(3) The Encounter

549 27 1
                                        

Holly's POV

Nagising ako sa ikalawang pagkakataon ng makaramdam ako ng parang may nakatingin sakin.
Pagmulat ko ng mga mata ko, napasigaw na lang ako dahil sa nakita ko.
"Arggggggggh!"

"Anong nangyari, binibini?" hangos na pumasok sa kwarto si Doctor Hugh at itinuro ko naman yung lalaki na nakadungaw sa mukha ko kaninang pag gising ko na ngayon ay nakatayo na sa gilid ng kama.

"S-sino ba sya? Bakit ang lapit ng mukha nya sa mukha ko?!"

Napatigil ako ng humagikgik yung lalaki, at kahit nagulat ako ay nakyutan ako sa tawa niya. Hala?

"Akala ko kasi ikaw si Cinderella, at naghihintay lang ng halik mula sa isang prinsipe.", tinaas baba niya pa ang kilay niya. Teka, kilala nya si Cinderella?

"Si Sleeping Beauty ang kailangan ng halik para magising, Grant. Wag ka ngang pasaway dyan, nabulabog mo pa si binibini sa pagtulog."

"Si Rapunzel pala, iba nga pala si Cinderella. Hehe."

Seriously? Kilala nila ang mga disney characters? At mga prinsesa pa!

"Mabuti naman gising ka na ulit binibini. Naikwento na sa akin ni Jessica ang napag usapan nyo. So, taga Mortal World ka?" napatango ako at umayos ng upo sa kama.

"Oo, taga Mortal world nga ako. Hindi ko nga alam paano ako napunta dito eh."

"Eh? Mortal ka? Paano ka nakapasok dito?" tanong sakin nung Grant.

"Sabi ni Jessica, nalaglag ka daw sa balon?" tumango ulit ako.

"Hmm. Hindi ko alam paano ka napunta dito, at bakit nung nahulog ka sa balon ay natagpuan ka ni Irvin sa may talampas. Ire-report ko ito sa nakatataas para magawan ng solusyon." nagpanic ako. Di ko sila mga kilaka, at di ko kauri. Paano kung saktan nila ako?

"Teka ho, p-paano ho ako makakabalik sa pinanggalingan ko? Gusto ko ng bumalik, baka hinahanap na ako sa amin!" nagkatinginan si Doctor Hugh at Grant bago bumaling sakin.

"Hindi din namin alam." nanlumo ako. Anong gagawin ko?

"Grant, pupunta lang ako sa palasyo. Ilibot mo muna si binibini. Teka, anong pangalan mo?"

Lumunok muna ako bago sumagot.
"Holly. Holly Sarmiento ang pangalan ko."

"Ang gandang pangalan, Holly!" sabi nung Grant.

Nginitian lang ako ni Doctor Hugh at nagpaalam na. Naiwan kami dito ni Grant at lumapit siya sakin.
"Tara Holly. First time na may nakapasok na mortal dito, kaya gusto kong ipakita sayo ang kagandahan ng kaharian ng Eden! Pasyal tayo!" energetic masyado 'to. Tantya ko mga mas matanda lang siya sakin ng dalawa o tatlong taon.

"Ah, s-sige." pagpayag ko. Nanghiram ako kay Jessica ng maayos na damit at pinahiram nya naman ako ng isang pares ng shorts na hanggang taas ng tuhod ko at shirt na pula.

Akala ko gagawin niya din yung ginawa ni Jessica na mag teleport nung hinawakan niya ako, pero hinila niya lang ako palabas ng kwarto. Dire-diretso lang kami sa hallway, at naramdaman ko ulit ang masayang pakiramdam ng umihip ang hangin.

"Ang sarap ng hangin, ano? Masaya dito sa Eden, Holly." nginitian niya ako pero tumango lang ako.

Ngayon lang ako nakarating dito kaya hindi pa ako makakasagot sa kanya. Hayy. Paano ba ako makakabalik sa amin?

Naglakad lang kami at maya't maya ang turo niya sa mga madadaanan namin.
Nakakatuwa kasi parang nag go glow ang paligid. Pero nagulat ako ng makita ko yung mga gusali, para lang akong nasa mortal world!

May nadaanan kaming mga restaurant, boutiques, may malaking park na puro mga palaruan para sa mga bata, may mga matataas na gusali, na sabi ni Grant ay mga pagawaan ng kung ano ano.
Pero ang mas ikinatuwa ko ay ang mga karwahe. Para nga akong nasa fairy tale eh! Transportation daw nila yung karwahe, ang astig!

Nung mapagod kami, iniwan ako ni Grant sa isang bench sa park para bumili ng makakain. Para talagang nasa mortal world pa din ako! Parang nasa ibang bansa lang ako eh.

Napa aray ako ng matinde ng may tumamang kung ano sa akin.  Paghawak ko sa noo ko ay dumudugo ulit! Ayoko ng dugo!!!

"Holly!" biglang sumulpot sa gilid ko si Grant at hinawakan ang noo kong dumudugo. Shocks! Dalawang beses na ah!

"Mag ingat naman kayo sa pag pa-praktis, mga warlocks! May natamaan dito, oh!" hindi ko na inintindi yung sinasabi ni Grant pero ang alam ko nahihilo ako. Kaya napahawak ako sa braso nya.

"Tara Holly balik na tayo sa clinic. Tsk, mga walang pakialam sa iba eh." naramdaman kong inalalayan ako ni Grant, pero nagulat ako ng may bumuhat sakin at pag angat ko ng tingin, hindi si Grant yun!

Natulala na lang ako tapos naramdaman kong parang lumulutang kami. Teka, lumulutang? Muntik na akong malaglag kung hindi ako napakapit sa leeg nung may buhat sakin. Nakakalula dahil ang taas na namin!

Kahapon, may nagsara ng sugat ko gamit ang kamay niya, may nag teleport sakin, tapos ngayon lumilipad kami? Nasaan ba talaga ako?!

After feels like forever, naramdaman ko ulit na bumababa na kami. Medyo napanatag na ang dibdib ko ng nasa lupa na kami. Akala ko aatakihin ako sa puso kanina sa sobrang taas namin!

"Hoy Conor! At kailan ka pa nagkaroon ng magandang loob na ihatid sa clinic ang mga natatamaan mo?" narinig kong sumigaw si Grant sa likod namin, at pagkita ko eh nakapamewang lang siya. Tuloy tuloy lang naman sa paglalakad yung bumubuhat sakin at tahimik lang din ako. 

Sa isip lang ako may lakas na magsalita ng magsalita, kumikirot kase yung bandang ulo ko na tinamaan nung tumama kanina. Ramdam ko din yung mga natuyong dugo sa gilid ng ulo at sa pisngi ko. Ilang dugo ko ba ang dadanak dito sa lugar na 'to?

'Di ko namalayan na ibinababa na pala ako nung lalaki kanina sa kama. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil sa sakit ng ulo ko. 

Holly's TaleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon