Holly's POV
Limang araw na simula ng mapunta ako dito sa lugar ng Eden, at madami na din akong nalaman. Bumalik si Doctor Hugh para lang gamutin ang sugat sa ulo ko, tapos umalis ulit siya. Baka nagpupunta sa palasyo.
Gusto ko sanang makita yung sinasabi nilang palasyo, pero ayaw akong payagan ni Grant na lumabas, kaya eto tengga ako dito sa loob ng kwarto. Wala akong ginagawa kundi magpahinga at kumain. Pati si Jessica ayaw akong palabasin ng kwarto. Nakakainis naman oh!Medyo madilim na nung nagising ako, may tatlong maliit na bintana kase sa tuktok nitong kama na kinaroroonan ko, kaya alam ko kung umaga or gabi na. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at napa sigh of relief ako ng makita kong wala si Grant. Alam kong ayaw niya na lumabas ako at baka masaktan daw ulit ako eh kaga-galing ko lang, kaso sobrang boring na humilata ano!
Dahan dahan akong bumangon at sinuot ko yung fluffy slippers na nasa paanan ng kama.
Inilapit ko ang tenga ko sa pinto at pinakinggan kung may tao sa labas. Pero sa ilang araw ko dito, si Grant, Irvin, Doctor Hugh at Jessica pa lang ang nakikita ko dito sa clinic. Akala ko ba angkan angkan ang mga healer? Edi dapat madaming healer ang nandito, saka mga pasyente?
Inalis ko muna sa isip ko yung mga naisip kong tanong at dahan dahan akong lumabas.
Tahimik na tahimik sa buong hallway, at medyo dim ang mga lights, pero okay lang naman daanan. Tinahak ko ang mahabang hallway at lumabas ng clinic.Medyo mas madilim sa labas kesa sa hallway. Wala kasing masyadong ilaw dito sa labas, bakit kaya?
Tumingin tingin ako sa paligid at walang kahit isang naglalakad. Hala, nasaan yung mga tao?
Lumakad lang ako ng lumakad. Nadaanan ko pa yung mga itinuro sa akin ni Grant nung isang araw, pero madidilim na yun lahat. Natatakot na ako pero mas umiral ang kuryosidad ko.
Gusto kong libutin 'tong kaharian nila.Sa kakalakad ko, nakarating ako sa parang gubat, parang dead end na ah.
"Ano kayang meron sa gubat na 'to?" pagkausap ko sa sarili ko.
Nag aalangan man akong pumasok ay nanaig pa din yung curiosity ko. Inshort, pagka tsismosa ko. Well, ngayon lang naman.Habang papasok ako ay napapanganga ako sa mga nakikita ko! Kung nakakamangha na yung field of flowers dun sa veranda sa clinic, mas nakakamangha dito! Iba iba ang kulay ng mga puno at halaman! May pink, green, orange, yellow, violet at madami pa!
Ewan ko ba pero sobrang hilig ko sa nature, at naapreciate ko ang nakikita ko ngayon. Wow!Napahinto ako ng may marinig akong parang rumaragasang tubig, at napatakbo ako sa tuwa.
May falls! Ang taas ng falls tapos ang lawak ng tubigan na binabagsakan!
Nakakatuwa!Mahilig ako sa tubig bata pa lang ako, kaya natutuwa ako pag nakakakita ako ng tubig.
Ngayon ko lang naalala, ilang araw na ako dito pero di pa pala ako naliligo!
Inamoy amoy ko naman ang sarili ko, hindi naman ako mabaho. Pero kahit na!At walang pag dadalawang isip na hinubad ko ang slippers at ang damit ko at agad na lumusong sa tubig. Ang sarap!
Hindi mainit at hindi malamig ang temperature ng tubig, katamtaman lang.
Nag floating ako at sumisid ng ilang beses. Para akong bumalik sa pagkabata, nung unang unang beses na tinuruan ako nila Mommy at Daddy na lumangoy.
Nalungkot naman ulit ako ng maalala ko si Mommy.
"Mommy, I miss you!" malungkot na bulong ko habang nakatingala sa langit.Naka floating lang ako ng may marinig ako na tumalamsik na tubig at parang nag dive.
May nag dive?!Unti unti akong lumingon sa likod ko at sinipat ang buong paligid pero wala akong makitang tao. Naghintay ako ng ilang segundo pa pero wala ring umaahon.
Baka imagination ko lang, baka galing lang sa falls yun.
Nagkibit balikat na lang ako, at nung pagharap ko kung saan ako nakaharap kanina ay nanlaki ang mga mata ko.May tao sa harap ko!
Nanigas ako, feeling ko nagka pulikat ako ng wala sa oras, di ko maigalaw ang bibig ko.
Holly, ano ba?"Anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?" napanganga ako sa ka-manly-han ng boses nya. Pero joke lang yung napanganga. Di ko nga maigalaw labi ko eh.
"Pipi ka ba?" tanong nya ulit matapos ang ilang segundo na di ko pagsagot.
"A-ah hindi naman. N-nagulat lang ako. Saka, BAKIT KA NANDITO?!" napasigaw ako ng wala sa oras ng humihip ang hangin at nilamig ako, saka ko lang naalala na naka undergarments lang akoo!!!
"Tss. Akala mo naman may makikita ako dyan sa tinatakpan mo." umismid pa siya sakin. Tinakpan ko kase yung dibdib ko. At saka, anong sabi niya?
"Hoy! Lakas ng loob mong sabihing wala akong dibdib!" na hurt ako dun ah! Alam kong 'di ako pinagpala, pero grabe manlait!
"Truth hurts?" naiinis ako sa ngisi niya!
"Manahimik ka kung wala kang magandang sasabihin! Bwisit!" sigaw ko sa kanya sabay talikod sa kanya. Kaso naalala ko dun pala sa likod niya ako dadaan para makuha yung damit ko. Pero hindi muna ako aahon no! For the sake of whoever it is, naka panty lang ako! Hindi naman sa may pekas ang katawan ko, pero hello? I'm just a 16 year old girl. At kahit sino wala pang nakakakita sa katawan ko!
Ah shit talaga!'Di na ako lumingon dun sa lalaking grabe manlait, sumisid sisid lang ako sa malayo sa pwesto niya.
Napag isip ko din, malaki naman 'tong ilog, kahit sino pwedeng lumangoy. Naalala ko din, dayo lang ako dito. Duh? Kaya 'di ako dapat mag inarte na parang pag aari ko 'tong lugar.Makalipas ang ilang minuto, nilamig na ako. Unti unti ulit akong lumingon sa likod para tignan kung nandun pa sya, at na out of balance ako kaya nalaglag ako sa tubig. Narinig ko pa ang pagtawa niya. Grabe, sobrang manly! Pero teka! Asar sya! Kanina pa ba sya nakatingin sakin?
Sa tantya ko kase, mahigit sampung minuto akong naglalangoy simula ng talikuran ko siya, at ni hindi man lang yata siya nagbago ng pwesto!
Nakasimangot akong lumapit sa pwesto nya, I mean dumaan. Duh, bakit ko siya lalapitan? At partida, naka bra pa ako?Nakalubog tuloy ako hanggang leeg habang umaabante papunta dun sa pampang kung saan ko iniwan yung mga gamit ko.
Nung makarating na ako, akmang aahon na ako ng mapatingin ako sa likod ko.
Sabi ko na eh!Nakatingin na naman siya sakin!
"Ano na namang problema mo? Tumalikod ka nga! Aahon na ako!" ngumisi lang siya pero tumalikod naman siya at lumangoy palayo. Good!Hanggang sa matapos ako magbihis, nakatalikod pa din siya sa gawi ko.
Napairap na lang ako bago tumalikod. Asar sya! Naiinis pa din ako sa pang aasar nya sa dibdib ko!Naglakad na ako pabalik dun sa clinic. I feel so refreshed! Sobrang gaan sa pakiramdam, lalo na kapag napunta ka sa comfort zone mo, which is water for me.
Malapit na ako sa clinic ng makita kong may tatlong tao na nandun sa labas. I mean, dalawang lalaki at isang dwarf este maliit na babae.
Napabilis tuloy lakad ko.
Bakit kayo nandito sa labas?" agad silang napalingon sakin at tumakbo palapit. Hinila agad ako ni Grant papasok ng clinic."Aray Grant, nasasaktan naman ako sa paghawak mo!" mali pala yung hila, dahil KINAKALADKAD NIYA AKO!!!
Dinala nya ako dun sa naging kwarto ko sa pag i-stay dito, at sumunod din pala samin yung dalawa.
Napatingin ako sa mukha nila at mga seryoso sila. Anong meron?"Saan ka nanggaling?" for the first time simula ng magkakilala kami, ngayon ko lang narinig yung nawawalang pasensya na boses ni Grant. Napalunok tuloy ako.
"Dyan lang, nag ikot ikot." na surprise ako sa boses ko. Ang liit kase. Siguro epekto ng lamig.
"Saang dyan? Alam mo bang hinanap ka na namin sa buong Eden? Pero wala ka?" ano daw? Hinanap sa buong Eden?
"Hinanap nyo ako? Bakit? Saka kung hinanap nyo ako sa buong Eden,sana nakita nyo ako na nandun sa may falls." nagkatinginan silang tatlo.
"Hinanap ka namin maski dun, Holly. Pero hindi ka namin nakita dun." sabi ni Jessica. N
"Huh? Nandun ako for almost two hours? Naglalangoy lang ako dun. Paanong 'di nyo ako nakita?" nakakapagtaka. Saka dalawa nga kami na nandun eh.
"Aish, forget it. Matulog ka na ngayon. Bukas na tayo mag usap." sabi ni Grant, pero yung mukha nya nakasimangot. Anong trip niya?
"Mag ready ka din bukas, binibini. Pupunta tayo sa Palasyo. The King wants to see you." sabi ni Doctor Hugh bago naunang lumabas ng kwarto ko.
Uh-oh?
BINABASA MO ANG
Holly's Tale
FantasyFairy tale life has always been every girls dream. But Holly's fairytale life is far from what she thought, 'cause her tale is just about to unfold. (Cover credit to: @revekhas)