AN:// More comments and votes po para po ganahan si author na mag-update. Chos.
Hailey POV
Naisipan naming hindi na ituloy ang girls bonding namin nila Jenna at Hailey sa darating na sa sabado. Dumami kasi ang gawain sa eskwelahan dahil malapit na ang midterm exam.
Ang ilan kong mga kaklase naman ay walang pakialam sa darating na midterm exam. Ganito naman talaga lagi ang sitwasyon sa silid namin. Pero hindi naman lahat ay kagaya nila. Meron rin namang nagsisipag-sipagan lang gaya namin nila Jenna at Keisha.
Natawa na lang tuloy ako sa naisip. Gaya nga ng sabi ko kanina ay meron pa namang Class F na nagsisipag-sipagan. Kasalukuyang nasa library kaming tatlo ngayon. Naisipan naming magreview ngayong recess time. Mahigit trenta minutos rin ito.
"Kinginang x yan! Puro x na lang nakikita ko dito bes! Paano ba hanapin yang x na yan?!"
Sinabunutan pa ni Keisha ang buhok niya habang nagbabasa ng libro. Tama nga siya, halos sampung minutos na kami nandito pero wala pa rin kaming naiintindihan sa binabasa namin. Si Jenna naman ay nakatingin lang sa libro niya pero baliktad naman ang paghawak. Hay.
"Kain na lang kaya tayo bes, wala rin naman tayong naiintindihan sa binabasa natin." ani Keisha.
Napabuntong-hininga na lang ako. Mas mabuti pa ngang kumain na lang kami. Nagugutom na rin ako. Niligpit ko na ang gamit ko at nilagay sa bag. Dinala pa namin ang bag namin dahil akala namin magiging maayos ang pagrereview namin yun pala ay hindi.
"Hay mabuti pa nga." ani ko.
Naglakad na kami palabas ng library at pagkabukas ng pinto ay siya namang pagpasok ng dalawang lalaki. Si Rhett Calloway ang isa dito. Napatigil ako sa paglalakad at nginitian si Rhett na nilagpasan lang ako.
Okay lang yan Hailey. Ngumiti na lang ako ng pilit. "Huy bes okay ka lang?" winagayway pa ni Keisha ang kanyang kamay. "A-ah oo okay lang ako."
"Sinungaling." ani Jenna at nauna ng naglakad.
Napayuko na lang ako. Kahit kailan talaga ay wala akong maitatago sa babaeng iyon. Ganyan na siya dati pa. Mabuti na lamang ay hinila ako palabas ni Keisha.
Nasa kalagitnaan na ng klase pero ang utak ko ay maraming iniisip. Ilang katanungan ang bumabagabag sa isipan ko. May nagawa na naman akong kasalanan? Hindi niya ba ako napasin kanina? Katangahan bang matatawag ang simpleng pagngiti? Kulang na lang ay sumaboh ang utak ko sa dami nito.
"Bes okay ka lang ba talaga? Kanina ka pa ganyan. Kanina ka pang lutang sa klase." puna sa akin ni Keisha.
Sumandal lang si Jenna sa pader at tiningnan kaming dalawa ni Keisha. Nasa comfort room kami ngayon dahil uwian na. Hindi ko muna naisipang sumabay kay Rhett."O-okay lang ako." sagot ko na lang.
"Kahapon nagpunta kami ni Keisha sa bahay niyo. Ang kaso wala naman dun ang papa mo. Pati ang mga gamit niyo." lumapit sa akin si Jenna at bahagyang tumingin sa taas. Natigilan ako sa kanyang sinabi.
Pansin kong napayuko lang si Keisha. "May dapat ka bang sabihin sa amin?" tanong niya.
Sasabihin ko na ba sa kanila na nakatira na ako sa bahay nila Rhett? Tama ba na sabihin ko sa kanila ito ngayon? "Jenna... a-ano kasi-"
"Huwag mo ng sabihin kung napipilitan ka lang. Sige una ako." aniya at lumabas na. Tiningnan lang ako ni Keisha at bahagyang nginitian pagkatapos ay sumunod na rin kay Jenna.
Nanginig ang tuhog ko kaya tuluyan akong napaupo sa sahig. Ito ang unang beses na pakiramdam ko ay isa akong sinungaling na tao. Siguro nga sinungaling ako.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...