(17) The Darkons

253 15 5
                                    

Holly's POV

Kinabahan ako ng matindi sa isinigaw ng mga guardian warriors. Sunod sunod na bumaba sila Irvin, Doctor Hugh at Grant saka nila inalalayan sila Irish, Prinsesa Canary at Grand.
Bumaba din si Calum kaya bumaba din agad ako. Pinalibutan kami nila Grant. Hinawakan ni Calum ang kamay ng kapatid niya, at pati ang sa akin.

"Calum, umalis na kayo dito. Kami ng bahala. Grand, Irish, protektahan nyo ang royal siblings. Pati si binibining Holly. Umalis na kayo!" Utos ni Doctor Hugh at mabilis na tumango yung dalawang babae.

Pinapagitnaan namin ni Prinsesa Canary si Calum, habang pumunta naman si Grand sa tabi ko, at si Irish sa tabi ng prinsesa. Parang nag-iba sila bigla sa paningin ko. Nawala yung playful side nila, siguro dahil duty nila ang protektahan ang magkapatid, pero teka, duty ko din na protektahan sila diba? Dahil sila ang namumuno dito?

"Chancellor. Kamahalan." May mga lumapit sa amin na kawal at yumuko kila Grant at Calum.

"Tulungan nyo na yung ibang mga warriors dun. Hihintayin lang namin makaalis ang prinsesa at prinsipe." Mabilis na umalis yung apat na kawal matapos utusan ni Grant.

"Aalis na kami." tumango lang silang tatlo at saka ko napansin na huminto ang paligid, pati na din sina Irvin.

"Bakit huminto?" Nag aalalang tanong ko.

"Kailangan kong pahintuin para makaalis agad tayo. Ry, let's go. Irish, Grand. Move." Tumango yung dalawang babae at sabay sabay kaming tumakbo. Nilingon ko pa sila Grant at 'di talaga sila gumagalaw. Napako naman ang tingin ko sa kabayong sinakyan namin kanina.

"Bakit hindi na lang tayo gumamit ng kabayo? Mas mabilis tayong makaka-alis." Tanong ko pa ulit. Alam kong 'di akma ang mga tanong ko sa gantong sitwasyon, pero di ko mapigilan.

"Hindi namin pwedeng gamitin ang ability namin sa mga hayop." Tumahimik na lang ako at hindi na muling nagtanong. Hawak pa din ni Calum ang kamay ko, habang nasa bandang likuran namin si Grand at Irish.

Nung makalabas kami sa field, bumalik na ang pag galaw ng mga puno at dahon. Naghabol din ako ng hininga.
May naka abang na karwahe sa may entrance ng field kaya agad kaming sumakay dun. Halos 'di ko na pinansin ang bilis ng sasakyan dahil kinakabahan pa din ako. Natatakot din ako para kila Grant.

Pagdating namin sa palasyo, may pagmamadali na pumunta kami ng library. Nandun daw ang reyna at hari sabi ni Calum. Pagkapasok namin, nasa isang pahabang gintong lamesa sa gitna ng kwarto ang dalawa at nagbabasa. Nakapaligid sa ilang sulok ng palasyo ang mga warriors at nagbabasa din.

"Ang aga ninyo namang makabalik, mga anak." Bungad samin ng Reyna.

"Ina, may mga Darkons na nakapunta dun sa field." Sabi ni Canary.

"What? Julian!" sigaw ng hari at agad na pumunta sa harap nila ang isang lalaking naka red na suit and tie.

"Mahal na Hari?" 

"Magpadala ng ilang guardian at warlocks sa hangganan ng field. Now!" Tumango ang tinawag na Julian at umalis na.

"Nandun din sina Grant, ama." pag i-inform ni Prinsesa Canary.

"Mabuti at maagapan agad. Ayos lamang ba kayo?" Tanong ulit ng reyna bago napako sakin ang kanyang tingin. Ngayon ko lang ulit sila nakita matapos ang party.

"Holly hija, ayos ka lang? Namumutla ka."

"A-ayos lang po ako, mahal na reyna." Yumuko ako at nagbigay galang.

"Alam kong bago ka pa lang dito kaya hindi ka pa sanay. Irish, Grand, pakihatid muna si Holly sa kanilang tahanan para makapagpahinga. Nabigla siguro siya."

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon