Hailey POV
Laking gulat ko ng maaga akong ginising ni tita. Alam ko naman na maaga talaga ako dapat gumising pero yun gisingin ako ng alas-dos ng madaling araw ay sobra na. Sa pagkakaalam ko kakatulog ko pa lang at wala pang isang oras an tulog ko. Hehe. Alam niyo naman, mahirap iwasan si wattpad.
"Ma ano na naman bang sininghot mo at ginising mo kami ng ganito kaaga?" inis na sabi ni Ridge. Kinusot-kusot niya pa ang kanyang mata at halatang kagigising lang din sa maayos na pagtulog.
"He! Ang sama mo sa akin Ridge huhuhu!" ani tita at nagpunas-kunwari ng luha. Napailing na lang si Rhett at Ridge sa ikinilos ng kanilang ina. "Kasi naman this past few days lahat kayo ang bi-busy so naisipan ko ngayon na mag family outing!" dugtong niya.
"Tsk ginising mo kami para lang sabihin yan?" ani Ridge. Parang medyo na nababastusan na ako sa sagot niya kay tita. Hindi naman siya ganito dati eh.
"Language Ridge!" sita ni tito. Umirap lang si Ridge sa hangin atsaka ginulo ang kanyang buhok.
"Ginising ko kayo dahil ngayon na ang ating family outing! Kyahh" Nagpatalon-talon pa si tita habang nakatingin sa taas.
"Ahm kailan po yung family outing? Sa susunod po ba na linggo?" tanong ko. Kinindatan ako ni tita pagkatapos ay umakbay sa akin.
"Anu kaba Hailey syempre ngayon na!" aniya at ngumiti ng pagkalaki-laki. Napakunot ako ng noo sabay hinampas ng mahina ang kanyang balikat.
"Palabiro po talaga kayo tita! Hahaha. May pasok po kami ngayon nila Rhett at Ridge at ganun rin po sila tito at papa." natatawa kong saad.
Akala ko'y babawiin ni tita ang sinabi niya kanina pero ang kanyang nakakalokong ngiti ay mas lalo pang naging nakakaloko. Medyo natakot pa nga ako dahil pakiramdam ko ay binabalak siyang masama.
"Nagpaalam naman na ako sa mga guro niyo at pumayag naman sila. Atsaka tatlong araw lang naman kayong mawawala."
T-tatlong araw lang? Kahit naman tamad akong mag-aral ay gusto ko pa rin namang matuto. Hindi sa ayaw kong magbakasyon pero ilang buwan na lang kasi ay ga-graduate na ako. Syempre kailangan ko ng maging maging responsable para sa hinaharap ko.
Oops wag kayong green-minded. Future yun hindi yung hinaharap na dibdib.
Hindi na namin nagawa pang magreklamo dahil may limang lalaki na nakasuot ng itim ang pumasok at agad kaming kinaladkad palabas. Mali. Ako lang pala yung kinaladkad kasi akala ko ay kidnaper sila. Tsaka ko lang naalala na sila pala yung guwardiya dito sa bahay.
Teka... ano nga ulit ang mga nangyari? Ginising kami ni tita. Sinabi niyang may family outing kami ngayon. May pumasok na limang lalaki at kinaladkad kami at pinapasok sa isang itim na van. Ohmyghad!
Hindi pa kami naliligo!!! Yak. Mega yak.
Nakapagtataka na kahit hindi pa naliligo sila Rhett at Ridge ay mabango pa din sila. Paano ko nalaman? Nasa gitna kasi nila akong dalawa at nakaupo kami sa pinakahuli ng van. Ang kyut nga nila kasi nakapajama pa sila, plain black lahat. Samantala ako naman ay Sophia the First ang disenyo ng pajama at blouse. Isang-daan lang ito sa ukay-ukay eh.
Habang nasa biyahe kami ay nakaramdam ako ng kakaiba. Kasi naman ang tatahimik nitong mga katabi ko. Kung dati ay halos magdugo ang ilong ko dahil sa pagsasalita nila ng ingles, ngayon ay nagmistula kaming nasa sementeryo.
Parehas silang nakatingin sa bintana na parang kinakabisado ang lahat ng kanilang nakikitang bagay. Sa tingin ko ay nasa trenta minutos ang aming binyahe bago huminto sa isang hotel.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...