Special Update

305 20 4
                                    

Hailey POV

After 1 year...







Disyembre na naman at ilang araw na lang ay unang anibersaryo na namin ni Rhett.

Alam na nang lahat na kasal kami ni Rhett at syempre gamit ko na rin ang kanyang apelyido. Sa loob ng ilang araw na pagsasama namin hindi maiiwasan na magkaroon ng problema pero lagi rin naman namin itong nasusulosyunan.

"Hailey tapos mo na ba yung pinapasagutan ko sa iyo?" Mabilis ko siyang nilingon at binigyan ng isang ngiti.

Nabasa ko kasi sa internet na ngiti ang pinakagustong makita ng mga lalaki, lalo na ang ngiti nang kanyang mahal. Pero kabaligtaran naman ang nangyayari kapag lagi ko itong ginagawa.

Lagi siyang umiiwas ng tingin kapag tinatanong ko naman siya hindi niya ako sinasagot. Ang gulo niya pero mahal ko pa rin.

"Wala ka bang naaalala sa Disyembre 16?"

Yun ang araw kung kailan kami kinasal. Hindi tuloy ako mapakali kung saan kami pupunta sa araw na yun. Kinikilig tuloy ako. Hehe.

Hindi pa rin siya lumilingon at nakatuon lang ang mata sa binabasang libro. "No, ano bang meron sa araw na yun?"

Aray ah. Bakit sa dinami-dami ng mga bagay yung anniversary pa namin ang nakalimutan niya? Napayuko na lamang ako at pinagpatuloy ang pagsagot sa ginawa niyang pagsusulit.







Rhett POV

I know that I hurt her because of what I've response. Damn.

Kapag sinabi kong naaalala ko yung araw ng anibersaryo namin paniguradong hindi gagana ang surpresang hinanda ko para sa kanya.

"Ah nga pala birthday ni Francis bukas, pwede ba akong pumunta?"

Francis na naman. This past few days laging yan na lang ang naririnig ko mula sa bibig niya. I dont why but I feel like my heart is being torn into a tiny pieces.

"Sige bahala ka." I'm expecting that she will invite me pero nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya.

As always ay nakatulog na naman siya study table namin. Binuhat ko siya at inihiga sa aming kama. Bumalik ako muli sa study table para tingnan ang pagsusulit na pinapasagot ko sa kanya.

Ang ilang bahagi ng papel ay basa. Fvck umiyak pala siya pero hindi ko man lang napansin.

Tanging lampshade lang ng kwarto ang nagsisilbing ilaw. Hinawi ko ang ilang hibla na tumatapik sa kanyang mukha.

Mula noon hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa iyo. Its getting deeper and deeper. Maingat ko siyang hinila palapit sa akin para hagkan.

Niyakap ko siya ng mahigpit at hinaplos ang kanyang buhok. Everytime I go before to sleep, I usually hug her and smells her hair. Kapag hindi ko siya katabi o nakakasama parang may kulang sa akin. Lagi ko siyang hinahanap-hanap.

I woke up and she's not beside me anymore. Galit pa rin siguro siya. Naligo muna ako at naisipan nang bumaba pero bago ko pa mabuksan ang pintuan ay may napansin akong nakadikit na papel sa mismong doorknob. Kinuha ko ito at napangiti nang mabasa.

Hi hubby hehe, naghanda nga pala ako ng almusal kaso sunog yung itlog at ham. Okay lang sa akin kahit itapon mo tapos magluto ka na lang. Basta huwag kang magpapagutom ah.

Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon