(2) The Healers

682 33 5
                                    

Holly's POV

Ouch! Napamulat ako ng mata ng may kumirot sa bandang ulo ko, pero para lang mapapikit ulit dahil sa liwanag na nakita ko. Ang hapdi ng mata ko!
Feeling ko umiikot ang mundo!

Pinakiramdaman ko muna ang katawan at ulo ko. Nang medyo natigil ang kirot, nagmulat ulit ako ng mga mata, at kahit nasisilaw sa ilaw na nakatutok sa akin ay unti unti akong bumangon. Nasaan ba ako?

Nilibot ko ang paningin sa paligid, pero ang tanging makikita lang ay puting pader, puting lamesita sa tabi ko, puting higaan sa may kanang bahagi ng kama, at, basta lahat ng gamit puti! Teka, nasa ospital or clinic ba ako?

Napahawak ako sa noo ko ng may naramdaman akong tumutulo. Oh my gosh! D-dugoooo!

"Gising na ba sya, Hugh?"

"Hindi pa. Halos tatlong araw na din, at ni isa ay wala pa akong nababalitaan na may nawawalang tao sa ibang lugar. Saan kaya siya galing?"

"Oo nga. At bakit puro siya sugat sa kataw-" napahinto ako sa pag tingin sa kamay ko na may dugo at napahinto din yung nagsasalita kanina. Pareho kaming natigilan nang bumukas ang pinto. 
Pero mas nagulat ako ng mabilis na lumapit yung isang lalaking naka kulay blue na lab gown at tinapat sa ulo kong nagdudugo ang kamay niya.

"Tsk. Hindi pa yata sapat yung ginawa ko kahapon, akala ko gumaling na 'to." sabi nung naka kulay blue na lab gown na siguro ay si Hugh? Ah ewan!

Unti-unting nanlaki ang mga mata ko ng nag sink in sa akin kung anong ginagawa nya. Nakatapat ang kamay nya sa ulo ko, at nagliliwanag yung kamay niya! How can this be?!

"Baka dahil sa pagbangon niya bigla." sabi naman ng lalaki na naka black na coat at black pants.

"Hay. Ayan ayos na. Ano binibini, ayos na ba pakiramdam mo?" tumingin ako sa sa lalaki at pinakiramdaman ko sarili ko. Bukod sa medyo mahapdi pa yung mata ko ay wala ng masakit sakin. Pero hindi ko makuhang sagutin ang tanong niya dahil sa nakita ko kanina. I want answers!

"S-sino kayo? A-anong ginawa mo sakin? Bakit nagliliwanag yung mga kamay mo kanina?!" nagkatinginan sila sa tanong ko at parang naguluhan sila sakin. Aba,maski ako ah!

"Ako si Hugh, isa akong healer. Eto naman si Irvin, isa siyang ranger."

"You're not suppose to tell that, Hugh." sita nung isang lalaki pero kalmado naman sya.

"Paumanhin. Anyway, may masakit pa ba sayo?"

Anong pinagsasabi ba nila? Alam ko yung healer, mang gagamot, parang doktor nga. Yung Ranger, ano yun?
"Ano yung Ranger?" nacurious ako eh.

"Wala, wag mong intindihin yun. Pero mabalik tayo, kanina ko pa tinatanong 'to eh. Sagutin mo na 'ko, may mas-"

"Sasagutin? Nanliligaw ka ba sa kanya, Hugh?"

Inismiran siya nung Hugh at tumingin ulit sakin, na parang sinasabi na sagutin ko yung tanong niya.
"I-im okay, I guess?" sagot ko bago kinapa yung noo ko. Wala na yung makirot kanina. Pero may sugat pa din siya.

"Mabuti naman. Sige na magpahinga ka na muna. Padadalhan kita kay Jessica ng pagkain para mas umayos ang pakiramdam mo."

"Tara na Hugh. Baka hinihintay ka na ng karwahe."

"Oo na eto na." bago pa ako makapag protesta ay lumabas na sila ng pinto at naiwan akong nakanganga.

Nasaan ba ako? Anong ginagawa ko dito? Anong Ranger ba yun? Saka, ano yung ginawa nung healer sakin? M-may kapangyarihan ba sya?
Napailing ako, no no no. 'Wag ka ngang mag imagine, Holly. Kakabasa mo ng Fantasy stories eh nadadala mo sa buhay mo. Reality 'to, okay? Fantasy is just a fiction story.

Tinry kong bumangon at nagulat naman ako sa nakita kong suot ko. Naka baby blue akong parang hospital dress. Sa baba ng kama, may isang pares ng fluffy step-in dun. Oh diba,sabi ko na nga ba eh. Ang normal ng paligid. Baka namalikmata lang ako sa nakita kong liwanag, at yung ilaw talaga yung nakita ko sa kamay niya. Baka napaghalo ko. Ay ewan!

Tumayo na ako at lumabas dun sa pintong nilabasan nila. Isang mahabang hallway ang nabungaran ko paglabas, at walang katao tao. Puti din ang kulay ng mga pader maliban sa ilang pinto na nakikita ko sa gilid na kulay kahoy.

'Di ko alam kung saan ako pupunta ng makalabas sa kwarto, sa kanan ba o sa kaliwa.
Pero dahil ang right ay tama, sa left side ako nagpunta.

At napanganga ako pagdating ko sa dulo. Parang veranda pala yung dulo nun, at kitang kita ko ang malawak na lupain na punong puno ng mga flowers at kung ano anong halaman! Ang refreshing sa mata!
Napapikit ako ng humangin, at napangiti ako dahil sobrang nakakatuwa sa pakiramdam!

"Nandito ka lang pala, binibini." napasandal ako sa veranda  ng may biglang nagsalita. Lumingon lingon ako sa paligid, at wala akong nakitang kahit sino. Nababaliw na ba ako?

"Dito sa baba, binibini. Wala kang makikita kung sa taas ka lang maghahanap." pag baba ko ng tingin ay napapiksi na lang ako dahil sa nakita ko. Isang babae na kayumanggi ang balat, naka braid ang buhok, at maliit.
D-dwarf ba siya? Judgmental ko naman! Baka maliit lang talaga sya!

"Magandang araw, binibini. Ako si Jessica, ang kanang kamay ni Doctor Hugh dito sa klinika niya. Halika sa kusina para makakain ka na. Ibinilin ka nya sakin." kasabay na tumunog ang tiyan ko sa pagsabi nya ng kakain na ako.
 Ngumiti siya sakin, at ready na sana ako magtanong pero nagulat ako ng hinawakan niya ako sa kamay, napapikit ako ng madiin at feeling ko nag 360° ang paligid at pagmulat ko, nasa tapat ko na ang isang lamesang pang maramihan, at may mga nakakatakam na pagkain sa hapag!

Pero bago yan, paanong? Napalingon ako sa likod pero para lang magulat dahil wala na yung fields of flowers kanina, isang pader at pinto na lang ang nasa likod ko.

Hindi na ako nakapalag ng hinila ako nung dwarf at pinaupo sa upuan. Kumalam ulit ang sikmura ko nung nakita ko ng malapitan ang mga pagkain. Mamaya na ako magtatanong. Magpapakabusog muna ako.

Matapos ang isang maganang pagkain ko, feeling ko nagbalik na lahat ng lakas ng katawan ko.
Nakatingin pa din sakin yung si Jessica, at kahit nahihiya ako, gusto kong malaman kung nasaan ako at anong klaseng nilalang sila.
"Ahm, salamat sa pagkain, J-jessica."

"Walang anuman, binibini. May nais ka bang itanong?  Maaari kang magtanong ng kahit ano."

"A-ahhh. Ehem. Nasaan ako? Anong lugar ito?"

"Nasa klinika ka ni Doctor Hugh, isang resident doctor mula sa angkan ng mga Healer. Kami at ang angkan namin ang nagsisilbing taga gamot dito sa palasyo ng Eden."

"Wait?! Palasyo? Woah?! Anong palasyo?"

Tinignan niya ako ng matiim bago bumuntong hininga.
"Ito ang palasyo ng Eden. Dito naninirahan ang mga nilalang na may ibang kakayahan, mas mataas na kakayahan kesa sa mga mortal sa outer world."

"Shocks?! So wala ako sa mortal world? G-ganun ba?" paano ako napunta dito? Oh my gosh! Nag flash back sakin yung nangyari nung sumakay ako ng taxi. Muntik ng may gawin saking masama yung driver, kung hindi lang ako nahulog sa balon. Hala! So, ang balon na yun ang parang portal para makapasok dito sa Eden?

"Tama nga ang hinala ko na hindi ka taga dito, binibini."
Napalunok ako dahil seryoso siya nung sinabi niya yun. Hala, anong mangyayari sakin dito? Paano ako makakabalik?

"O-oo. Hindi ko nga alam paano ako napunta dito, sa totoo lang. Ang naaalala ko lang, nahulog ako sa isang balon at pag gising ko, nasa kama na ako."

"Hmm. Oo nga. Tatlong araw na ang nakalipas simula ng makita ka ni Irvin sa may talampas, habang nangangaso sila. Dinala ka niya agad dito para magamot. Puro ka sugat at pasa, at nagdudugo ang ulo mo, marahil ay dulot ng pagkabagsak mo. Naghanap sila Irvin at Doctor Hugh ng mga kamag anak mo, pero wala namang nabalitaang nawawalan ng kapamilya. Kaya naman pala, isa kang mortal."

Ano ba 'to? Bakit ganto nangyari? Isa lang naman akong estudyante sa high school, tapos mapupunta ako dito?

"Alam kong marami ka pang tanong, pero mas mabuti na magpahinga ka muna ulit para di na magbukas ang mga sugat mo. Tara na." muli nya akong hinawakan sa kamay at nag 360° ulit ang paligid at pag open ko ulit ng mata ko ay nasa harap na ako ng kama ko kanina.
Hinila niya ako pahiga sa kama at kinumutan. Hinaplos haplos niya ang ulo ko at nadala na ako sa rurok ng karimlan.

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon