(29) The Abduction

181 10 5
                                    

Holly's POV

Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Himala, walang gumigising sa akin. Napasarap ang tulog ko, siguro dahil napagod kami kahapon.
Teka, ano nga bang ginawa namin kahapon?

Habang inaantok pa ay iniisip ko kung anong nangyari kahapon at muling napapikit.
Ang clan festival, ang pagkapanalo namin, ang pag dadala sakin ni Irvin sa lugar na madaming bulaklak, ang hunt, at ang mga nakaitim na lalaki.
Dumilat agad ako ng maalala ko ang nangyari.

May nakalaban akong dalawang nakaitim, tapos na paralyzed ako at may dumating na isa pang lalaki na tinawag akong daughter?!
Sinubukan kong tumayo pero para lang magulat. Naka kadena ang mga kamay ko sa headboard ng kama!

Pinipilit kong tanggalin ang kadena na nasa kamay ko. May nakasuot din sa kamay ko na bakal na gloves, pero pilit ko pa ding tinatanggal ang kadena.

"Tulong!" Paulit ulit kong sigaw habang nagpupumiglas. Hanggang sa pakiramdam ko ay nanghihina na ako.
Siya namang pagbukas ng isang pinto di kalayuan kung saan ako nakahiga.

Isang taong nakaitim na roba ang pumasok, at natatandaan ko na siya yung lalaki kagabi na ang lakas ng aura.

"Sino ka?! Anong ginagawa ko dito, bakit dito mo ako dinala?" Sigaw ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at mas lalo akong nainis.

"Siguradong matutuwa ang iyong ina pag nagkasama na kayo." Nanlaki ang aking mata. Si Mommy?

"Papatayin mo ako?!"

Sa gulat ko ay humalakhak siya.
"Silly. Bakit ko papatayin ang anak ko?" Mas nanlaki pa yata ang mata maging tenga ko sa sinabi niya.

"Anong pinagsasabi mo? Patay na ang Daddy ko, at hindi ikaw yun!" Sigaw ko sa kanya at sinubukan ko hilahin ulit ang kamay ko mula sa pagkakatali pero hindi pa din ako makawala.

"Ang nakagisnan mong ama ay hindi totoong ama mo. Hindi mo ba alam na hindi kailanman magkakaroon ng anak ang mga mortal at tulad natin? Kaya sabihin mo sa akin paano ka niya naging anak." I tried my best to sit on the bed ng lumapit siya sa akin.

"Sino ka ba? Bakit mo ba ako dinala dito? Hindi pwedeng ikaw ang Daddy ko!"

"Anak, ako ang iyong ama. Ako ang nakabuntis sa iyong ina. Wag kang mag alala, makikita mo na din ang iyong ina mamaya." Ngingisi ngising sabi niya.

Nagulat ako. So hindi ko totoong ama si Daddy? At siya daw ang nakabuntis kay Mom? Hindi dapat ako maniwala. Kalaban siya, baka niloloko niya lang ako. Pero makikita ko daw si mommy?

"Anong ibig mong sabihin sa makikita ko si Mommy? B-buhay ba siya?" A tear fell on my right cheek.

"Yes, she's very much alive. Hindi pwedeng mamatay ang reyna ng mga Darkons." Parang huminto ang puso ko sa sinabi niya.

Reyna ng mga Darkons?!
"Sinungaling! Patay na si Mommy! Nakita ni Calum kung paano siya pinatay ng mga darkons!"

Umiling iling siya habang naglakad lakad sa paanan ng kama. Doon ko lang nalibot ang tingin ko sa kwarto. Kulay krema ang kama kung nasaan ako. May isang pabilog na mesa na may vase at bulaklak sa ibabaw at may dalawang upuan. Sa tapat nito ay ang pabilog na bintana na natatakpan ng kurtinang kulay krema din na nililipad ng hangin.

Ang ceiling ay may ilaw na tulad sa mundo ng mortal, isang pahaba ay ilang maliit na pabilog na ilaw sa paligid.

"Madami kang katanungan, pero baka ang iyong ina na lang ang sumagot. Maiiwan muna kita, aking prinsesa. Kailangan kong bumalik sa palasyo, susunduin ka dito ng mga tauhan ko mamaya para sa pagkikita niyo ng iyong ina." Matapos nun ay lumabas siya bigla.

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon