(9) United

368 15 1
                                    

Holly's POV

Kinurap-kurap ko pa ng ilang beses ang mga mata ko bago mag sink in sakin na may nakapatong sakin at sa labi ko.
Nagtama ang paningin namin ni Irvin at parehong nanlaki ang mga mata namin, bago ko siya itinulak. Tumayo ako ng mabilis at tumakbo papuntang kwarto, leaving them speechless.

Pagdating ko sa kwarto, sinarado ko ang pinto at napaupo sa likuran nito.  Shocks, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.  That was my first kiss!
Ni minsan hindi pa ako nahahalikan ng kahit sino!

Wala naman akong naging boyfriend nun sa Mortal World, and I'm not ready yet. 'Di gaya nung iba dun na 12 pa lang may mga boyfriend na.

Inalis ko na lang muna sa isip ko yung nangyari kanina at nagpunta ng banyo para maligo.
Kahapon lang itinuro ni Jessica na may banyo pala dito, kaso ang weird! Yung pintuan ay sa lapag! Underground ang mga banyo!

Hinanda ko muna yung susuotin ko. Kahapon kase, bukod dun sa yellow gold dress na binigay sakin ni Jessica, may iba't ibang dress pa siyang binigay sakin. Merong pantulog, pambahay, at mga pang lakad. Para talaga akong nasa mortal world lang.

Nung matapos na ako mag ayos ng gagamitin ko, bumaba na ako sa banyo.

After 1000 years, nasarapan ako sa paliligo kaya medyo matagal akong nasa banyo, eh natapos na din ako.
Pag akyat ko, muntik na ako malaglag sa hagdan kung 'di lang ako nakakapit.  Tinaasan ko ng kilay yung taong papunta sakin ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?"

"They said I need to, ah, a-apologize." sagot niya ng makarating sa harap ko. Inabot niya ang kamay niya sakin kaya kinuha ko tapos umakyat na ako.

Apologize ba kamo? Tss. Lumapit ako sa kama. Nagsusuklay lang ako habang nakatingin sa likod niya, nakaharap pa din siya dun sa pinag akyatan ko.

"Tss. Don't be so hard on me."

"Hard? Inaano kita?" Nilingon ko sya saka sinimangutan.

"That's just a peck, not an actual kiss."

Ano daw? Just? Lang? Nila-lang niya lang yun?
"Freak! That's my first kiss tapos nila-lang mo lang?" hiyaw ko sa kanya.

"I-it's mine too." he stuttered, that's two times na.

"Whoa? Sa gwapo mong yan, first kiss mo ako?"

"So, I'm handsome?" at bumalik na naman yung smirk niya. Tss.

"Hindi kita sinabihang panget ever since."

"Okay." he said then smirk again. 

Ah! Naiinis ako sa smirk nya. 

"Okay na? Lumayas ka na." pagtataboy ko sa kanya.

Walang imik naman siyang lumabas. Aish, wala na ang first kiss ko! Pero tama sya peck lang naman yun, as if naman nag kiss talaga kami. Lumapat lang naman ng ilang segundo labi nya sa labi ko. Hays, hayaan na nga! Humiga na lang ako at sinubukan matulog.

**************************************
Nasa bulwagan na naman kami sa may palasyo ngayon kasi mag dedesisyon na ang hari tungkol sa akin.
Pero napag isipan ko din kagabi, kung isang Black Knight si mommy, at kabilang siya dito sa mundong ito, so isa din ako sa kanila? Si Daddy, alam nya ba 'tong Eden?

Kung nung nakaraan, ilang guardian warriors lang ang nandito sa bulwagan at ang yung royal family, ngayon may mga ibang tao na. At iba iba din ang mga suot nila. Pinagtitinginan nila ako kanina nung pumasok kami, at sa totoo lang kinakabahan ako. Bago lang ako sa lugar na ito. 

Nakaupo lang kami dito sa unahan sa malapit sa stage tapos yung ibang mga bago sa paningin ko ay nasa likuran namin.
Ilang minuto pa ang hinintay namin bago dumating ang Royal Families.  Tulad nung nakaraan, tumayo kami at nag bow bago muling umupo.
Napatingin ang lahat ng may isang lalaki na naka black na cloak at white na shirt at pants ang umakyat sa stage, dun sa kung nasaan ang Royal Family.  Yumuko din siya sa harap ng hari at reyna bago humarap sa'min.

Isang maitsurang medyo may edad na lalaki yung nasa stage ngayon. Tinitigan ko ang itsura niya, parang pamilyar ang mga mata niya. Saan ko ba nakita yun?

"Magandang umaga sa inyong lahat. Nandito ako sa harapan para mag anunsyo ng napag usapan namin ukol sa mortal na nakapasok dito sa ating mundo." napatingin siya sakin kaya feeling ko lahat sila nakatingin na din sakin. Gosh, nakakakaba pala maging center of attraction.

"Naikwento na sa akin ng mahal na prinsipe ang kadahilanan kung paano napunta dito ang mortal na natagpuan ni Irvin sa talampas." Ah okay? Nakwento na pala. 'Di na ako mag uulit mag kwento.

"At gusto kong malaman nyo, na siya ay anak ni Hailey, ang aking namayapang anak 8 years ago." I gasped at the revelation he said.

So, lolo ko siya? Apo niya ako? Daddy siya ni Mommy?

"Tara dito, Holly, aking apo." tinawag niya ako palapit dun sa kanya.
Nilahad naman ni Grant ang kamay niya sa harap ko kaya kahit nag aatubili, kinuha ko yun at tumayo. Lumapit kami sa stage at inalalayan niya ako paakyat.

Nung nakalapit na ako sa matanda, saka ko lang naalala bakit pamilyar ang mga mata niya. Ganyan din kase ang mata ng Mommy ko at ako mismo. 

Parang nag init ang sulok ng mga mata ko ng niyakap nya ako. I long a hug from a family. From my Dad, na nag asawa ulit matapos mawala ni Mommy, kahit sa madrasta at mga step siblings ko. I silently need a comforting hug like this, dahil minsan ang sakit sakit na ng monotonous kong buhay, pero wala akong mapag sabihan. I hugged him back. 

After quite some time, natapos din ang yakapan session namin and he smiled at me. So I smiled back at him. Pagtapos ay humarap sya dun sa mga tao kaya umayos ako ng tayo at pinunasan ko ang mga mata kong nagtutubig.

"Sa lahat ng clan dito sa Eden, ang buong Black Knight clan ay iniimbitahan kayo para sa isang piging na gaganapin bilang pagtanggap sa pagdating ng aking apo na si Holly."  tinignan ako ni Lolo kaya ngumiti ako. Makata yata si Lolo, pure tagalog eh.

"Bakit hindi na lang natin pagsabayin ang welcome party para kay Holly at ang kaarawan ng prinsipe?" umani ng iba't ibang reaksyon ang sinabi ng hari.  Humarap si Lolo sa gawi ng Royal Family.

"Malaking karangalan iyon, kamahalan, ngunit ayos lamang ba na ipagsabay natin yun?" tanong ni Lolo.  Oo nga no. Parang nakakahiya naman kasi syempre prinsipe pa din si Calum. Oops! Pati ako nakiki-Calum na din. Kasalanan 'to nila Grant eh!

"Malaking piging din naman ang pagdating ng iyong apo, Hamlet. At mas maganda na maging isa na lang ang pagdiriwang para lahat ay makapunta."

Napatango naman ang lahat sa sinabi ng hari at dinismiss nya na kami pagkatapos.
Inalalayan naman ako ni Lolo na makababa ng stage at pagbaba namin ay nandun na din sina Doctor Hugh, Grant at Irvin.

"Magandang araw po, Pinunong Hamlet." pagbati nila. Natutuwa ako sa pangalan ni Lolo. Parang nabasa ko na sya dati eh.

"Maraming salamat sa pag aalaga sa aking apo sa nakalipas na linggo, Doctor Hugh. Isang malaking karangalan ang magamot ng tulad mong healer ang aking apo." yumukod pa si Lolo. 

"Wala pong anuman, Pinunong Hamlet. Isa din pong malaking karangalan ang paglingkuran ang inyong angkan." very polite talaga 'to si Doctor Hugh.

"Maraming salamat muli, at simula ngayon ay sa tahanan na namin titira si Holly. Tara na apo?" nagulat naman ako bigla.

"Ho? Doon na po ako titira?"

"Oo apo. Nandun ang mga kalahi natin. At pag nasa tahanan ka na ng mga Black Knight, mag sisimula ka na sa pag aaral tungkol sa angkan natin at sa mundong ito."

Eh? Agad? Hindi man lang maghinay muna. 'Di pa ako ready! 'Di pa nga ako makapag adjust sa nalaman ko kay Mommy, tapos may panibago na naman.

I guess, go with the flow na lang muna ako. Wala naman na akong magagawa.

======================

A/N: Credit to the owner of the photo hehe


Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon