(7) His Confession

437 23 3
                                    

Holly's POV

Hindi na ako nakapalag nung paghatak niya sakin. Masikip yung hawak niya sa palapulsuhan ko pero hindi masakit.
Pero nakasimangot pa din ako. Aba, ang role ko pala sa mundo nila ay para hatakin! Hindi ako na inform.

Maya maya, huminto din kami sa garden yata ng palasyo. Nag ningning agad ang mga mata ko sa dami ng mga bulaklak.
"You always like flowers, diba?" tinignan ko siya at tumango.

Pero teka. Ginamit niya ang salitang 'always'.  Paano niya nalaman? Nanlalaki ang mga mata ko na bumaling sa kanya at nagtanong.

"How did you know that I always like flowers?" nag iwas siya ng tingin at nakita kong nagtaas baba yung Adam's apple nya. Teka, pati dito meron din sila nun? Duh, tao pa din naman sila. Ano ba naman utak!

"I-it's none of your business." sagot niya pero nakatingin pa din siya sa malayo.

"Ha! Anong it's none of my business? Business ko yun dahil ako yun! Sabihin mo na! Paano mo nalaman? Hala! Siguro may-"

"Yes, may gusto ako sayo." napatigil ako sa pagsasalita dahil sa pagputol nya sakin at dahil na din sa gulat. Woah! Kagabi lang kami nagkakilala, gusto nya agad ako? Ang itatanong ko lang naman kung may kapangyarihan siyang makabasa ng isip. Nagulat naman ako.

"G-gusto mo ako? Woah. I'm shocked. Pero, ganun kabilis? Kagabi lang tayo nagkita?" this time tumingin na siya sakin pero napausod ako. Nakatitig na naman sakin yung mga mata niyang abo, at gusto ko sanang ngumiti kung hindi lang seryoso ang usapan namin.

"No. I've known you since I'm eight years old." shock is an understatement. Since what?

"Since eight? Paano? Kelan? Saan? Paano mo ako nakilala?" bumuntong hininga siya bago tumalikod sakin. Hanggang leeg nya lang ako, ang tangkad nya kasi sobra.  Pero natuon ang pansin ko sa kanya ng mag simula siyang magsalita.

"I'm the son of your neighbor back when your Mom's still alive." napalunok ako sa narinig ko.

"What? S-so mortal ka?"

"No. But I was raised a mortal till eight."

"Ikwento mo nga ng buo! Paano ka namin naging kapitbahay tapos nandito ka?" hinampas ko siya sa likod pero mahina lang. Wala naman siyang naging reaksyon. Teka, prinsipe yung nahampas ko! Mag so-sorry sana ako kaso nag salita na sya. 

"Hanggang nung eight years old ako, I thought I was a mortal human being. Magkapitbahay tayo nun, at naging magkalaro tayo and our parents are friends. But one night, nakita ko ang Mom mo na may kausap na babae at lalaki sa likod ng bahay niyo nun. Nasa terrace ako nun ng kwarto ko. Nacurious ako kaya nagtago ako dun sa terrace na alam kong hindi mapapansin ng nasa labas. Medyo matagal silang nag usap, after nun umalis na yung dalawang kausap ng Mom mo. Akala ko hindi na lalabas Mom mo, pero maya maya lang, nakita kong lumabas ulit siya mula sa backdoor nyo. Then nagulat na lang ako nakatingin na siya sa akin." wait. Hindi ko alam yun!

"Tinawag niya ako nun, nakangiti pa siya sakin. Kaya dahan dahan akong bumaba gamit yung emergency ladder sa kwarto ko na lagi kong ginagamit pag tumatakas ako. Nang nasa harapan na ako ng Mom mo, hinila niya ako. Tinanong ko siya saan kami pupunta, pero 'di siya sumasagot. Pero dahil kaibigan siya ng parents ko nun, at she's your Mom, hindi ako natakot nun. Sumusunod pa din ako sa kanya. Suddenly, bigla na lang siyang tumakbo at hinahatak ako. I keep on asking her saan kami pupunta pero she just told me to trust her. So I did. At kaya pala kami tumatakbo ay may mga humahabol sa amin na mga Darkons." Oh my gosh! Anong Darkons? Bakit sila hinahabol? Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba sa mga sasabihin niya.

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon