(20) The Duel Tournament

250 14 4
                                    

Holly's POV

Na shock ako sa sinabi nila ate Hara sa akin. Ako? Sasali sa tournament? Anong alam ko?

Anim daw yung makakalaban, namely Yona, Kate at Jes na mula sa warrior clan. Habang si Derica na mula sa ranger clan, si Ana ng Warlocks clan at si Leazhelle mula naman sa healer clan. At kami naman ang mga taga black knights; Ate Erah, ate Hara, ate Elle, ate Ella, ate Venus at ako, ay nakalista ang mga pangalan sa mga lalaban sa tournament mamayang gabi.

Kinilabutan ako ng matindi at gulat pa din ang mukha na bumaling sa kanilang lahat. Si ate Venus ay isa ding black knight na kaibigan nila ate Hara. At mas may experience naman siya kesa sa akin. Anong alam ko sa tournament eh simpleng sparring nga lang namin ni Irvin nasugatan na ako eh. Aish!

"Paano gagawin nyo dyan kay Holly? 'Di pa naman ganoong kahasa yan. Anong kalokohan 'yang pinapasok nyo? Ha Erah, Hara?" Mataas ang boses na sabi samin ni kuya Hall. Siya ang pinaka matandang pinsan namin at kapatid ni ate Hara.

Napayuko naman kaming lahat dahil sa pag sigaw niya. Mabait si Kuya Hall dahil lagi niya akong binabati pag nagkikita kami. Ang kaso, sabi nga nila 'wag gagalitin ang mababait.

Ilang saglit na katahimikan ang namayani bago mabigat ang paa na umalis sa sala si kuya Hall at umakyat sa taas. Nag exhale ako ng malakas dahil sa nerbyos. Nakakatakot si kuya!

"Oh, sabi nga ni kuya Hall, anong balak niyo kay Holly?" Tanong ni Kuya Eriolle. Lahat sila napatingin sa akin at nahiya naman ako.

"S-sorry." I uttered pagtapos ng isa pang mahabang katahimikan.

"Bakit ka nag so-sorry? It's not your fault, Holly. Nadala lang din ako dahil sa inis ko sa grupo nila. Matagal na kaming may alitan, atleast sila lang yung galit, pero sa ginagawa nila lagi samin ay unti unti na akong naiinis. Walang kahit sino ang dapat na nanghahamak sa mga black knights, kahit na mga babae tayo." Nung nilibot ko ang tingin ko kila ate Erah ay umayos ng upo ang lahat at nakita ko sa mga mata at kilos nila ang tatag bilang isang black knight.

"Ganto na lang ang gawin natin. Since hindi pa marunong si Holly ng weapon handling ay kailangan natin siyang bantayan." Pag sisimula ni ate Elle.
Halos isang oras kaming nagplano ng gagawin, at natuwa naman ako dahil lahat sila protective sa akin. Pwede ko namang gamitin yung ilang natutunan ko sa mga turo ni Tita Haley, pero ang hindi ko kaya ay pag gamit ng kahit anong sandata. Pero sabi naman nila ay sila na ang sasalubong sa pag atake ng sandata, at ang kailangan ko lang gawin ay panatilihin ang depensa ko. Nahawa naman ako sa katatagang pinakita nila, kaya hanggang sa mag gabi ay hindi ako kinakabahan.

Pero nagbago yun ng pagbaba ko sa sala ay parang ang gloomy ng paligid, at unti unting umusbong ang kaba ko dahil sa walang emosyong mukha ng mga sumalubong sa akin. Nanlamig ako sa tingin na ipinukol nila sa akin ng mapansin nilang pababa na ako ng hagdan. Nang mapatingin ako sa mga nakatayo sa likod nila ay mga nakangiwi sila ate Hara at ang iba pang mga ate ko. At alam ko na kung bakit, sigurado ako na pinagalitan sila. Aish! Panibagong problema.

"Holly." Kulang na lang lumabas ang puso ko mula sa dibdib ng tinawag ako ni Lolo.

"Po?" I want to kiss myself ng hindi ako nag stutter sa pagsagot.

"Kahit pagalitan kayo ay wala na kaming magagawa. Ang gusto ko na lang mangyari ay hangga't maaari, bantayan ninyo si Holly. Hindi nya pa kaya ang malalang battle. Ikaw naman Holly, ingatan mo ang sarili mo at sumunod ka sa mga ate mo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Ngayon ko lang nakita si Lolo na maayos naman ang tono ng pagkakasabi pero ramdam ko ang kaakibat ng mga salitang sinabi niya. Ngayon ko lang din naramdaman ang pagiging head nya ng black knights. Pero kahit ganun, ang cool nya pa din. Tumango na lang ako at tinapik nya ang balikat ko.

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon