(11) The Training

318 17 1
                                    

Holly's POV

Pagkatapos ng almusal ay pumunta kami agad sa training room. Muntik na akong mahilo pagpasok ko dahil puro salamin sa loob.
Pero ang ganda ng training room! Black and white pa din ang tema ng paligid, at spacious sa loob.

"Eto ang training room, apo. Tara dito sa gitna. Si Erah ang magpapaliwanag sayo ng lahat ng kailangan mong malaman bago ka mag hands on. Dito lang ako sa likod."

Humarap naman ako kay ate Erah. Si ate Erah naman ang isa sa anak ni Tita Haley.

"Hi Holly, welcome ulit sa family! Ituturo ko sa'yo ngayon ang mga kakayahan ng black knights. Kaya nating mag summon ng mga bagay na nahawakan o nasa paligid natin, pero siyempre may mga limitasyon. May tatlong rank ang mga black knights, ang pioneers, midlevels at ang mga neophyte. Usually, yung mga matatanda na yung mga pioneers, mid levels ay yung mga medyo bata bata pa, like me! At yung mga neophytes ay yung mga batang 10 years old at tinuturuan pa lang. Ang mga pioneers ay kayang mag summon ng weapons and things in a short span of time, at hindi na kailangang pumikit at mag concentrate, habang yung mga mid levels ay medyo mabilis pa lang at kailangan pang pumikit bago makuha ang mga isu-summon, at ang mga neophytes ay kailangan ng matinding konsentrasyon para makapag summon." Lahat ng mga clan may level level pala. Sabagay, 'di naman pwedeng lahat ng kakapanganak pa lang kasing galing na ng mas matanda sa kanila. Nasa pagsisikap din yan.

"Late ka na matuturuan, kasi yung start ng pag te train sa mga batang black knights ay pagtuntong nila ng sampung taong gulang. Pero don't worry. Basta masikap ka at willing matuto, madali mong makakaya yung mga training. We are not the second leaders for nothing." Ah oo, pangalawa ang Black knights sa pinakamalakas na clan sa lahat.

"Paano ka nga ba makakapag summon? Unang una, kailangan mong pumikit." Pumikit naman ako.
"Mag focus ka sa bagay na gusto mong makuha. Imagine-in mo sa utak mo na inaabot mo ito. Mag isip ka ng kahit anong bagay na gusto mong makuha, para malaman natin kung makakaya mo na. Pero dapat yung mga nahawakan mo na, dahil hindi eepekto ang summoning pag hindi mo pa nahawakan." Sinubukan kong isipin yung unan na ginagamit ko sa clinic nila Doctor Hugh. Tinry kong iistretch ang kamay ko pa abante, na parang inaabot ko.
Kaso nung mahahawakan ko na, biglang nalaglag yung unan, at napadilat ako.

"Hala ang gara!" napapadyak pa ako.
Natawa lang naman si Ate Erah sakin, tapos narinig ko din na tumawa si Lolo. Nahiya tuloy ako.

"Okay lang yan Holly. Try mo pa. Ganyan din kami nung una. Pero nasa dugo na natin ang kakayanang mag summon. Hindi na yan mahirap. Ang kailangan lang ay matinding konsentrasyon. Magaling ka na nga agad kasi nahawakan mo na. Ulitin mo." oo nga naman. Ngayon ko lang sinubukan, naiinis agad ako. Dapat kong pagbutihan. Anak yata ako ng supposed to be leader dati.

Nagtry ako ng limang beses, at sa pang lima, may naramdaman akong malambot sa kamay ko. Sabi kasi ni Ate Erah, wag ko daw muna ibubuka ang mata ko hanggang 'di ako sure na buong katawan na ng bagay ang nakuha ko.
Nang mapakiramdaman kong okay na, dumilat ako at agad nagtatalon ng makita ko ang hawak ko.
Yung kulay blue na unan ko dun sa clinic!

"Magaling, apo. Magaling!" pumapalakpak na sabi ni Lolo. Natouch naman ako. Sana nandito din si Mommy para nakita nya ang achievement ko.

"Subukan mo pa sa iba pang bagay." tinry ko naman yung ballpen ni Doctor Hugh, at sa tatlong try nakuha ko yung ballpen. Nahawakan ko yung ballpen nya na yun nung nagsulat ako ng information ko sa form niya. Sobrang lapad naman ng ngiti ko!

"Try ka pa ulit." Sabi ulit ni Ate Erah, kaya may naisip akong kapilyahan.

Pumikit ako at nag concentrate ng maigi. Sinusubukan kong kunin yung arrow ni Irvin. Nahawakan ko naman yun nung nilapag niya yun sa dining table sa clinic, kasi itatabi ko sana dahil nakaharang sa kakainan ko. Nahawakan ko na yung dulo nun, at nung iaangat ko na, parang may pumipigil. Hinawakan ko ng mabuti yung arrow, naramdaman ko pang tumutulo ang pawis ko sa likod at mukha ko. Parang nakikipag agawan ako dun sa arrow. Eh kasi ayaw nya talaga mahatak!
Kaya ang ginawa ko, dinalawang kamay ko, at sa kakahatak ko, bigla akong natumba, at naramdaman kong natusok ako ng arrow sa balikat ko.

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon