(24) The Mortal world

254 21 6
                                    

Holly's POV

Gabi na pero nakatulala pa din ako sa bintana ng kwarto ko. Hanggang ngayon, sumasakit pa din yung puso ko. Parang naninikip ang dibdib ko. Kanina ko pa nga pinapalo para mawala, pero ganun pa din, masakit pa din.

Gusto ko ng matulog pero hindi pa ako inaantok. Sumilip ako sa labas ng kwarto kung may tao, at lumabas ng wala akong makita. Dahan dahan akong bumaba at lumabas ng bahay. Maingat ang mga hakbang ko para hindi makagawa ng ingay.

Dali-dali akong pumunta sa Haven, at akala ko si Irvin ang sasalubong sakin, pero si Calum ang nandun.

"Holly? What are you doing here? Malalim na ang gabi." Lumapit siya sakin.

"Ahm, hindi kasi ako makatulog. Kaya, tinry ko pumunta dito para san-" nabigla ako at hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil niyakap ako ni Calum.

"Sa susunod, wag kang lalabas ng  ganitong oras. Kahit may mga nagbabantay, hindi natin alam kailan aatake ang mga kalaban. And I don't want you to get hurt. Promise me." Tinapik tapik ko siya sa likod, at tumango ako.

"Okay, sorry. I won't do this again." At parang nag flash back yung nangyari kanina nung nakita namin ang prinsesa, at sumakit ulit ang dibdib ko kaya napahawak ako doon, at nag aalala naman agad si Calum.

"Bakit? Anong nangyari? May masakit ba?" Umiling ako.

"Parang kumirot lang. Natural lang 'to. Baka sa pagod lang."

"No, let Hugh check it by tomorrow. Wag mong balewalain ang mga ganyang sintomas. Special man tayo kesa sa mga mortal, we can get sick too, like them." Nginitian ko siya at nag thank you.

Umupo kami sa mga bean bags at nagkwentuhan. Kinuwento niya yung mga nasaksihan niya habang binabantayan ako noon sa mortal world, at nakakainis kasi tawa siya ng tawa kahit walang nakakatawa.

"Calum!" Sigaw ko sa kanya nung pinaalala niya yung nangyari nung grade 12 ako.

"What? Hahaha. That's so epic." naglalakad kasi ako nun pauwi dahil iniwan ako ng mga kapatid kong hilaw  tapos may nakasalubong ako na babae. Eh nagpatintero kami sa daan, ilang segundo ata kami nun nag patintero, at nung tumigil ako, tumigil din siya. Kaya naglakad na ako diretso pero nakalingon sa kanya ng konti kaya hindi ko nakita na may nakausling alambre na kasing height ko, at humampas sakin. Nagka guhit ako sa mukha na parang nilatigo, at hiyang hiya akong naglalakad. Akala ko walang nakakita, pero nakita nya pala.

"Nakakainis ka! Tatlong araw akong hindi nakapasok nun!"

May iba pa kaming mga napagkwentuhan at hanggang sa inantok ako.

"Inaantok ka na? Tara na, ihahatid na kita sa inyo."

"Dito na lang ako matutulog. Ikaw?"

Ngumiti siya sakin at tinapik ang lapag.
"Sige, dito na lang tayo matulog."

"Eh? Tabi tayo? Nakakahiya saka ano." Kinurot niya ako sa pisngi at hinampas ko naman ang kamay nya.

"Masakit." Nakasimangot kong anas.

"Hahaha. You're beautiful, Holly." Feeling ko nag blush ako, pero bakit ganun, hindi ko naranasan yung sinasabi nila sa tv at mga libro na may mga lumilipad na paru-paro sa tyan mo kapag kinikilig ka.

Kumuha siya ng blanket at sapin, para higaan namin. Nakahiga na kami pareho, may unan sa pagitan namin na siya mismo naglagay na ikinatuwa ko.
Nung may naalala ako ay agad akong humarap sa kanya.

"Teka! Naalala ko na ngayon yung itatanong ko. Prinsipe Calum, baka naman pwedeng samahan mo ako na makabalik sa mortal world? Gusto ko sanang puntahan si Daddy. Ilang buwan na ako nandito, baka nag aalala na siya kung saan ako napunta." Tumingin lang siya sakin ng matagal saka mabagal na ngumiti.

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon