Panimula

154 5 0
                                    

P A N I M U L A

Minsan mo na bang naramdaman na parang 'di ka bagay sa kanya?

Siya matalino tapos ikaw, nevermind.

Siya mayaman tapos ikaw, ahmm nevermind ulit.

Siya gwapo tapos ikaw, ahmm may itsura naman.

Naranasan mo na ba yang mga yan?

Ako kasi, oo. Bawat segundo. Bawat minuto. Bawat oras. Bawat araw. Nakakabaliw diba?

Ewan ko ba pero kahit alam ko na hindi ko naman siya kalevel ay nagagawa ko pa ring pumasok sa mundo niya.

Class A siya. Class F naman ako.

Simula elementarya hanggang highschool ay lagi siyang nangunguna sa buong eskwelahan. Wala pang nakakatalo sa kanya. Siguro ay nagtataka kayo kung bakit ko nagagawang pumasok sa mundo niya.

Hindi na nga kagandahan, class F pa.

Wala eh, sadyang ang bait-bait lang sa akin ng tadhana. Sa sobrang bait niya sa akin minsan hindi na ako natutuwa.

Ang sakit kasi. Ang sakit-sakit na kahit kinakausap niya ako pero para lang akong hangin.

Minsan naisip ko kung bakit ko pa siya nagustuhan. Tama kayo, oo gusto ko siya. Ay hindi mali, mahal ko na nga yata siya.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman niyang may gusto ako sa kanya. May kung anong kasiyahan akong naramdaman ng malaman niya iyon.

Kahit na ilan beses na niyang sinabi sa akin na hindi ako bagay para sa kanya. Kinakaya ko pa rin. Kahit masakit. Kahit lumayo pa siya. Kahit ipagtabuyan niya pa ako. Hindi ako susuko.

Kasi alam ko na hindi sa akin magiging mabait ang tadhana kung wala siyang rason.

Pero sana nga... sana nga merong rason.

Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon