Holly's POV
Iniwan namin sila Doctor Hugh sa palasyo at sumakay na ng isang black and white na karwahe.
Napakapit ulit ako ng mahigpit sa upuan ng sobrang bilis na umandar ang karwahe. Kailan ba ako masasanay dito?Mahilo hilo pa ako ng huminto at bumaba kami. Nakangiti lang sakin si Lolo, parang wala na lang talaga sa kanila yung ganung pagsakay. Sabagay, simula siguro bata sila nakasakay na sila sa karwahe, kaya sanay na sila. Hays, masasanay din ako, tiwala lang!
Naagaw ng pansin ko ang isang medyo mataas na gate na nasa harap namin. Kulay gray ang gate, at hindi naman na ako nagulat ng kusang bumukas yun. Ganyan din ang gate namin sa Mortal World.
Unang naglakad si Lolo kaya sumunod na ako.
"Maligayang pagdating sa tahanan ng mga Black Knights, apo." nagningning na naman ang mata ko sa nakikita ko sa paligid. Ibat ibang kulay ng mga bulaklak at halaman ang nakatanim sa paligid, at may isang mahabang pathway sa gitna. Naiisip ko naglalakad ako dito kada umaga!"Katulad ka ng iyong ina, apo. Ganyan din siya kasaya pag nakakakita ng mga halaman at bulaklak. Ang totoo, siya ang nagsimulang magtanim ng mga iyan dito. Kaya kahit wala na siya, inaalagaan pa din namin ito, sa alaala niya." naiimagine ko si Mommy na nasa gitna ng field ng bulaklak.
How I wish buhay pa din siya para siya ang magdadala at maglilibot sa akin dito sa mundo niya.Napalingon ako kay Lolo ng may maalala ako.
"Lolo? May tanong po ako.""Sige, magtanong ka lang apo." Ngumiti muna ako sa kanya bago nagsalita.
"Si Daddy po ba ay kapareho ni Mommy? Taga dito din po ba sya?" napahinto siya sa paglalakad dahil sa tanong ko.
"Ang ama mo ay isang Mortal, apo."
"Talaga po?" pagkukumpirma ko pa.
"Hindi siya taga dito. Nakilala lamang siya ni Hailey nung mga panahong napunta sya sa mundo ng mga mortal."
"'Yun pa po pala. Bakit po ba nasa mundo ng mga mortal si Mommy?"
"Nung panahon na isinilang si Calum ay umatake dito ang mga Darkons, dahil sa propesiya na magtatapos ang buhay ng mga Darkons ng dahil kay Prinsipe Calum. Ipinadala ng Hari at Reyna si Prinsipe Calum sa isang katulong nila noon sa mundo ng mga Mortal, at nung matapos yung digmaan ay nawalan sila ng komunikasyon dun kay Elena, kaya naatasan si Hailey na hanapin ang prinsipe sa mundo ng mga mortal, ilang taon din ang lumipas bago naging maayos ang buhay dito sa Eden nang mawala ang mga Darkons, kaya sinabihan si Hailey ng ilang field warrior na ibalik na si Calum dito, ngunit nagkamali sila ng tantya dahil binabantayan din pala ng mga Darkons sila Hailey sa mundo ng mga mortal, at bago mamatay ang iyong ina ay napabalik niya dito ang prinsipe." Oh! So yun pala, kaya pala nasa mundo ng mga mortal si Calum non. Nalungkot na naman ako ng maalala ko ang kwento ni Calum tungkol sa Mommy ko.
"Halika hija. Ipapakilala kita sa ating mga kamag-anak." Pagpasok namin ay nakahilera ang puro nakaitim na babae at lalaki na iba-iba ang mga edad. Nang makita nila kami ay yumuko sila bigla kaya nagulat ako.
"Maligayang pagdating sa tahanan ng mga Black Knights, Holly." Sabi nung isang babaeng naka itim na dress at naka ponytail.
"S-salamat po." sagot ko na lang. Ngumiti siya sa akin at lumapit.
"Kamukha mo si Ate Hailey nung ganyang edad sya, anak ka nga niya talaga. Ako si Haley, ang pangalawang kapatid ni Ate Hailey. Ikinagagalak kitang makilala, Holly." Wow! So kapatid siya ng Mommy ko? Ang cool? Magkahawig nga sila sa hugis ng mukha at sa ilong.
"Hello there Holly. Ako naman si Hale, ang bunsong kapatid ng Mommy mo." 'Di ko namalayan na may lumapit pala sa'min na lalaki. Kamukha niya si Lolo, ang kaibahan lang ay nakaponytail siya. Mahaba ang buhok niya para sa isang lalaki.
Nagpakilala naman silang lahat sakin, at halos hindi ko na nga matandaan ang pangalan nila sa dami.
Pagkatapos ng pagpapakilala, tinawag ni Lolo si Hara, ang bunsong anak ni Tito Hale.
"Hara, samahan mo na si Holly sa magiging kwarto nya para makapagpahinga. Holly, magpahinga ka muna at bukas, muli tayong mag uusap." Nagpaalam na ako sa kanilang lahat bago sumunod kay Hara.Mas matanda sakin ng dalawang taon si Ate Hara. Pero magkasing height lang kami.
Tahimik lang kaming umakyat sa salamin na hagdan. Oo, ang cool ng hagdan dahil glass! Pati yung wall nga puro glass eh!"Masaya akong makilala ang anak ni Tita Hailey. Sana maging masaya ka sa pag stay mo dito." Sabi nya ng makarating kami sa tuktok ng hagdan.
"Ah, salamat. Masaya din ako na nakilala ko ang pamilya ng Mommy ko." Ngumiti siya bago muling lumakad. Nakasunod lang naman ako sa kanya. Yung second floor ay puro kwarto, na ipapaliwanag na lang daw nila bukas. Umakyat pa ulit kami ng isa pang hagdan, at nandun daw ang mga rooms na tinutulugan ng lahat.
Pag akyat naman namin nalula ako. Puro kasi glass doors sa paligid, at nakakalito kung nasaan ang pinto ng isang kwarto. 'Di tulad dun sa kwarto sa clinic ni Doctor Hugh na gawa sa wood at madaling makita.
Huminto kami sa isang glass wall yata, dahil di ko naman makita ang doorknob.
"Eto ang magiging room mo dito, Holly. At nasabi na ba sayo na ito ang room ni Tita Hailey dati?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya."Seryoso? Room ni Mommy 'to?" Gusto kong tumalon dahil sa nalaman ko. Kaso nakakahiya, 'di naman kami close. Hehe.
"Oo. Tara pasok na tayo. Para makapasok ka dito, itapat mo lang ang kamay mo sa gitna at kusa ng bubukas ito." Ginawa nya nga ang sinabi niya, at nag slide yung glass door. Automatic! High tech din pala dito?
Ano pa bang nakakamanghang bagay ang makikita ko sa lugar na ito?
-----------------------------------
Nakaupo na lang ako sa kama. Kanina pa umalis si ate Hara matapos nya akong ilibot sa kwarto ni Mommy.
Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na may other world pa bukod sa mundo ng mga tao. At etong mundong ito ay kakaiba, dahil lahat sila ay may iba't ibang kakayahan, na wala sa mga tao.Maya maya, nakaramdam na ako ng antok kaya humiga na lang muna ako atsaka pinikit ang mga mata. Tomorrow is another day!
Medyo madilim pa ng magising ako, dahil sa mga katok sa pinto. Pupungas pungas ako na tumayo para buksan ang pinto, at si ate Hara pala yung nasa labas.
"Magandang umaga, Holly. Pinapatawag ka na ni Lolo sa baba.""Pero ang aga pa ah?" humihikab kong tanong. Hindi na pala ako nakapag hapunan kagabi, napasarap ang tulog ko.
"Kailangan mo ng masanay Holly. Lalo na pag nagsimula ka ng mag training. Kailangan araw araw kang maagang gigising. Sige na, hihintayin ka na namin sa baba." ngumiti muna sya sakin bago tumalikod.
Nagising yata buong katauhan ko dahil sa mga sinabi niya. Maaga lagi ang gising? Training? Hala!
Matapos kong maligo ay nag ayos na ako at naghanap ng damit na maisusuot ko ngayong araw. Buti na lang nasabi din sakin ni ate Hara na may adjacent room sa loob ng banyo kung nasaan ang mga damit ni Mommy dati. At sobrang masaya ako kasi suot ko ang isa sa mga yun, na para bang.
Bumaba na agad ako at tinungo ang dining room. Nandun sila at tahimik na naghihintay. Nahiya naman ako.
"M-magandang umaga po." Panimulang bati ko.
"Magandang umaga din." Sabay sabay na bati nila.
Inalok sakin ni Lolo ang upuan sa tabi niya kaya agad akong umupo.
"Pagkatapos nating kumain ay dadalhin na kita sa training room, apo. Ngayong nasa poder na kita, kailangan mo ng matuto ng mga bagay bagay tungkol sa mundong ito, at sa Black Knights Clan. Kumain na tayo." Napalunok naman ako sa kaba.
Hala! Anong klaseng training? Kayanin ko kaya? Kinabahan ako ng matindi.
-------A/N: Hi sa mga nagbabasa at mga magtatyaga XD Favor naman, comment and vote sana, or kahit comment na lang kung anong sa tingin nyo yung kailangan iimprove sa story. Thank you!
BINABASA MO ANG
Holly's Tale
FantasiFairy tale life has always been every girls dream. But Holly's fairytale life is far from what she thought, 'cause her tale is just about to unfold. (Cover credit to: @revekhas)