Hailey POV
Buong gabi akong nag-isip kung sino yung nagpadala ng sulat na kagat-kagat ni Nazen. Wala namang nakasulat kung para sa akin ba talaga yung sulat na ito pero gusto ko pa ring malaman kung kanino ito galing.
Nakarinig ako ng pagkatok kaya mabilis kong itinago ang sulat sa ilalim ng aking unan. "Hailey anak gising na."
Kung alam lang ni papa na hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip ng isang bagay. "Gising na po ako pa, pababa na po ako."
Bumangon na ako sa kama atsaka naligo at nagbihis ng uniporme. Hindi na ako nag-abala pang maglagay ng polbo o anumang anik-anik. Dali-dali akong bumaba at tumungo sa hapag-kainan.
Tiningnan ako ni papa ng mag pagtataka sa mukha. Hindi kaya nahalata niyang wala akong tulog? Kamukha ko na ba si valak? Omg! "Anak bakit ganyan ang suot mo?" tanong niya.
"Huh? Bakit ano po bang problema sa suot ko?" Maayos naman ang suot ko ah. Hindi naman ako nakasuot na kita ang kaluluwa kaya ano ano mali sa suot ko?
"Anak sabado ngayon wala kayong pasok." sarkastik niyang sabi.
Napatampal ako sa aking noo. Mukhang naapektuhan yung utak ko dahil sa kulang sa tulog. Mamaya na lang siguro ako magbibihis tutal nandito na rin naman ako. Syempre food is life.
"O heto kumain ka muna alam ko namang mas uunahin mo yung pagkain kaysa sa pagbibihis." aniya at ngumiti.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga pagkaing inilapag ni papa. Hindi pamilyar sa akin ang mga nakahain sa lamesa pero hindi ibig-sabihin nun ay hindi ko na ito kakainin. Paniguradong nahawa na si papa sa mga pagkain ng mga Calloway. Lagi kasing pang-restaurant ang pagkain nila.
Bigla ko na namang namiss ang pamilyang Calloway. Namimiss ko ang mga luto ni tita. Namimiss ko na rin ang mga tulong at payo na pinupukol sa amin ni tito. Namimiss ko na ang mga kulitan at tawanan namin ni Ridge. At namimiss ko na si Rhett. Sobrang miss ko na silang lahat. Kung pwedeng sanang ibalik ang lahat, kung merong paraan para maibalik ang nakaraan gagawin ko ang yun. Gagawin ko ang lahat kahit alam kong walang kasiguraduhan. Kahit alam kong walang patutunguhan. Kahit ako lang ang masaktan.
Matapos kong kumain ay nagpalit na ako ng damit. Mahina akong natawa sa sarili kong repleksyon sa salamin. Isang fitted jeans at white t-shirt ang aking isinuot. Umisip na ako ng magandang puntahan ngayon na lugar dahil ayokong manatili lang sa bahya. Gustuhin ko mang tumulong kay papa sa restaurant ay hindi ko magawa. Dumami na rin kasi ang empleyado ni papa kaya magiging isang malaking sagabal lang ako sa kanila.
Biglang may nagvibrate sa aking bulsa. Kinuha ko ang aking cellphone at nanlaki ang mata ng makitang may tumatawag sa akin. Numero lang ang nakalagay kaya hindi ko alam kung sino ang tumatawag na ito. Bumuntong-hininga muna ako bago sinagot ang tawag.
"Hello? Sino po ito?" ani ko. Naghintay ako ng ilang segundo na hindi naglaon ay naging minuto. Bago pa maging isang taon ang pag-aantay ko ay ako na ang nagpatay ng tawag. Siguro nagkamali lang ng tawag yung tao. Hayaan na nga.
Nasa labas na ako ng bahay ng bigla na namang nagvibrate ang cellphone ko. Mabilis kong sinagot ang tawag. Hindi ako nagsalita at nag-antay ako na siya ang unang magsalita. Ilang saglit lang ay nakarinig ako ng tunog ng tubig. Langya! Mukhang naliligo pa yata itong tumatawag sa akin.
"Hello po kung sino ka man tapusin niyo po muna yung pagligo niyo tsaka po kayo magtipa ulit ng number kasi pangalawang beses na po kayong tumawag sa akin pero hindi ko naman po kayo kilala kasi hindi kayo nagsasalita eh."
Dalawa lang ang posibilidad kung bakit siya tumatawag sa akin: Una, malibog ang taong ito at gusto niya ng kausap sa phone para pag-usapan ang ilang rated spg. Alam niyo naman siguro kung ano yung ibig kong sabihin. Pangalawa, natubigan ang mata niya kaya hindi niya makita ng maayos ang bawat numerong tinitipa niya.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...