Kabanata 2

673 60 25
                                    

Hailey POV

"Lord have mercy, Lord have mercy. Lord have meeercy ~"

Hindi ko na alam ang gagawin kaya naisipan kong kumanta para mabawasan ang aking kaba. Kanina pa ako palakad-lakad sa daanan na ito na mukhang walang hangganan. Nakakapagod.

"Christ have mercy, Christ have mercy, Christ have meeercy. Lord ha- help me! WAAAH!"

Napasigaw ako ng wala sa oras ng biglang may sumulpot sa harapan ko na pusa. Hindi ko na kaya dito, tulong po! Mamaya engkanto pala ang pusang ito.

"Meeeoww, meeeoww~" ani ng pusa na animo'y kumakanta.

Teka, may balak sigurong makipaglaban ng kantahan ang pusang ito. At ako pa talaga ang napili niyang kalaban ah. Inunat ko ang kamay ko para makapaghanda. Kailangan maipakita ko sa pusang ito kung sino ang reyna sa kantahan.

Ngumisi ako nang nakakaloko at tiningnan ang pusang humahakbang ng paatras. Takot naman pala ang pusang ito eh! Mabuti naman at naisipan niyang umatras sa laban dahil paniguradong pagsisihan niya ito.

*shiik shiik*

Ayan na naman ang kaluskos ng nga dahon. Kailangan ko na talagang umalis dito. Nakakaasar naman kasi yung pusa na iyon imbis tuloy na maglakad ako eh napahinto pa tuloy ako dahil sa isang labanan. Nilingon ko yung kinalulugaran ng pusa na nakita kong wala na doon. Teka-ayun. Tumatakbo siya palayo.

Akala niya matatakasan niya ako ah. Tumakbo ako at sinundan ko siya. Ang bilis naman ng pusa na ito. Bukod pala sa pagiging singer ay runner rin pala siya.

Mabuti naman at tumigil na siya. Hinawakan ko ang tuhod ko at pilit na hinahabol ang aking paghinga. Grabe ilang kilometro kaya ang natakbo ko. Nang medyo okay na ako ay tiningnan ko ang pusa na nakatingin sa akin. Ang weird ng pusang ito.

"Halika nga ditong pusa ka." Hahawakan ko na sana ang pusa ng biglang may kumuha dito.

"Nazen andito ka lang pala, kanina ka pa hinahanap ni kuya." ani ng isang binatang lalaki habang hinihimas ang mabalahibong pusa. Nazen pala ang pangalan ng pusa, ang kyut naman. Kumaway ako sa binata para mapansin niyang ako ang nakahanap sa pusa niya. Teka hinanap ko ba talaga?

Tiningnan lang ako nung lalaki at naglakad na paalis. Hala teka, paano na ako? Gusto ko ng umuwi. Sumasakit na rin ang tiyan ko dahil sa sobrang gutom.

"Ahm teka lang." tawag ko sa kanya. Lumingon ito sa akin at napakunot ng noo.

"Alam mo ba kung saan ang Bus Station number 4? Yung sa may tapat ng Ilaya Residence?" Lalong kumunot ang noo nito at biglang ngumisi. Lumapit ito sa akin at nagmasid sa paligid.

"Alam ko." ani niya at tumingin ulit sa akin.

"Talaga?! Saan? Pwede mo ba akong samahan doon?" Imbis na sagutin niya ako ay ngumisi siya at nilagay ang kanyang kanang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Nakapatong sa kaliwang balikat niya ang pusa. Ngayon ko lang napansin na nakauniporme pa pala ito at nag-aaral rin siya sa eskwelahan na pinapasukan ko.

"Nakikita mo ba ang daanan na nasa likod mo?" tanong niya sa akin kaya tiningnan ko ang sinasabi niya. May daanan nga pero medyo madilim sa pinakadulong parte.

"Diretsuhin mo lang yan tapos sa pinakadulo nyon ay mayroon doong daanan. Lumiko ka sa kaliwa tapos matatanaw mo na doon ang Bus Station." Tumalikod agad ito at naglakad na palayo.

"Thank you!" pahabol ko. Hindi siya lumingon pero napahinto siya saglit at naglakad na ulit.

Tinahak ko ang daan na tinuro niya sa akin. Medyo malapit na ako madilim na parte pero iba na ang nararamdaman ko. Tama ba talaga ang daanan na ito?

Napahinto ako ng makarinig ako ng mga yabag at pagsipol. Mula sa madilim na bahagi ng daanan ay may lumabas ditong tatlong lalaki. Ayoko pa pong mamatay, may mga pangarap pa po ako Lord.

"Miss, mukhang nawawala ka yata. Halika sumama ka muna sa amin para matulungan ka namin."Hhahawakan sana ako nung isa pero umilag ako. Mukhang galing sa inuman ang mga ito dahil sa amoy nila.

"H-Hindi ko kailangan ng tulong niyo!" sigaw ko pero unti na lang ay mapapaluha na ako. Nangangatog na rin ang binti ko kaya hindi ko na alam kung anong pwede kong gawin para lang makaalis sa sitwasyon na ito.

"Sasama ka lang naman eh. Wag ka nang magpakipot. Halika na!" Akmang hahawakan ako nung dalawa pang kasama niya pero bigla silang tumilapon sa kung saan.

Teka ako ba may gawa nun? May powers na ba ako?

"Huwag mong pilitin kung ayaw." Teka pamilyar yung boses nito ah.

Lumingon ako sa pinanggalingan nung boses. Teka hindi ba ako namamalik-mata? Nagaganap na ba ang paggunaw ng mundo? Teka ang sama ko naman yata pag ganun. Pero imposible talaga eh! Sinampal ko ang sarili ko at tumingin ulit sa kanya. Tumingin rin siya sa akin at napakunot ng noo.

"Idiot." ani niya habang tinitingnan ang mga lalaki na nakahandusay na. Nakangiti siya habang nakatingin dito. Bakit kaya? 

Naglakad na ito palayo kaya agad ko siyang sinundan. Nakayuko lang ako buong magdamag hanggang sa napabangga ako sa likod niya. Hinimas ko ang noo ko at humakbang ng isa paatras.

"Hanggang kailan mo ako balak sundan?" ani niya habang nakatalikod sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon, yun nga lang nakatalikod. Totoo ba talaga ito?

"Tss." naglakad ulit siya kaya agad akong sumunod hanggang sa tumigil siya sa isang napakalaking bahay. Teka ito ba ang bahay niya? Ang laki at ang ganda.

"Pasok ka." sabi niya at nagdoorbell.

Ako ba ang kinakausap niya? Totoo? Ako ba talaga? Hindi ba ako napapraning? Ha? Atsaka bakit niya ako pinapapasok sa bahay niya? Bakit? Ang dami ko na yatang tanong. 

"Kuya nandito na si Nazen- teka ikaw?! Kuya bakit yan nandito?!" Umawang ang bunganga nito habang tinuturo ako. Ito yung kanina na nagsabi sa akin na diretsuhin ang daanan na siyang nagpahamak sa akin. Nginisian ko siya at kinawayan. Kapag sinuswerte ka nga naman.

Napababa bigla ang kamay ko na kumakaway sa kanya. Teka sinabi niya bang kuya? Kuya niya?!

"Magkapatid kayo?! Kuya mo si Rhett Calloway?!"

Kuya niya ang crush ko? Hindi ako makapaniwala. Malapit na talagang magunaw ang mundo!

Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon