(33) The Daughter

207 9 12
                                    

Nakatulala lang ako sa sinabi ni ate Erah habang ang isip ko ay napuno ng tanong.
Naalala ko din ang sinabi ni Mommy na may traydor sa Eden, sino kaya sya? Siya ba ang nagpakalat ng katotohanan na ako ay anak ng Hari ng mga Darkons?

"Marami talagang kumakalat na tsismis dito, Holly. Pero wag mo na isipin, hindi naman yun totoo eh." Sambit ni ate Hara sakin habang hinahaplos ang ulo ko.

I felt a lump in my throat at napapikit ako. Tumulo din ang luhang kanina pa nagbabadya sa mga mata ko.
"Bakit ka umiiyak? Wag mong intindihin mga sinasabi nila, ano ka ba. Marami lang talagang mapag gawa ng kwento." Pag aalo din ni Harold pero napailing ako.

"Sana. Sana nga hindi totoo." Sabi ko at natahimik sila. Tanging ang hikbi ko lang ang naririnig ko sa buong sala.

Kung sila sinasabi na hindi totoo, ibig sabihin hindi nila tinitignan yung possibility kasi ayaw nila. Paano pa ako?

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ni ate Erah kaya nag angat ako ng tingin.

"Unfortunately, I am the Darkons Princess. Anak ako ni Mommy sa hari ng mga Darkons."

Everyone fell silent, and with a heavy heart, I ran to my room and shut my door close. Doon ako umiyak ng umiyak.

Bakit? Bakit pati dito ang gulo pa din ng buhay ko?

Nagising ako na nakaupo pa din sa likod ng pinto. Madilim na ang paligid, tanda ng gabi na.

Nanghihina ang buo kong katawan dahil pagod pa din ako sa naging labanan namin sa mga Darkons.
Pero mas pinanghihina ako ng mga rumor na kumakalat, pero hindi lang yun basta rumor, katotohanan ang pinag uusapan nila.

Paano nila ako matatanggap na anak ng isang Darkons, lalo na ng hari pa?

Bumaba ako at naisipan na lumabas. Wala ng tao sa baba kaya siguradong malalim na ang gabi.
Pero nang palabas na ako ng gate ay nakita kong papasok sila kuya Hall at Erioll kaya agad akong nagtago sa gilid.
"Totoo ba na anak daw ng Hari ng mga Darkons si Holly?" Narinig kong tanong ni Erioll kay Kuya Hall.

Napailing si kuya.
"Hindi pa sigurado, pero ang sabi nila Harold kanina, sinabi daw ni Holly na totoo daw yun. Ewan. Magulo."

Hindi ko na narinig ang ibang sinasabi nila dahil pumasok na sila sa bahay at naiwan akong magulo na naman ang isipan.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa tapat ng falls. Humakbang ako at unti unting lumapit sa tubig. Hindi ako huminto hanggang sa abot na sa leeg ko ang tubig. Saka ako lumuha ng tahimik. Na naman.

Akala ko pag nakabalik na ko dito, magiging okay ulit ang lahat. May magbabago pala talaga dahil sa katotohanang nalaman ko.
Hindi ako magiging payapa kapag natuklasan na talaga mg lahat na totoo ang bali balitang anak ako ng Hari ng mga Darkons.

Nagpalutang lutang lang ako sa tubig habang nakatingin sa langit.
Madaming stars ngayong gabi ah. Ang ganda pagmasdan.

Napalubog ako sa tubig ng maramdamang may nakatingin sa akin. Nagtama ang paningin namin ng lumingon ako at napalunok bago umiwas ng tingin.
Kailan pa siya nandoon? Gaano katagal na siyang nakatingin sa akin?

"It's too cold. Hindi ka ba nilalamig dyan? Umahon ka na." Sabi niya sakin. 

Dahan dahan naman akong umahon, and true to his words, biglang umihip ang hangin at gininaw ako bigla.

"Ang lamig." I blurt out.

"Come here." Lumapit ako ng konti sa kanya at hinila niya naman ako saka niyakap.

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon