Kabanata 13

396 28 13
                                    

Hailey POV

Minulat ko ang aking mga mata at napatalon sa nakita. Teka nasaan ako?! Atsaka bakit ako nakahiga sa kama? Ay wait sa pagkakaalam ko binantayan ko si Rhett hanggang sa makatulog ako.

Agad ko namang tiningnan ang damit ko. Nakauniporme pa rin ako. Nakalimutan ko nga pa lang magbihis kagabi. Tiningnan ko ang orasan na nakapatong sa lamesa. 6:00 na pala. Bumangon na agad ako at binuksan ang pinto.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko na papasok na rin si Rhett. Omo! Basa na ang kanyang buhok na halatang kakaligo pa lang. 'Hingang malalim Hailey.'

"P-apasok ka?"

Ay mali! Mamaya niyan ang maisip niya rated spg. Teka bakit yun agad ang naisip ko? Naku! Bakit ang landi ko na? Hindi pwede to.

Hindi na ako muli pang nagsalita sa halip ay lumabas na lang agad ako ng kwarto. Nanginginig pa ang kamay ko habang binubuksan ito. Nakakainis naman bakit ayaw mabuksan?

Nagulat ako sa isang malamig na bagay sa kamay ko. Omo! Hinawakan ni Rhett ang kamay ko. Pinihit niya ang hawakan ng pinto habang nakapatong sa kamay ko. Mabuti na lamang at bumukas na ang pinto kaya agad kong kinuha ang aking kamay at pumasok na sa aking kwarto.

"Ohmygoodness!" ani ko at humiga sa kama ko. Tumalon-talo ako dahil sa kilig at kasiyahan na nadarama.

Nabalik na lang ako sa reyalidad ng napatingin ako sa orasan. 6:10 na pala! Kumuha agad ako ng uniporme sa aking damitan at patakbong bumaba ng hagdan.

6:20 na ng matapos akong maligo at magbihis. Talagang nagmadali ako dahil baka iwanan na naman ako ni Rhett. Mahirap na baka makita ko na naman yung mga lalaki kahapon.

Gaya ng nakasanayan, tahimik lang na kumakain si Rhett habang may binabasa na kung anong libro. Masaya ako na okay na ang pakiramdam niya dahil hindi ko talaga kakayanin kapag nagkaroon ng masamang sa kanya.

Biglang tumingin siya sa akin kaya patay-malisya ako habang kumakain. Muntikan na ako dun ah!

"Alis na po ako ma." ani Rhett at lumabas na agad ng pintuan.

Hindi ko na tinapos pa ang pagkain ko dahil sumunod na agad ako kay Rhett. Hinabol ko siya hanggang sa nakasabay ko na siya sa paglalakad. Bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko. Hay nakakabaliw!

"2 meters." aniya.

"Ha?" pumikit lang siya ng mariin tapos ay hinarap ko. Ayan na naman ang mga titig niyang kulang na lang ay tunawin ako.

"Lumayo ka sa akin ng 2 meters."

Lumakad na siyang muli pagkatapos niyang sabihin sa akin iyan. Pilit na lang akong napangiti. Gaya ng sabi niya, dalawang metro na ang layo ko mula sa kanya. Hindi malayo pero hindi rin malapit.

Dalawang metro ang layo ko mula sa kanya pero parang napakalaking agwat na nito para sa akin. Tila isa siyang bituin sa langit na hindi mo kayang abutin, samantalang ako ay tumatanaw sa kanya mula sa malayo.

Siguro nga sa paningin ng iba hindi kami bagay ni Rhett, pero hindi pa rin yun magiging hadlang para maiparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Tanga na kung tanga. Wala eh, mahal ko na siya.

Biglang sumagi sa isip ko ang panliligaw ko sa kanya. "R-Rhett!" ani ko. Huminto naman siya sa paglalakakad niya at hinarap ako. Napalunok ako at napapikit. Kaya mo ito Hailey!

"O! Letrang O Rhett. Mula sa salitang OPLAN TOKHANG. Letrang O na ang ibig sabihin ay oras. Ibibigay ko lahat ang oras ko sa iyo... lahat Rhett."

Yumuko ako pagkatapos. Sapat na sa akin na marinig niya iyon. Hindi ko naman kailangan pang malaman ang kanyang itutugon sa sinabi ko dahil paniguradong wala naman siyang pakialam. Isa lang naman kasi akong Class F.

Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon