Alam kong malaki ang tsansang pumalpak ako sa gagawin ko, pero ano pa nga bang magagawa ko eh nandito na ako?
Tiningala ko ang mga punong nakapalibot sa akin habang nag iisip saang puno ako aakyat. Kailangan ko kasing inspeksyunin ang paligid mula sa mataas na lugar, at ang mga puno lang ang available na nandito.
Alam kong malapit na ako sa pinaka boundary ng mga Darkons. Hindi ko kabisado ang lugar dahil sandali lang naman ako na napunta doon at hindi pa nakalibot, at ang tanging pinanghahawakan ko lang ay ang kutob ko.
At saka nakakaramdam ako ng masamang energy, ganoon, na parang sinasabi ng hangin na delikado doon.
Simula ng makabalik ako sa Eden, bumuo na ako ng plano paano kukunin si Mommy mula sa mga Darkons. Sobrang risky ng gagawin ko pero hindi pwedeng wala akong gawin, lalo na dahil sa narinig ko noong isang gabi.
Kailangang maunahan ko sila na makuha si Mommy. Natatakot ako sa pwedeng mangyari pag natuloy yung plano ng mga Darkons na lumusob sa Eden.
Kaya napag isipan kong kunin na si Mommy bago pa man magkagulo. Wala akong tiwala sa mga Darkons, baka pag lumusob sila sa Eden gawin nilang hostage si Mommy para ipanakot sa amin.Tanging tunog ng hangin ang naririnig ko habang umaakyat ako ng puno. Sa totoo lang sobra sobra ang kaba ko. Wala sa plano ko ang magpa huli, pero hindi ko maiiwasan yun lalo na at hindi ko alam nasaan eksakto si Mommy ngayong gabi. Pwedeng nasa kastilyo sya, pwede namang kung nasaan.
Ang alam ko lang na lugar ay ang pinagdalhan sa akin noon na bahay at ang kastilyo. The rest, wala na akong alam.
Sinipat ko maigi ang lugar. May mga nakikita akong nakaitim na gumagalaw, na malamang ay mga gwardya.
Binilang ko kung ilan, at naghintay pa ako ng ilang minuto kung magbabago ang bilang kaya nang makasigurado ako, dahan dahan akong bumaba at nilakasan ang pakiramdam habang naka squat na umaabante.Buti na lang madilim at itim ang damit ko, kaya sure ako na hindi ako agad mapapansin.
Maraming puno at halaman sa paligid. May nakita akong isang bulto ng katawan sa kaliwang bahagi ko, kaya nag summon ako ng maliit na kutsilyo at pagapang na pumunta kung nasaan siya.Hinila ko ang buhok nya at itinarak sa lalamunan ang kutsilyo habang nakatakip sa bibig niya. Kahit takot ako ay dahan dahan ko siyang nilapag at tinignan ang susunod na target ko. Pinunas ko lang sa pang ibaba ko ang dugong umagos sa kamay ko.
Isa isa ko silang pinuntirya. Pinaka madaling paraan para mamatay ay ang pag gilit ko sa leeg kaya hindi ako nahirapan.
Kakalapag ko lang sa huling pinatay ko ng may marinig akong mga boses kaya dali dali akong nagtago sa may isang puno. Maya maya may mga kaluskos, kinubli ko maigi ang sarili ko at sumilip ng kaunti.
May mga darkons na nakaitim na may dalang mga sulo, yung kahoy na may apoy. Medyo kinabahan ako kasi dadaan sila dito, sana di nila makita yung mga pinatay ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng nilagpasan nila ako kaya naghintay muna ako ilang minuto bago kumilos ulit. Umakyat ako sa isang puno at tumingin sa paligid at ng akmang bababa na ako, may mga nakita ulit akong liwanag na nagmumula sa sulo.
"Teka." bulong ko sa sarili ng may mamataan akong mukha na nasa gitna ng mga naglalakad na mga darkons.
Hindi ako pwedeng magkamali.
Si Prinsesa Canary! Anong ginagawa niya dito?
============================================================
A/N: short update huhu, may nagbabasa pa kaya nito? Promise matatapos na siya this 2021!!!
BINABASA MO ANG
Holly's Tale
Viễn tưởngFairy tale life has always been every girls dream. But Holly's fairytale life is far from what she thought, 'cause her tale is just about to unfold. (Cover credit to: @revekhas)