(1) Fairy Beginning

1.1K 44 20
                                    

Holly's POV

Napatingin ako sa orasan sa loob ng classroom, at ilang minuto na lang pala mag ta-time na. Napabuntong hininga na lang ako. Kung yung iba atat na atat umuwi, ako hindi. Mas gugustuhin ko ngang forever na nandito sa school kesa sa bahay.
Puro pasakit lang kasi nararanasan ko sa bahay.

Ikaw ba naman magkaroon ng madrastang nagre-reyna reyna-han sa sarili mong pamamahay, isama mo pa yung mga anak nyang feeling prinsipe at prinsesa kung maka asta. Hay, kung pwede lang talagang lumayas, lalayas na ako eh. Kaso ayokong iwan ang bahay namin, marami akong memories dun kasama si Mommy at Daddy. Tsaka ayokong iwan si Daddy, kahit na ba hindi nya na ako masyadong napapansin dahil busy siya sa kompanya namin, mahal ko pa din siya.

Napapikit na lang ako at napasandal sa upuan ko ng tumunog na ang bell. Minsan talaga hinihiling ko na mag extend ang klase, kahit abutin ng alas dose ng gabi ayos lang. Basta 'wag lang ako makauwi ng maaga.  Kaso, ang Hierarchy High ay isang private school at maaga ang uwian namin.

Nang halos kalahati na lang kaming nasa room, saka pa lang ako nag ayos ng mga gamit ko. Mabagal akong tumayo at naglakad palabas ng school.

Nag tungo ako waiting shed at naghihintay ng sundo. Wala din akong kaibigan na maituturing sa school kasi puro sila mayayabang. May isa akong naging kaibigan last year kaso nagpunta na sila ng America kaya naiwan akong walang ka close.

Pasalamat na lang ako at mga nasa kolehiyo na yung mga hilaw kong kapatid kaya hindi kami mag ka school. Habang naghihintay  ay biglang umulan ng malakas kaya agad akong napatayo  at sumiksik sa gitna para hindi ako mabasa sa gilid. May tumabi sakin na isang nakahood na 'di ko alam kung babae o lalaki, kulay black yung hood nya at pati pantalon nya at medyo nakatagilid siya sakin kaya di ko nakikita mukha nya. Hindi ko na siya napagtuunan ng pansin dahil tumunog ang phone ko na agad kong kinuha mula sa bulsa.

"Hello Tata Renato?" Pag sagot ko sa tawag. Si Tata Renato ang driver namin.

"Hija, pasensya na medyo matatagalan ako. Nagkatrapik dito sa intersection dahil may nagbanggaan. Ang lakas pa ng ulan. Dyahe talaga!"

"Ay ganun po ba? Sige po, hintayin ko din po tumila ulan. Pag wala pa po kayo, mag taxi na lang po ako."

"Okay lang sayo? 'Di ka marunong mag commute."

Kahit nag aalangan ako, dahil ilang beses pa lang ako nakapag commute pero may mga kasama naman ako, eh wala naman akong choice. Ayos lang sana maghintay, kaso ang lakas ng ulan at ayokong tumunganga dito ng matagal. Malamig pa.
"Kaya ko naman po Tata. Itext ko po kayo pag pasakay na po ako."

"Sige hija. Mag ingat ka."

Mga ilang minuto pa ako naghintay bago medyo humina ang ulan. Nakita ko sa peripheral vision ko yung taong nakahood na tumayo at tumakbo palayo. Nagkibit na lang ako ng balikat at saktong may dumaan na taxi kaya pinara ko.

"Kuya, sa Mystical Homes po." Sabi ko dun sa driver at hindi ko na pinansin na hindi siya sumagot. 

Kinuha ko lang ang phone ko at tinext si Tata na nakasakay na ako ng taxi, pero walang signal. Nakailang try pa ako pero wala pa din kaya sumuko na ako at naglaro na lang sa phone. Nung natalo ako sa game, napaangat ako ng tingin sa windshield ng taxi at napansin kong parang 'di pamilyar ang daan. Nagpalingon lingon pa ako para maka sigurado.

"Kuya, mali po yata tayo ng dinadaanan." sabi ko sa driver pero nung tumingin ako sa kanya ay nakangisi siya, bagay na ikinataas ng mga balahibo ko.

"Alam ko. Hindi naman dun pupuntahan natin eh."

Nagsimula akong mag dial sa phone pero walang signal! Tinry kong buksan ang pinto pero naka lock. 

"Kuya, palabasin mo na ako." nagsimula akong matakot para sa sarili ko, at nag flash back sa isip ko lahat ng nangyari sa buhay ko. At for the first time, mas gugustuhin ko na sa bahay kahit bwisit ako na nandun ang second family ni Dad kesa naman ganto!

"Wag mo nang subukang buksan yan. Sumama ka na lang ng maayos sakin." Nagtaasan na naman ang mga balahibo ko dahil ngumisi siya sakin and I swear nakakatakot sya!

Naiyak na ako sa takot at pilit ko pa ding binubuksan yung magkabilang pinto sa gilid ko.
"Kuya, please ibibigay ko na lang lahat ng pera at cellphone ko na hawak ko ngayon please palabasin mo na ako!" hiyaw ko sa kanya.
Mas okay ng maglakad ng walang pera kesa may mangyaring masama sakin!

"Hindi ko naman kailangan ng pera mo eh." Nangilabot ako dahil kung ano ano na naiisip kong mangyayari sa akin.

Nagsimula na akong maiyak at pagtingin ko sa phone ko ay saktong namatay, ang malas ko! Sana hinintay ko na lang si Tata, sana naglakad na lang ako, sana, sana! Lord pleaseeeeee!

Huminto na yung taxi at napalingon ako sa paligid. Medyo madilim pa din kahit magaalas tres pa lang gawa siguro ng ulan, pero bakit ba iniisip ko pa yung weather eh may posibilidad na mamatay ako ngayon!

Naramdaman kong may humila sakin palabas ng taxi at nagpumiglas ako.
"Ano ba, masakit!" Hiyaw ko at iyak lang ako ng iyak habang kinakaladkad nya ako pero wala akong magawa. Mas malaki siya sakin at malaki ang katawan nya, 'di tulad ko na hindi pa umabot sa 5 ang height!

Binagsak nya ako sa may damuhan at kahit nasaktan yung pwet ko sa paghagis nya ay mas komportable ako sa lapag kesa nung hawak nya ako.
Unti unti siyang lumapit sakin, yung mata nya nanlilisik na parang sinasaniban, at ako nama'y urong ng urong palayo sa kanya. Ayoko ng mahawakan nya!

"P-please kuya itigil mo na 'to parang awa mo na po!" pakiusap ko sa kanya pero para syang bingi na walang narinig. 


Tuloy pa din siya sa paglapit, at nung urong ako ng urong, nauntog ako sa pader yata sa likod. Oh no! Dead end na!

Kung sino man na makakarinig sa hinaing ko, kahit sa isip lang, tulungan mo ako!

Kinapa kapa ko ang likod ko, at paglingon ko, balon pala yung naurungan ko. Dahan dahang akong tumayo ng tumigil siya at nakatingin lang sakin, at nung lumakad ulit siya na parang napo-posses palapit sakin eh napa atras ulit ako.

At nakalimutan ko na may balon pala sa likod ko kaya napasigaw ako ng napakalakas ng nahulog ako, at bago magdilim ang lahat sakin, nakita ko pang nakayuko yung driver bago siya napapikit at parang bumagsak sa lupa.

==========================================

A/N: Anddddd cuttttt. Hehe sana po magustuhan nyo :* 

P.S Artwork by: Butchiiiikunnnn <3 Salamat ng madamiii yiiie <3 

Holly's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon