(30) The Darkon's Lair and Hailey

196 16 1
                                    

Holly's POV

"Mommy?" Tawag ko sa babaeng nakita ko na palapit samin. Nakasuot sya ng mahabang damit na kulay itim, at may korona sa ulo. Kahit matagal na simula ng huli ko syang makita ay natatandaan at sigurado naman ako sa mukha nya. Siya nga ang Mommy ko.

Tumakbo ako at sinalubong sila. Hindi ako makayakap sa kanya dahil nga may posas ang kamay ko kaya huminto na lang ako at tumingin sa kanya.
Bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha at nagluluha din ang mga mata nya.

"Holly, anak ko." Siya na ang kusang yumakap sakin kaya napaiyak na lang ako at sumiksik sa kanya.

"Mommy, I miss you! Akala ko wala ka na, akala ko kahit kelan hindi na talaga kita makikita eh."
Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at saka tinuyo ang luha ko. Napansin ko na parang may kakaiba sa kamay nya.

"Marami akong gustong malaman tungkol sayo, anak." Napahikbi ulit ako habang nakatitig sa mukha ni Mommy.

"Bibigyan ko kayo ng isang oras para mag usap. Doon kayo sa hardin mag usap aking reyna at mahal kong anak. Pero Hailey, siguraduhin mo lang na magkukwento ka lang sa kanya. Alam mo ang mangyayari sayo, at sa kanya." Nakangising wika nung lalaki na sinasabi na ama ko daw.

Magsasalita na sana ako ng hinila ako ni Mommy papuntang hardin. May dalawang nakasunod samin na naka itim na roba pero malaki ang pagitan.

Nang makalabas kami doon sa palasyo, dinala ako ni Mommy sa hardin at pinaupo sa lapag.

"Mommy, ano pong nangyari? Paano po kayo nabuhay?" Ngumiti sya sakin at hinaplos haplos ang mukha ko.

"Masaya ako ng sobra anak, at lumaki kang maganda at kamukha ko." Napangiti ako ng malapad sa kanya dahil oo nga, ang laki ng pagkakahawig naming dalawa.

"Magkamukha nga tayo Mommy. Pero paano po? Ang sabi po ni Calum sakin, nang iwan ka daw po nya ay wala ka na daw pong buhay."

Napabuntong hininga sya at ngumiti ng mapait.
"Habang nasa misyon ako sa paghahanap sa nawawalang prinsipe ay nadakip ako ng mga Darkons, anak. Pero pinakawalan ako ng hari sa kasunduan na kailangan kong ibigay sa kanila ang prinsipe kapag nakita ko dahil kung hindi ay ipapapatay nila ako. Natakot ako nun, bata pa ako at ayoko pang mamatay ng maaga, anak. Kaya pinag igihan ko ang pag hahanap sa Prinsipe. Pero nabuntis ako, pinanganak kita, at nakilala ko si Liam habang nasa mundo ako ng mga mortal." Naluluha sya habang nagkukwento at naalala ko na naman si Daddy.

"Minahal ko si Liam at ganun din sya sakin, kaya nagpakasal kami at inako ka nya bilang anak nya. Doon nag simulang mabago ang buhay ko." Pagpapatuloy nya.
"Habang lumalaki ka ay nawala na sa isip ko ang misyon ko, pati ang mundong kinalakihan ko dahil kuntento na ako sa inyong dalawa. Pero kung kelan na ako nakapag desisyon ay saka naman parang tadhana na nakita ko ang anak ng kapitbahay natin noon. Si Calum, na Cali ang pangalan noon kung natatandaan mo, anak. Kalaro mo sya noon lagi." May naalala akong batang madalas na kalaro ko at oo nga, Cali ang pangalan nya. Si Calum pala yun! Naalala ko na nga.

"Opo, naalala ko na po ngayon. Kaya pala hindi ko matandaan si Calum nung sinabi nya na kalaro ko sya kasi Cali ang pangalan nya." Ngumiti sya muli sakin at hinaplos naman ang buhok ko.

"Ayun nga, nakita ko si Calum noon na nakahubad baro, at may malaking balat sa dibdib na sinabi sakin na pagkakalinlan nya. Doon ako muling nakipag ugnayan sa mga taga Eden ng pasikreto, pero natunugan ako ng mga taga Darkons. Noong tinakas ko si Calum ay sinundan nila kami, pero buti na lang at nadala ko na si Calum sa lagusan papunta sa Eden. Sabi ko noon, kahit mamatay ako ay natapos ko ang misyon ko, at kahit masakit sakin na maiiwan ko si Liam ay nandoon ka para sa kanya, habang ikaw naman ay babantayan ni Calum. Panatag na ako noon at handang mamatay, pero nagising ako sa isa sa kwarto rito habang nakatayo sa tabi ko si William, ang prinsipe ng mga Darkons ng panahon na yun, at kasalukuyang hari ngayon."

"Mommy, totoo po ba na siya ang ama ko?" Tanong ko para makasiguro, kahit na ayoko.

Tumango sya sakin.
"Siya ang nakiusap noon sa dating hari na pakawalan ako ng ibigay ko ang katawan ko sa kanya kapalit ng kalayaan na may kondisyon. Kaya ikaw ang anak namin." Napayuko ako at mas umiyak. Bakit? Bakit kalaban pa ng mga taga Eden ang ama ko?

"Pero Mommy, bakit hindi ka nagpapakita sa kanila? Ang buong akala nila ay patay ka na. Si Lolo, madalas na nakatingin sa pictures mo at madalas ka din mabanggit nila Tito Hale at Tita Haley." Gumuhit ang lungkot sa mukha nya.

"Miss na miss ko na din sila, pero hindi ako makaalis dito, anak." Pinakita nya sakin ang kamay nya.

"Ano po yan, Mommy?"

"Ito ang nagsisilbing panghabang buhay na harang sa kapangyarihan kong mag summon. Artificial lang itong kamay ko, anak. Dahil ang dating hari ay pinutol ang mga kamay ko." Napaiyak si Mommy at naluha din ako sa galit.

"What?! How dare him?! Anong karapatan nyang putulin ang kamay mo, Mommy!" Humagulgol kaming dalawa at yumakap ulit sya sakin at ang tanging nagawa ko lang ay humilig sa balikat nya.

"Mommy, hahanap po ako ng paraan para makabalik tayo sa Eden." Bulong ko maya maya habang nakahilig ako sa kanya.
Umalis sya sa pagkakayakap sakin at tinignan ako sa mata.

"Anak, ilang ulit ko na tinangka a tumakas, simula pa ng una akong mapunta dito, pero dahil wala na ang kapangyarihan ko, at lagi akong may bantay ay hindi ko magawa. Hanggang sa napagod ako at tinanggap ko na lang ang kapalaran ko."

"Pero Mommy, kailangan natin bumalik sa Eden! Nandun ang pamilya natin, hindi dito!"

Umiling iling sya.
"Hindi ko sinasabing h'wag kang gumawa ng paraan para tumakas, pero anak, sana maintindihan mo. Hindi na ako makakaalis dito dahil bukod sa hindi nila ako hahayaan, ayokong ipapatay ka nila." Nanlamig ang katawan ko sa sinabi ni Mommy. Ipapatay. Nakakatakot isipin na mamamatay ako, pero kailangan naming makaalis dito.

"Basta, Mommy. Gagawa ako ng paraan para makaalis dito. Sana matanggal lang itong posas ko." Doon lang napatingin si Mommy at hinaplos ang posas ko.

"I'm sorry anak, kung hindi kita matutulungan. Ayokong mas lalo kang ilagay sa panganib pag tinulungan kita. Mabait sakin si William dahil sumusunod ako sa kanya, pero di ko alam ang magagawa niya kapag sinuway ko sya. Tayong dalawa ang mapaparusahan, at ayokong madamay ka pa sa mga sinapit ko. Tama ng ako ang nagdurusa, tama ng ako ang nandito. Hindi man kita matutulungan sa balak mo ay susuportahan kita, anak. I know you're strong, stronger than me. Let me see how strong are you, let your mother be proud of you. At anak, kapag nakabalik ka ng Eden, may hihilingin sana ako sayo."

Lumapit ako sa kanya ng konti at tinignan sya sa mukha ulit.
"Ano yon, Mommy? Anything! I'll do anything for you!"

Sinapo nya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo. Napapikit ako at muling naluha dahil sa ginawa nya.

"Do everything to find the traitor that is freely lurking at the Eden, at sikapin nyo na manalo sa gyerang pinaghahandaan ng mga Darkons."

Hanggang sa magkahiwalay kami ni Mommy at ibinalik ako sa kwarto ay naaalala ko pa din ang huling sinabi nya. May traydor sa Eden? At gegyerahin nila ang Eden?

An emotion rise upon me. Mas kailangan kong mag isip paano makakatakas dito. Kailangan kong mahuli ang traydor, at kailangan ko silang masabihan sa paparating na gyera.


--------------
A/N: wahhhh naka 2k plus reads na! Kahit hindi madami ang cocomment at vote, ayos lang 😍😍 masaya pa din ako at may mga nagtatyagang magbasa :)
It means so much to me!

This update is dedicated to KanariCee. Salamat sa pag comment last chapter at nakakatuwa kasi isa ka sa nakaka appreciate ng story ko! *Punas luha*

Nasa gitna na tayo ng story, at siguro may 10-15 chapters left na lang. Salamat ulit ng marami at sama sama po tayo hanggang epilogue! *Flying kiss*

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon