Hailey POV
Nagising ako sa isang kwarto na puro puti ang paligid. Nasa langit na ba ako?! Hala p-paano na yung pag-aaral ko? Si papa paano na siya?! Ayaw ko siyang maiwan mag-isa.
"Miss! Gising na pala kayo. May masakit ba sa inyo?" agad kong tiningnan kung sino ang nagsalita.
Nakakulay puti siyang damit at maamo ang mukha. Siya ba ang anghel na magsusundo sa akin? Omo! Hindi pwede ito.
"A-angel pwede ba na ibalik niyo po ako sa katawan ko? Hindi pa po kasi ako handa sa ganitong bagay. Hindi naman po sa ayaw ko sa langit pero pwede po bang huwag muna ngayon? Hehe." paninibugho ko. Sana payagan niya ako hindi pa talaga ako handa. Huhuhu.
"H-ha? Ano ka ba miss! Wala ka sa langit nasa clinic ka lang wag oa." ani niya at ngumuso. Inalalayan niya akong makatayo.
"Pasensya na po akala ko po talaga nasa langit na ako. Mabuti na lang po hindi pa. Hehe. Thank you po ulit."
"Ah oo nga pala may pinapasabi yung nagdala sa iyo dito." kumunot ang aking noo sa tinuran niya. Nagdala sa akin? Sino naman kaya yun? "May nagdala pala sa akin? Hehe ano nga po pala yung pinapasabi niya?" tanong ko. Nginitian niya ako na parang kinikilig siya.
"Kumain ka daw ng madami at huwag magpapagutom. Uminom ka rin daw ng maraming tubig at huwag munang pumasok ngayon dahil baka lalong lumala ang sakit ng ulo mo. Iwasan mo rin daw ang magpapalate ng tulog. Huwag ka rin daw masyadong mag-iisip ng kung anu-ano dahil lalo lang daw itong makakasakit ng iyong ulo."
Napanganga ang aking bibig sa kanyang sinabi. Grabe naman ang lalaking iyon. Bakit ang dami niyang bilin, sino ba siya sa akala niya?
"Ang swerte mo girl! Isang Calloway pa talaga yung nagdala sa iyo dito. Haynaku kung ako sa iyo landiin muna baka maunahan ka pa sige ka." ani niya at kinindatan ako. Teka Calloway?! Imposible Hailey. Imposible.
Ngumuso lang ako at napapikit sa kanyang sinabi. Landiin? Bakit ko naman silang kailangan pang landiin eh hindi na nga ako kailanman pang papasok sa kanilang mga buhay. Ayoko na. Tapos na.
"A-aray." daing ko dahil sa biglang pagsakit ng ulo ko. "Kakasabi ko lang kanina miss na huwag po muna kayong mag-isip ng kung ano." paalala niya.
"Oo nga pala. Pasensya na po sige uuwi na po ako." nakangiti kong ani atsaka lumabas na ng clinic.
Tahimik ang paligid kaya alam kong nasa kalagitnaan pa sila ng klase. "Gusto ko ring pumasok." bulong ko. Napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos.
Dahil alam kong hindi rin naman ako makakapasok ay naisipan ko na lang na umuwi. Habang nakatingin sa bintana ng bus ay hindi ko mapigilang mapangiti. Teka bakit nga ba ako ngumingiti? Hay nababaliw na yata ako.
Dumiretso ako sa restaurant ni papa dahil paniguradong nandoon siya. "Papa nandito na po ako!" hiyaw ko at agad na nilapag ang aking bag sa lamesa at umupo. Ano kayang magandang gawin ngayon? Hmmm.
"Hailey! Bakit nandito ka ang aga pa ah. Teka sinuspend ba yung pasok niyo? Parang di ko yata nabalitaan yun ah." sunod-sunod na sabi ni papa. Napakamot na lang ako sa ulo. Mas mabuting hindi malaman ni papa na dinala ako sa clinic.
"Ah ano kasi. Nalate po kasi ako kaya hindi na ako pinapasok. Hehe." ani ko. Tiningnan lang ako ng masama ni papa at umiling. "Hay." ani niya at bumuntong-hininga.
Napansin ko na palakad-lakad si papa mula kusina papuntang sala. "Pa okay lang po ba kayo?" pag-aalalang tanong ko. Napahilamos siya ng mukha at saka umupo sa isang sofa sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...