Hailey POV
Matapos akong halikan ni Rhett ay umalis na lang siya bigla. Hindi ko siya magawang tawagin dahil hindi pa rin pumapasok sa utak ko na hinalikan niya ako. Hindi man ito ang first kiss ko pero iba sa pakiramdam kapag taong mahal mo ang humalik sa iyo.
"Bessy okay ka lang?" nabalik ako sa reyalidad ng tinapik ako ni Keisha. Hindi ako okay Keisha, sa tingin ko ay mababaliw na ako. Tumango ako sa kanya para hindi na siya mag-alala pa.
Mas okay na ako na lang muna ang nakakaalam nito. Pribado na kasi ang topic na kiss kaya hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanila na kani-kanina lang ay hinalikan ako ni Rhett.
"Alam niyo napapansin ko na medyo umaabsent na si Nixon, bihira ko na lang siya makita sa klase." oo nga tama si Keisha. Hindi ko na nga yata namamalayan na hindi na pala siya pumapasok. Pumasok lang ito nung midterm exam pagkatapos nun ay hindi na ito nagpakita.
Nakauwi ako ng bahay na may bumabagabag sa aking kalooban. Nagtataka talaga ako kung bakit hindi ko nakikita si Nixon nitong mga nakaraang araw. Lumipat na ba siya ng klase? Kung lumipat siya bakit hindi niya sinabi sa akin?
"Hailey congrats nga pala Top 100 ka sa midterm exam." bati sa akin ni Tita.
"Naku salamat po, hindi ko naman po iyon makukuha kung hindi po ako tinuruan ni Rhett." nagngingiting saad ko. Kung hindi ako tinuruan ni Rhett ay paniguradong hindi ako mapapasama sa top 100.
"Congrats anak." agad kong niyakap ko si papa. Ilang araw ko rin siyang hindi nakikita dahil naging abala sila ni tito sa pagpapagawa ng restaurant namin. "Halika anak nagluto ako ng masarap na pagkain para sa inyong dalawa ni Rhett. Nakakaproud na ang top 1 at top 100 ay kasama namin sa bahay na ito." ani papa.
"Salamat po." sabay pa naming tugon ni Rhett. Kainis kinikilig na naman ako. Pero syempre hindi ako magpapahalata.
Tahimik lang ang hapag-kainan na para bang may isinasagwa kaming dasal. Ilang sandali ay tumikhim si Ridge kaya kusang gumalaw ang aming katawan. Maliban kay Rhett na tahimik pa ring nagbabasa ng libro gamit ang kanyang kaliwang kamay samantalang ang kanang kamay naman ay may hawak na kutsara.
Nagsimula na kaming kumain kaya hindi maiiwasan ang pag-ingay ng paligid. Hindi na ako nag-abala pang pakinggan ang kanilang pinag-uusapan at pinagpatuloy na lang ang pagkain.
Ramdam ko na pasimpleng sumusulyap sa akin si Ridge. Ano naman kayang problema ng lalaking ito?
Nauna ng umakyat si Rhett matapos kumain kaya tinulungan ko si Tita na maghugas ng pinggan. Nasabi rin sa akin ni tita na wala silang kasambahay pero marami silang mga guwardiya na tuwing gabi lang ang pasok. Matapos akong tumulong kay Tita at tumungo na ako ng hagdan para makapunta sa aking kwarto. Paakyat na ako ng hagdan ng makita ko na nakaupo si Ridge sa ikatlong baitang.
"Oh bakit nandito ka?" biglang tanong ko. Tumayo siya at hinila ako palabas ng bahay.
"Teka nga bakit mo ba ako hinihila? Saan ba tayo pupunta? Gusto mo ba ng pagkain o naiihi ka ba at hindi mo alam kung saan ang cr?"
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paghatak sa akin hanggang sa makarating kami sa parke. Ito yung parke na pinuntahan din namin ni Nixon ng pumunta siya ng bahay ng sobrang aga.
"Shit what the fvck am I doing?" rinig kong sabi niya at napahilamos pa ng mukha. Nababaliw na yata ang isang ito.
Alas-otso na ng gabi pero marami ka pa ring makikita na tao sa paligid. May ilang mga bata, magkasintahan at ilang pamilya. Ibinaling kong muli ang paningin kay Ridge na parang wala sa sarili. Mukhang sa sobrang talino niya ay tuluyan na siyang nawala sa sarili.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Fiksi Remaja[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...