(25) Training Partner

261 14 3
                                    

Holly's POV

Kinaumagahan, nagpaalam ako kila Tita Mina at Tita Kristina at nagdahilan ako na gusto ko mag aral sa ibang bansa. Nung una ay tutol si Tita Mina at gusto akong pag-stay-in sa bahay. Pero kinausap siya ni Irvin at pumayag naman si Tita Mina at medyo bumait ng konti si Tita Kristina kaya pinayagan din ako, pero dapat daw babalitaan ko sila. Nag-stay kami ng halos limang araw para hindi lang kami paghinalaan nila Tita Mina. Naloloka nga ako kasi baka daw pagbalik ko dito sa Pilipinas eh mag-asawa na kami ni Irvin. Buti wala si Irvin nung tinutukso ako ni Tita, kung hindi baka ngingisi ngisi na naman yun tapos sasabihin never mangyayari. 

Ilang araw na din simula ng makabalik ako dito sa Eden at ngayon ay naglilibot ako sa park. Hindi muna ako pinag training nila Lolo dahil nalaman nila yung nangyari kay Daddy. Although masakit pa din, nakatulong sa akin ang pag iisa madalas.
Lagi akong naglilibot sa kung saan saan, at ngayon nga nandito ako sa park. Nakakatuwa makita yung mga bata na naglalaro sa damuhan, may mga matatandang nagkukwentuhan at mga tulad kong naglalakad. Para lang talaga akong nasa mortal world.

"Holly! Kumusta?" Napangiti ako ng lumapit sa akin si Kimberly. Isa sya sa mga pinsan nila Doctor Hugh na nakilala ko habang naglilibot sa lugar nila. Nakagaanan ko sya ng loob at kada magkakasalubong kami ay nagbabatian kami.

"Hi Kim! Ayos lang ako, ikaw ba? Ano yang dala mo?" Itinuro ko ang hawak niyang basket.

Tumingin naman siya dun bago sumagot.
"Ayos lang din ako. Mga halamang gamot itong nasa basket, pag e-eksperimentuhan ko sa bahay."

"Ang galing mo talaga, Kim. Ang talino mo pa." Kimi lang siyang ngumiti at maya maya ay nagpaalam na siya para umuwi.

Ako naman ay nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko pa ulit nakikita yung apat, dahil pati sila binibigyan ako ng space. Hindi na din kasi ako nakakapunta sa Haven. One of these days pupunta nga ako dun.

Makalipas ang ilan pang minuto ay naisipan ko ng umuwi. Nasa sala si ate Elle at kuya Hall at nag uusap. Napahinto sila ng pumasok ako sa sala.

"Holly, nandito ka na pala. Pinapahanap ka na pala ni Papa. Simulan nyo na daw mag weapon training." Bungad ni Kuya.

"Pero hindi pa ako tapos sa training kay Tita Haley ah?" Sagot ko naman. Parang ang bilis eh. Akala ko matatagalan pa ako sa basic training, kahit madalas sinasabihan ako ni Tita Haley na ang galing ko na daw agad.

"Kailangan mo na kasi matuto dahil malapit na dumating ang pagdiriwang ng mga clans. Dito sa atin ay ipinagdiriwang ang clan festival at may nakatakdang araw para sa bawat clan at maglalaban laban ang lahat. Kung sino ang limang matitira sa bawat clan, sila ang magiging representative sa araw ng hunt." Mahabang paliwanag naman ni ate Elle.

"Hunt? Anong meron dun?"

"Ang hunting ay isang tradisyon na din dito sa Eden, Holly. Treasure hunt sya, ikakalat sa kagubatan ang mga natira sa bawat clan, at may kailangan na hanapin na treasure pero may mga pagsubok na nakakalat sa gubat bago mo makita ang mga treasures." Dugtong naman ni Kuya Hall.

Umupo ako sa tabi ni ate Elle. Naexcite kasi ako sa mga narinig ko.
"Mukhang excited ka ah." Puna ni Kuya Hall at napangiti lang ako.

"Kaya dapat galingan mo Holly, para makasali ka. Pero hindi na kami makakasali, kaya ipag chi-cheer ka na lang namin." Sabi ni ate Elle.

"Eh, bakit?" Nagtaka naman ako at napakunot-noo.

"Bawal na kasi sumali yung mga nakasali na noon, eh. Nakasali na si Kuya Hall 3 years ago, ako at si Harold last year, sila ate Erah at Ella last 2 years ago. Pero baka si Hara ang makasama mo, kung palarin siya na manalo." Sagot ni ate Elle sabay tawa.

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon