Kabanata 33

332 21 8
                                    

Hailey POV

Naglakad palapit sa amin si Nixon at kinuha si Nazen sa bisig ni Rhett. "Nazen namiss mo ba ako? Matagal-tagal na akong hindi nakakapunta sa bahay ng amo mo. Pinapakain ka ba nila ng masasarap na pagkain huh?"

Hindi mawala ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan si Nixon. "What do you mean by ybb?" takhang tanong ni Rhett.

Tiningnan ako ni Nixon na para bang sinasabi niya na huwag kong sasabihin. "A-ah yun ba wala lang yun. Mema lang yun. Tama mema lang hehe." Lalong kumunot ang noo ni Rhett sa sinabi ko. Hindi naman siguro niya nahalata na nagsisinungaling ako diba?

"May tinatago kayo sa akin ni Nixon? Tss fine." Sumimangot siya atsaka pumasok sa loob ng kotse. Ang kyut na palang mainis.

"Did I really see jealousy on his eyes?" ani Nixon na parang kinakausap ang sarili. "Pfft makaalis na nga babye Hailey."

Inilapag niya si Nazen bago tuluyang umalis. Makulit na iginalaw ni Nazen ang kanyang buntot habang naglalakad papasok ng bahay. Tila nagkaroon ng mahabang katahimikan ang paligid bago ko maalala na nasa loob pa pala ng kotse si Rhett. Sinalubong ko ang tingin ni Rhett pero mabilis niya itong ibinaling sa iba.

Napangiti ako sa mga inaakto niya. Nagseselos ba talaga siya? Ang kyut niya pa lang magselos. Binuksan ko ang pinto ng kanyang kotse at umupo sa passenger's seat. "Nagseselos ka ba kay Nixon?"

Pansin kong natigilan siya saglit pero mabilis itong napalitan ng mahinang pagtawa. "Me? Jealous? Bakit naman ako magseselos?"

Lalong ngumiti ang ngiti ko sa tinig ng kanyang boses. "Oo nga naman may point ka. Bakit ka nga naman magseselos. Oh sige uuwi na ako ah... ay oo nga pala! May pupuntahan pa pala kami ni Nixon. Sundan ko lang siya-"

"Saan naman kayo pupunta?" mahina niyang tanong. Lalo tuloy ako nag-eenjoy na lalo siyang pagselosin.

"Sa totoo lang hindi ko pa alam pero sabi niya romantic daw dun." nakangiting sabi ko.

Nanatiling tahimik si Rhett at mahigpit na hinawakan ang manibela. "Tss romantic my ass, fine go with him. Have a nice date."

Akmang lalabas na sana siya ng kotse ng bigla akong napahagalpak ng tawa. Pfft epic! Cute and epic. "Pfft hahahahaha! Ang kyut mo pa lang magselos!"

Patuloy lang ako sa pagtawa ng napansin kong nakatingin lang ng diretso sa akin si Rhett. Eh? "Lalo kang gumaganda kapag tumatawa."

Ramdam kong pulang-pula na ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. Unang beses niya kaya akong sinabihan na maganda ako. Alam ko naman yun kasi nakamake-up up ako ngayon. Lahat naman kasi ng tao basta't nakamake-up up ay gumaganda at gumagwapo.

"Salamat sa foundation at lipstick." ani ko. Umiling siya at inistart ang engine ng kotse.

"Mas maganda ka kapag walang make-up. Gusto ko sa mga babae yung hindi madalas gumagamit ng make-up. Gusto ko yung natural lahat. No plastic surgery or anything."

Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon