(31) The Plan

210 7 4
                                    

Note: I will use a Third Person Point of View in this chapter for you to catch a glimpse of what is happening in Eden while Holly, the main protagonist is not around. Happy reading!

Third Person's POV

Halos isang linggo na ng biglang naglaho si Holly. Lungkot, pagod at takot ang nararamdaman ng pamilya niya habang ang mga kaibigan ay nag aalala sa kalagayan nya.

Tuloy pa din sila sa paghahanap kahit lahat ng parte ng Eden ay napuntahan na nila ng ilang ulit.

"Ama, magpahinga ka muna. Makikita din natin si Holly. Babalik din siya dito." Tinapik tapik ni Hale ang likod ng kanyang ama. Mababakas sa mukha ng pinuno ng mga Black Knights ang pagod pero ang paninindigan na maghanap sa nawawalang apo.

"Siya na lang ang natitirang alaala ng ate Hailey nyo, napamahal na sya ng sobra sakin kaya gusto ko siyang makita. Baka ano na ang nangyari sa kanya."

"Magpahinga ka muna Ama, mag gagabi na. Bukas, sasamahan ka ulit namin maghanap. Nag aalala din kami sa kanya pero mas mag aalala sya pag nalaman nya na nahihirapan ka ng dahil sa kanya." Sabi naman ni Haley na nakaupo sa kabilang couch at kaharap nila.

Malungkot na nagkatinginan ang magpipinsan at isa isang pumunta ng mga kwarto ng inutusan sila ng kanilang mga magulang.

Samantala, nasa Haven ang apat na magkakaibigan at nagpa plano.

"Delikado 'to, Calum. Masyadong risky. Hindi natin alam kung nasa kanila talaga si Holly o wala." Sabi ni Grant. Bumaling silang tatlo kay Calum.

"It's very risky, pero kailangan natin sumugal. Paano kung nandun si Holly? We can save her. At kung wala, madali tayong aalis." Natahimik sila at nag isip mabuti.

Noong isang araw ay nag usap sila at nasabi ni Calum ang hinala nya tungkol sa Darkons, na posible na kinuha ng mga Darkons si Holly. Kahit hindi sila ganoon kakumbinsido, may parte sa kanila na sumasang ayon.

Wala silang ibang pinagsabihan ng mga gagawin nila. Silang apat lang ang tanging nakakaalam.

Pagsapit ng gabi, nagsimulang maglakad papunta sa pinagbabawal na parte ng Eden ang apat.

"Saan naman kayo pupunta ng gantong oras?" Agad silang naalerto pero nakahinga ng maluwag ng makitang si Conor pala ang nagsalita.

"Wala ka na doon. Mind your own business, warlock." Patutsada ni Grant.

Ngumiti lang naman ang lalaki at bumaling sa Prinsipe.
"Papunta ba kayo sa mga Darkons para tignan kung nandun si Holly? Masyadong mapanganib."

"We need to do this, Conor. Para malaman kung nandoon si Holly." Ani Calum. Napatango naman si Conor.

"Okay, pero sasama ako, mahal na Prinsipe."

 Agad na nagreklamo si Grant. "Bakit ka naman sasama aber?"

 Ngumisi lang si Conor sa kanya at nauna ng lumakad sa kanila. Nakasimangot naman na lumakad si Grant ng mapansin na sumunod yung tatlo kay Conor.

Holly's POV

Nakaupo ako sa kama at nag iisip. Simula ng huling pagkausap ko kay Mommy ay hindi na ako nakalabas ng kwarto na yun kaya inabala ko na lang ang sarili sa pagpaplano.

Kinabisado ko ang oras ng pagdating ng mga nagbabantay sa kanya. Bumubuo ako ng mga plano paano makatakas, tinitimbang ang mga pwedeng maging kaakibat ng aking gagawin. Kailangan ko na talagang maka alis dito, at pag nakabalik ako ng Eden ay pagpaplanuhan ko naman paano maililigtas si Mommy.

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon