Hailey POV
Medyo boring ang biyahe kaya binuksan ko ang radyo sa kotse ni Rhett.
"Top 10 hits songs of the week."
Dati nung bata ako ay hilig kong alamin kung ano yung pinakapatok na kanta sa lugar namin tapos kakabisaduhin ko yung kanta. Medyo jeje nga lang yung mga kanta tulad ng Duyan, Dota o Ako at marami pang iba.
Lahat naman ng kantang pinatugtog ng istasyon na ito ay magaganda at nakakaaliw pakinggan. Tumuwid ako ng pagkakaupo dahil yung top 1 na yung papatugtugin.
[Play the video in the multimedia]
"Number 1 Hit songs of the week. Despacito by Luis Fonsi."
Umpisa pa lang ng kanta ay nakakaengganyo ng pakinggan. Napatigil ako sa pagsayaw ng mapakinggan ko na yun kanta. Teka bakit kakaiba yung liriko ng kanta?
"Rhett naiintindihan mo ba yung kanta? Bakit parang hindi naman siya english o tagalog?" Ngumisi lang si Rhett atsaka pinihit ang manibela sa ibang direksyon.
"Spanish song yan. Despacito means slowly in english,"
Lagi talaga akong pinapabilib ni Rhett sa mga wikang alam niya. Minsan nga ay gusto kong palit na lang kami ng utak eh kaso wag na lang. Masyado kasing busy kapag matalino ka. Mataas din ang inaasahan nila sayo kaya dapat hindi ka magkamali o matalo man lang.
"Tungkol saan kaya yung kanta?" bulong ko.
"Its about sex Hailey."
Napatango ulit ako. Iba talaga ang pandinig nitong si Rhett kahit yata ilang kilometro na ang layo ko ay maririnig niya pa siguro ako. Sana nga eh. Sana nga kahit malayo siya marinig niya pa rin ang bawat sasabihin ko. Para kapag kailangan ko siya ay mabilis siyang lalapit sa akin.
"Kakaiba ka talaga Hailey," aniya at tumingin sa akin. "Kung ibang babae siguro ang nakarinig sa pagkakasabi ko ng sex paniguradong iba agad ang maiisip nila. Sampung porysento na masasabihan ako ng bastos o walang respeto. Siyamnapung porsyento naman ang magiging malandi o matutuwa pa. Pero ikaw nung binanggit ko yung salitang yun imbis na maasar o matuwa ay tumango ka lang." dugtong niya.
Nanahimik ako at ramdam kong uminit ang aking pisngi. Bigla tuloy tumugtog sa utak ko yung 'Because a girl like you is imposible to find, you're imposible to find. Kanta iyon ng Secondhand Serenade na ang title ay Fall for you.
"People nowadays are used to big deal small things. Kapag nabasa o narinig nila ang mga salita katulad ng sex, kiss or even first base, iba na agad ang iisipin nila. Magiging malaswa na agad ang utak nila at iba ang interpretasyon nila sa ganuong bagay. They make fun on it pero hindi nila alam na hindi sila mabubuo kung di dahil sa bagay na iyon. Nakalimutan na siguro nila na regalo ito ng Diyos sa atin para gawin sa tamang oras at panahon." mahabang litanya ni Rhett.
Mabagal akong napapalakpak sa kanyang makabuluhang sinabi. Napahalakhak ng mahina si Rhett saka ipinarada ang sasakyan. Hininaan ko na ang radyo atsaka ito pinatay. Mabilis akong bumaba ng kotse at halos lumuwa ang aking mata sa nakita.
Five Star Hotel?!
"R-Rhett kakasabi mo lang kanina diba na dapat ginagamit sa tama ang s-"
Mabilis akong hinawakan sa magkabilang-balikat ni Rhett atsaka pinatalikod.
"Pfft dummy, magpaparada lang tayo dito. Duon talaga tayo pupunta." Itinuro niya ang Mcdo sa kabilang kalsada. Napahinga naman ako ng maluwag.
Seyeng nemen pele!
Napatampal ako sa noo. Umiiral na naman ang pagiging manyak ko. Naku mahirap na kapag hindi ko ito napigilan. Gamit ang overpass ay nakatawid kami ng matiwasay. Sa mga napapanuod ko kasing kdrama kapag may tatawid ng kalsada parating merong nasasagasaan.

BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Novela Juvenil[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...