makababa kami ay hindi ako nakapag react. Binitawan niya na ako pero hindi pa din ako makapag react. Nung nahimasmasan ako, medyo nakalayo na siya sakin kaya tumakbo pa ako para habulin siya.
"Ahm, salamat pala."

"Tsk." At yan lang ang sagot niya sa akin, pero hindi na ako nag react. Malapit na kami sa clinic ni Doctor Hugh ng maisipan kong magtanong.
"Nasaan pala sila Grant? Bakit ka nasa Haven kanina?" Huminto siya kaya napahinto din ako saka siya unti unting lumingon sakin.

"Grant is at their house, while Hugh is probably at the clinic. Why? Hindi na ba ako pwede sa Haven?" Hindi naman mukhang inis yung mukha at tono niya, pero ewan ko ba, naaasar ako. Nag roll eyes na lang ako saka nagpauna ng lumakad. Itatanong ko sana bakit nasa tabi ko siya kanina, eh may room naman siya sa Haven, pero hindi na ako nag abala. Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad at 'di ko namalayan na nasa tapat na pala kmi ng gate ng Black Knights.
"Holly! Nandito ka na pala!" Humihiyaw na tawag ni Ate Hara. Ang hyper niya lagi.

"Hinahanap ba nila ako?" Tanong ko ng makarating ako sa tapat niya.

"Oo, magte training na daw kayo ni Tita Haley. Uyyy, ikaw ah. Saan kayo galing ni Irvin?" Lumingon ako sa likod, at nandun pa din pala si Irvin. Prenteng nakatayo habang nakapamulsa at nakatingin sa amin. Pa cool, tss.


"Oh, nandyan ka pa pala. 'Di kita napansin na nasa likod pa kita." Umiwas lang siya ng tingin at 'di ako sinagot. Bastos ha!

"Nako nako, nag aaway kayo? Nyay! Kebago nyong magkasintahan, nag aaway agad kayo.

"Anong magkasintahan? Walang ganun ate Hara!" Nanlalaki ang butas ng ilong na sagot ko agad.

"O masyadong defensive Holly. Hahaha!"

"Tss, stop that nonsense Hara. I'll go now, hinatid ko lang yan dahil baka may umatake bigla, baguhan pa lang siya. Sige." Matapos nun, tumalikod na siya at naglakad palayo. Wow, 'di ko akalain may bait pala na tinatago 'to si Irvin.

"Kuuu, baka may umatake daw. Saan kayo galing ha?" Hanggang sa pagpasok sa bahay, inaasar ako ni Ate Hara at natigil lang yun ng nasa sala na pala si Tita Haley. Wooo, buti naman.

"Kanina pa kita hinihintay, Holly. Magbihis ka ng komportableng damit, at magsisimula na akong turuan ka." Tumango ako kay Tita Haley at dumila kay Ate Hara saka mabilis na umakyat sa kwarto ko. Nagpalit lang ako ng komportableng damit saka ako bumaba ulit. Si Tita Haley na lang ang nandun at inaya niya na ako sa training room.

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon