(23) Sadness: Inside Out

238 13 11
                                    

Holly's POV

"Subukan mong depensahan ang sarili mo gamit ang spear na yan. Don't worry, hindi ko lalakasan, kaya kailangan mo lang masangga ang mga atake ko."

"Hindi mo po ba muna ako tuturuan?" Tanong ko. Umiling siya.

"I'll check first kung hanggang saan ang maiisip mong paraan para dumepensa. Not all the time ay may magtuturo sayo, kaya kailangan mong makaisip ng way kung paano ka mananalo sa laban." I nod my head then I get the spear, my primary weapon.
Umatras ng konti si Tito Hale at gumaya ako.

Halos ilang linggo na din simula ng matapos ang festival at ang madugong duel na nauwi sa katrayduran ng isang ranger na nakalaban namin. She received a punishment from the council of the said tournament, at hindi na ako nagtanong ng iba pang detalye dahil gusto ko lang noon na magpahinga.

Nang hapon din na nagising ako sa clinic, after two days na pagtulog, sinugod ako ng yakap ni Calum. Grant tap me in my head, while Doctor Hugh produce a smile of relief. Hindi dumalaw sa akin si Irvin at medyo nalungkot ako, medyo lang ha! Pero nalaman ko na may inutos sa kanya ang pamunuan ng mga Rangers sa kabilang bayan.

Noon ko lang din nalaman na may iba pa palang lugar bukod dito. Dito pala ang city proper kung saan nakatira ang mga Black knights, kung saan nakatayo ang mga pamilihan at ang palasyo. Sa ibang bayan naman naninirahan ang iba pang clans, so mas madami pa palang tao talaga na nandito, at ilan pa lang ang nakikita ko.

Ilang pulgada bago ako matamaan ng espada ay napaiwas ako at pumunta sa kaliwang gilid ko. I mentally punch my face, dahil nakalimutan ko na I'm in the middle of a suppose to be fight pero may iba akong iniisip.

Focus, yun ang isa sa pinakamahalagang alas sa laban, sabi ni Tita Haley. Focus your mind and ears to what is happening around your surroundings and focus your eyes into your enemy.

Umulit ng hampas si Tito Hale at napayuko ako, at nung hahampasin niya dapat ulit ako ng espada ay iniharang ko ang spear, at malakas na sinipa ito. Tumalsik kaming dalawa pagkasipa ko, at napaupo ako pero pareho pa din naming hawak ang mga sandata namin. Unti unti akong tumayo, wary of what Tito Hale is about to do.

Yuko, ilag, hampas, tusok, ilag ang paulit ulit naming ginawa bago ako bumagsak at ipatong ni Tito Hale ang espada sa leeg ko. Pero hindi pa ako tapos, I grip my spear tighter then tinabig ko ng malakas ang espada saka gumulong paalis sa kinahihigaan ko kanina at mabilis na tumayo. Medyo nanginginig pa ang mga binti at tuhod ko sa pagod pero nakangiti sakin si Tito Hale and I did the same.

"Very well. Ginamit mo ang mga basic moves na itinuro sayo ni ate Haley, and you rely on the defensive move you can come up with. You're very good." Pumalakpak pa sya at hindi ko maiwasan na hindi mahiya. Even though tito ko siya, hindi ko pa siya ganoon kaclose, kahit medyo matagal na ako dito.

"Thank you po." I replied to him.

"Sige, magpahinga ka na ulit. Papatawag na lang kita ulit one of these days kapag libre na ko ulit. Good job, Holly. You're going to make your mother proud." Ginulo nya pa ang buhok ko bago ako nilampasan at nakita ko pa kung paano niya ibinalik sa kawalan ang sword na hawak niya kanina.

Namamangha talaga ako sa kanila pag nagagawa nila yan, lalo na ni Lolo.
Nag-pahinga ako saglit bago umakyat sa kwarto ko. Maliligo sana ako ng maalala ko yung falls. Parang ang sarap maligo dun!

Naghanda ako ng damit na pamalit at tuwalya saka ako masayang bumaba.
"Saan ka pupunta?" Salubong na tanong sakin ni Ate Elle na may hawak na baso.

"Sa falls lang, gusto kong maligo dun ngayon. Nakakapagod yung training kahit hindi pa ako tinuruan." Tumango tango siya at nagpaalam na ako saka tinahak ang daan papunta sa falls.

Naglangoy ako ng matagal bago ko naisipang umahon dahil pa-hapon na din. Lumalamig na din ang simoy ng hangin kaya nagpatong na ako ng tuwalya. Sa kwarto na lang ako magbibihis, parang delikado dito baka may makakita.

Nang palabas na ako dun sa kakahuyan, may nakita akong mga itim na anino na gumagalaw sa bandang dulo. Tumigil ako at inaninag yun. Aish, hindi ko mapigilan ang kuryosidad ko, pero nung lumalapit na ako dun sa mga imahe sa dulo ay muntik na ako mapasigaw nung may humila sakin at tinakpan ang bibig ko.
Pumiglas piglas ako dahil hawak nya ng mabuti ang bibig at mga braso ko. At sigurado akong lalaki sya dahil ang lakas niya.
"Mmmmhhpph!" Ungol ko dahil di ako makapagsalita.

"Don't make any noise. You might bother them. Okay?" Bulong niya sakin. Nakilala ko agad ang boses ni Irvin kaya napanatag ang loob ko saka tumango. Dahan dahan niya akong binitawan at inilagay niya ako sa likod niya.

Sumilip siya ng konti sa puno na pinagtataguan namin, at nakisilip na din ako.

"Sino ba sila? Ba't ang creepy sa pakiramdam." Tanong ko habang nakasilip sa gilid niya.

"Darkons. Bakit walang mga warriors dito?" Bulong niya at tumaas ang balahibo ko dahil sa sinabi niya. Darkons? Paano sila nakarating dito? "Wait, bakit ka basa?" Baling nya sakin bago pa man ako makipagtalo sa utak ko.

"Naligo ako sa falls." Sumenyas sya na tumahimik kaya bigla kong tinakpan ang bibig ko at sumandal sa puno.

"Shit, what is Canary doing here?" Agad akong napalingon sa tinitignan nya at oo nga! Naglalakad si Princess Canary padaan sa amin.

Lumabas si Irvin sa pinagtataguan namin at dumiretso sa Prinsesa kaya sumunod ako.

"Prinsesa Canary!" Tawag ni Irvin kay Princess Canary at nagulat pa ito ng makita kami. Dali dali itong lumapit sa amin.

"Oh Irvin, Holly! Anong ginagawa niyo dito?" Ngumiti siya ng malapad sa amin pero ang mukha ng kasama ko ay 'di maipinta.

"What the? Ikaw ang bakit nandito? And where are your guards? Nasaan ang mga kasama mo? Bakit wala kang kasama?" Nakakapagtaka nga. Prinsesa siya, dapat lagi siyang may kasama.

"Naglilibot lang ako, nababagot ako sa palasyo kaya naisipan kong maglakad lakad." Nakangiting sagot niya kay Irvin. Nakatayo lang ako dun at nakatingin sa kanilang dalawa.

"Where's your guards? Bakit hinayaan ka nila mag isa? Tsk. I'll get them punish." Naiinis na sabi ni Irvin.

"No! Don't! Please. Ako ang nag utos na wag nila akong samahan. Ayokong maparusahan sila. Ako na lang, ako na lang aako ng kasalanan. Nagsasawa na kasi ako na laging may nakabuntot sakin kaya nakiusap ako sa kanila." Naawa naman ako sa mukha ng prinsesa, at parang ganun din si Irvin dahil medyo lumambot ang ekspresyon niya.

"Still, that's too much. Hindi na mauulit ito ha? Or I'll report this to Calum, and you know what he will do once he finds out that you're lurking around without having guards. And there's a freaking Darkons a while ago." Nanlaki ang mata ng prinsesa.

"Totoo? Nasaan sila?"

"Sa may bandang dulo kanina, pupuntahan ko na sana ng makita ko si Holly. Parehong pareho kayo, hindi kayo nag iingat! Hindi kayo marunong makiramdam sa paligid, you'll be caught off guard once na makita kayo ng mga Darkons." Napayuko kaming dalawa ng prinsesa. Tama sya, baguhan pa lang ako dito. Anong laban ko sa kanila? At ang prinsesa, pwede syang kunin para ipanakot sa mga royals.

"Sorry, Irvin. I promise, hindi na ulit 'to mangyayari. Please, don't be mad." Lumapit si Prinsesa Canary kay Irvin saka hinawakan ang kamay nito. Napa iling na lang naman si Irvin saka ginagap ang kamay ng prinsesa.

"Let's go, I'll take you to the palace." Hinila niya na si Prinsesa Canary paalis, at ako naiwan na nakatayo dun. At ang nakakapagtaka, parang sumakit ang dibdib ko at napako ang paa ko sa lupa. Nalulungkot ako, at yun ang ipinagtataka ko.

================================================================

A/N: Short update hehe. Bear with me. Tuyot utak ko XD 

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon