Holly's POV
Nakahawak lang ako sa labi ko ng unti-unting bumalik sa pandinig ko ang ingay ng party.
Gosh, bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko?!Umiwas ako ng tingin kay Prinsipe Calum at tumingin sa mga audience na pumapalakpak.
Pagtapos nun, dinner time na ang sumunod. Ayokong tumingin kay Calum dahil feeling ko pulang pula na ako."First kiss mo ba yun?" Natigilan ako sa tanong niya.
Alam kong hindi, dahil kahit nakakabwiset, si Irvin pa din ang first kiss ko.Hindi na lang ako sumagot at inabot na ang pagkain na sinerve sa amin. Nagngi-ngitian lang kami ni Prinsesa Canary occasionally.
Maya maya, tumayo ang Hari at natutok sa kanya ang paningin namin.
"Maraming salamat muli sa pagdalo sa kaarawan ng ating Prinsipe. May magandang balita akong sasabihin bago matapos ang gabing ito." Tumingin siya sa banda sa amin at sumenyas kay Prinsipe Calum na tumayo kaya tumayo si Calum.
"Ikinagagalak kong sabihin na sa pagbaba ko sa pwesto ko bilang hari, ay ibinibigay ko ang trono sa aking nag iisang anak na lalaki. Ang susunod na Hari, si Prinsipe Calum." Tumahimik saglit tapos napuno ng masigabong palakpakan ang buong bulwagan. Natuwa naman ako sa sinabi ng hari. Ang gandang regalo naman nun sa kanya!
"At bilang tagapagmana ng trono, kailangan ng susunod na hari ng susunod na reyna. Kaya, ikaw Holly, mula sa Black Knights Clan, ay aking pinipili upang maging asawa ni Prinsipe Calum at susunod na reyna ng kaharian ng Eden." napalis agad ang ngiti ko dahil sa sinabi ng hari.What. The. Freaking. Hell?!
I'm lost at the King's words at ni hindi ko maiangat ang ulo ko para tingnan ang mga tao sa baba ng stage. Pero alam ko, nagulat din sila. Isa lang akong baguhan dito sa mundo nila, na ngayo'y mundo ko na din.
Naloloka pa nga ako sa mga nalaman ko at pilit ko lang ina-absorb tapos ngayon, gagawin akong reyna?! Anong alam ko?Hanggang sa matapos yung party tulala ako. Nung magsitayuan na ang lahat, pasimple akong tumakas at lumabas ng palasyo.
Tumakbo ako ng tumakbo, at kahit na hindi alam ng utak ko saan ako pupunta, may sariling isip yata ang mga paa ko dahil sa harap ng clinic ako ni Doctor Hugh napadpad.
Alam kong walang tao dito ngayon dahil pauwi pa lang siguro sila.
Pero pumasok pa din ako at dumiretso sa dating kwarto na tinutuluyan ko.
Maayos pa din ang kama at gamit doon. Napangiti ako ng lumapit sa kama.
Ito ang maituturing kong safe haven ko. Dito ang comfort zone ko, kasi dito ako unang nagmulat ng mata pagkadating ko dito.Hindi ko na pinansin na nakadress pa din ako at humiga sa kama. Napagod ako kahit nakaupo lang naman ako buong party. Pumikit na lang ako dahil gusto ko munang itulog yung problema ko. Nabigla ako ng sobra.
Nagising ako dahil sa ilang boses na naririnig ko. Medyo maliwanag na pala.
"Hanggang ngayon daw hindi pa din umuuwi si Holly sa kanila." Narinig kong sabi ni Grant.
Nanlaki naman ang mga mata ko ng marealize ko ang ginawa ko kagabi. Ni hindi ko man lang naisip na mag aalala sila. Sila Lolo!
"Pinuntahan ko na din yung pinuntahan nya nung nag away kami. Wala naman."
"Nagpapalamig lang ng ulo yun. Wag na kayo mag alala, kaya ni binibini sarili niya." Ano ba Doctor Hugh, kelan mo ako tatawaging Holly?
Nag ayos muna ako ng sarili bago lumabas. Wala na sila dun sa tapat ng room ko. Baka nasa kusina.
Pagdating ko nga sa kusina, nandun nga sila at nakatingin sakin ng parang gulat.
"Where have you been?" Si Irvin ang unang nakabawi at nagtanong sakin.
Ngumiti ako ng tipid sa kanila bago naupo sa tapat ng mesa.
"Nandyan lang ako sa kwarto, natutulog.""What? So nandyan ka buong gabi?"
"Oo. Wag kang unli Grant." Inirapan ko nga. Unli eh.
"Ni hindi ka man lang nagpaalam sa pamilya mo, binibini. Nag aalala si pinunong Hamlet sayo." Napayuko naman ako.
"Yeah. I'm sorry kung nag alala din kayo. I was a bit preoccupied by the King's announcement last night. Nung tumakas ako, dito ako dinala ng paa ko."
"Okay lang yan Holly. Oh eto, mainit na gatas. Uminom ka muna." Napangiti ako ng tumabi sakin si Jessica at inabutan ako ng isang basong gatas.
"Maraming salamat Jessica!"
"Ano ng plano mo?"
"Anong plano?" balik na tanong ko kay Grant.
"Sa pagiging chosen queen mo." I bit my lip as to Grant's statement. Geez.
"I don't know."
"Hayaan mo binibini, pag isipan mo. Isang malaking karangalan sa clan nyo na isa sa inyo ang mapili na susunod na reyna. Mag usap din kayo ng clan mo. Wag kang magpadala sa sarili mong desisyon." Napaisip naman ako sa sinabi ni Doctor Hugh.
Hanggang sa makauwi ako sa'min nakatulala lang ako. Nagulat na nga lang ako ng may yumakap sakin.
"Saan ka ba nanggaling?" Nag aalalang tanong ni Ate Hara.
"Sorry ate." sabi ko at ginantihan siya ng yakap.
"Saan ka ba nagpunta ha? Nag aalala kami sayo simula kagabi. Ikaw talaga, si Lolo nalulungkot!"
"Sorry na nga eh. Dun ako sa clinic ni Doctor Hugh nakatulog. Pag gising ko, umaga na."
"'Wag mo na uulitin yun ha?" I nod at Ate Hara's remarks.
"Magpalit ka na ng damit at magpahinga muna. Sasabihan ko lang sila na nakabalik ka na. Tatawagin kita mamaya." Umakyat na ako sa kwarto at naglinis ng katawan bago nahiga. Sana hindi galit sakin si Lolo.
Napamulat ako ng mata sa katok na naririnig ko sa pinto. Pupungas pungas pa ako na tumayo at binuksan ito.
"Mag ayos ka na, kakain na tayo ng hapunan Holly." Si Tito Jap pala, tatay ni Kuya Reggie. Isa din silang Black Knight member pero hindi namin kamag anak. Pero bakit siya nandito?"Sige po Tito, salamat po." Nag ayos na ako ng mabilis at agad na bumaba. Nasa hapag kainan na silang lahat ng makarating ako dun.
Isang mahabang lamesang kulay silver at mga upuang may korteng korona na kulay gold naman ang nasa gitna ng dining room. Bumati ako ng magandang gabi bago umupo. Ngumiti sakin si Lolo kaya napanatag na ang loob ko."Kumain na muna tayo. Mamaya na mag usap." Sa sinabing iyon ni Lolo ay kumain na kami ng tahimik. Ang mga pagkain dito ay parang sa mortal world talaga. Kaya hindi naman ako nahirapang mag-adjust dahil halos lahat dito kaparehas lang sa pinagmulan ko.
Matapos ang masaganang pagkain, niyaya ako ni Lolo na lumabas.
Nakangiti akong nakatingin sa mga halaman at bulaklak. Nakakatuwa talaga dito!"Apo, alam kong nabigla ka sa anunsyo ng mahal na hari. Pero sana, pag isipan mong mabuti." Tahimik lang ako na naglalakad sa likod niya.
"Apo. Wag mo sanang mamasamain. Pero alam mo ba na isang malaking karangalan ang pagpili ng hari sayo? Kung iisipin natin, baguhan ka pa lang sa mundong ito. Pero may nakita sa'yo ang hari, kaya ikaw ang kanyang napili. Nauunawaan mo ba? Sana ay pag isipan mo muna ng maigi. Hindi kita pinupwersa, at kung ano ang iyong maging desisyon ay aming tatanggapin. Pero sana pag isipan mo muna."
Tumango na lang ako at nag isip. Tatanggapin ko ba?
BINABASA MO ANG
Holly's Tale
FantasyFairy tale life has always been every girls dream. But Holly's fairytale life is far from what she thought, 'cause her tale is just about to unfold. (Cover credit to: @revekhas)