(15) Advance Lesson

279 15 2
                                    

Holly's POV

Akala ko nagbibiro lang si Irvin sa sinabi niya, pero nung lumakad na siya palayo, sinundan namin siya. Binalik ko muna yung spear sa kinuhaan ko gamit ang returning power ko.

Nagtaka naman ako kasi halos ilang minuto ng hindi sila nagsasalita. Napatingin ako sa paligid at parang pamilyar yung lugar. At tama nga ako, dun sa may damuhan sa taas ang punta namin.

Unang umakyat si Irvin ng walang kahirap hirap. O, s'ya na magaling!
Ganun din si Doctor Hugh.
Si Grant, nauna sakin, pero inaya niya akong sumunod sa kanya at inalalayan pa ako. Buti na lang naka tokong na pambaba ako kaya hindi mahirap umakyat.

Pagdating namin sa taas, napangiti ulit ako. Ang sarap talaga pagmasdan ng nga damuhan. Green na green.

Akala ko dito lang kami pero nakita kong dumiretso sila sa gawing kaliwa kaya sumunod lang ako.
"Saan tayo, Grant?"

Ngumiti siya sakin saka sinabing
"Basta." Anong sagot yun?

Meron pa palang pathway dun! May isang makitid pero kaya pa namang daanan na napapalibutan ng mga batong pader ang dinaanan nila Irvin. Kesa magtanong ay sumunod na lang ako.

Habang papalayo kami ay parang dumidilim.
"Grant, ba't parang dumidilim?"

"Papunta kasi tayo ng underground kaya hindi na abot ng liwanag dito."

Hinatak ako ni Grant at pinauna ako kaya siya na ang nasa likod ko kaya napanatag ako. Nakakatakot kasi yung kadiliman.

Siguro ilang minuto pa kaming naglalakad bago ako nauntog sa pader, este sa taong nasa harap ko.
"Sorry binibini."

"Ba't huminto?" Gusto ko mang tingnan kung anong meron sa harap hindi ko magawa dahil nga sa limited lang ang space, tapos ang laki pa ni Doctor Hugh. Dagdag mo pa na madilim.
Lilingon na sana ako kay Grant para magtanong ulit pero unti unti nang lumiwanag sa harap kaya di ko na tinuloy. Nung lumakad na sila papunta dun sa liwanag, sumunod na ako.
At parang nabitin sa lalamunan ko ang hininga ko ng makita ko anong meron sa loob. Parang kalahating bulwagan 'to ng palasyo!
Kulay red ang buong kwarto, may isang elevated stage na pabilog sa gitna at may harang sa gilid. Parang ring sa boxing!

May apat na pinto sa bandang likod ng elevated stage na iba iba ang kulay. May white, blue, green, at yellow.

Tapos sa isang gilid may malaking pabilog na carpet din sa gitna at may mga bean bags at pillows. May isang part din sa gilid na parang kusina. Omg! Parang ang saya naman dito! Haven na haven nga! 

"Welcome to our Haven, Holly. Dito kami nagsasanay at naging tambayan na din namin."

"Bakit ako nandito eh sa inyo pala 'to?" Kasi hindi naman nila ako kaano ano. Nakakahiya. 

" Kaibigan ka na namin binibini, kaya welcome ka dito. Tsaka nagpupunta din sila Irish at Grand dito. Si Prinsesa Canary din." Natuwa naman ako na kaibigan na din ang turing nila sakin.

"Tara Holly. Dun tayo sa gitna." sumunod ako kay Grant sa stage habang si Irvin pumasok dun sa kulay green na pinto. Nagkibit balikat na lang ako at 'di na siya pinansin.

Umakyat si Grant kaya umakyat na din ako. Nilingon ko naman si Doctor Hugh at nakatayo lang siya sa baba ng stage at nakatingin samin.
"Ang una mong gagawin ay body warm up. Kailangang marelax ang muscle mo para hindi maging stiff." Seryoso pala sila na tuturuan nila ako. Tumango ako at nagsimulang mag stretching. 

Tinuruan ako ni Grant ng stretching sa ulo, katawan at paa. Mas matagal yung naging warm up sa paa. Naka ilang jumping jack ako bago niya ako pinahinto.

"Hinihingal na ako Grant." Sabi ko bago naupo sa lapag. Lumapit sakin si Doctor Hugh at inabutan ako ng tubig. Nagpasalamat ako at naghabol ng hininga.

"Pagtapos ng 5 minutes, tumayo ka na dyan." Tinaasan ko naman ng kilay si Irvin ng makita kong papunta siya dito. Naka jacket siyang red at sweat pants.

"Ang sunod mong gagawin ay ang stamina building." Stamina what?
"Nakikita mo yung pintuan na pinasukan natin kanina diba?" Tumango ako at lumingon ng tinuro niya yung pinto. Medyo malayo sa stage yung pinto pero okay lang naman ang distance at kayang lakarin.

"You'll run from here to there 20 times." nanlaki mata ko. What the?!

"Bakit ganun? Ang dami naman!"
Nakasimangot na reklamo ko. 'Di rin biro tumakbo kahit ganoon lang ang distansya.

"Should I make it 50 times?" Seryosong tanong ni Irvin kaya napalunok ako at umiling.

"Advance lesson na ito, Holly. Para pag si Miss Haley na ang nagturo sa'yo, sanay na ang paa mo."

"Kaya mo yan binibini."

"You'll gonna thank us for this. Trust us." Oo na, anong magagawa ko tatlo kayo, isa lang ako.

Tumango na lang ako at nung lumipas yung limang minuto, tumayo na ako at nag inat saka ako bumaba. Nakaupo lang si Grant dun sa loob ng ring habang magkatabing nakatayo naman sina Doctor Hugh at Irvin sa gilid ng ring.
Okay lang kung lalakarin mo eh, kaso tatakbo kaya alam ko na mahihirapan ako. 'Di pa naman ako sanay sa takbuhan.

"Start na." Sinamaan ko lang ng tingin si Irvin dahil ang bossy niya, pero sinunod ko na lang siya.

Nakakalimang laps pa lang ako pero feeling ko naka 100 times na takbo na ako. Gustuhin ko mang umupo ay ang sama ng tingin sakin ni Irvin kaya wala akong magawa kung hindi tumakbo.
Pagtapos ng 20 laps, para na akong mahihimatay sa hingal kaya hindi ako sa ring dumiretso kung hindi dun sa mga bean bags at mabilis na humiga.

Habol habol ang hininga na pumikit ako ng marinig kong papunta sila sa pwesto ko.
"Kaya mo yan, binibini. Uminom ka muna tubig oh." inabot sakin ni Doctor Hugh ang bote kaya napilitan akong dumilat at tumayo. Inisang lagok ko lang yung tubig at napa dighay ako ng malakas matapos at nahiya naman ako. Aish!

Ngumiti lang naman sakin si Doctor Hugh kaya nginitian ko din siya, medyo pilit nga lang.
Noong medyo umokey na ang paghinga ko, saka ko naman naramdaman ang sakit sa mga binti at paa ko.
"A-arayy." daing ko.

"Saan ang masakit?" Itinuro ko kay Doctor Hugh ang binti ko at dumiretso naman siya dun. Tumaas ang mga balahibo ko ng hinawakan niya ang binti ko. First time na may lalaking nakahawak sa binti ko kaya 'di ako sanay. Pero parang wala lang sa kanya ng simulan niyang hilutin ito kaya medyo nag relax ako.
"Ang sarap. Nawala agad yung sakit. Salamat Doctor Hugh." Nginitian niya lang naman ako at muling tumayo. Nakita ko naman na lumapit samin sina Grant at Irvin.

"Pagbibigyan kita na gamutin ka ngayon ni Hugh dahil di ka pa sanay. Pero sa susunod, kailangan mong tiisin ang sakit." Bungad ni Irvin kaya napasimangot na lang ako.

"Oo na. Salamat ulit Doctor Hugh."

"Bukas, uulitin natin 'to Holly. Para masanay ka na at sa pag te training niyo ng Tita Haley mo ay hindi ka na mahihirapan." Ngumiti ako kay Grant. Buti pa sila, ang bait sakin. Si Irvin, tsk.

"Sa kwarto muna ako." Paalam ni Irvin. Umupo naman sa tabi ko si Doctor Hugh at si Grant.

"Ano pa lang meron sa mga pintong yun?" Turo ko sa pinasukan ni Irvin.

"Ah, yun ang mga kwarto at training room namin."

"Ah. So iba pa yung training room nyo bukod dito?"

"Oo, binibini. Isa na din kasing factor ay ang pagkakaiba iba namin ng kakayahan. Etong buong room na ito ay pag nag eensayo lang kami sa pagtakbo, at pisikal na labanan." Napatango tango naman ako.

"Nagugutom ako. Ano bang pagkain dito?" Tumayo si Grant at dumiretso dun sa kusina habang ako naman ay humiga ulit. Ang sakit pa din ng katawan ko, pero medyo nabawasan na.

Sana makayanan ko 'to.


============================

A/N: Isang waley na update.  HAHAHA!

Thank you Melkeo sa cover!!!!! 💞😍 sobrang natutuwa ako shocks. 

Dedicated sayo 'tong chapter na ito 💝💞

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon