Hailey POV
Wala masyadong tinalakay na leksyon ngayong araw. Oktober na ngayon at pansin ko naging pagbabago ng klima. Yung klima parang babae. Ang hirap basahin dahil sa pabago-bago nitong panahon. Minsan kahit tirik ang araw ay bigla na lang uulan. Meron namang makulimlim sa umaga pero sobran init sa tanghali.
Kung makapagsalita ka naman Hailey para kang hindi babae.
Napanguso ako sa tinuran ng isip ko. Nagpaalam na sila Keisha at Jenna na uuwi na sila. Naglakad na ako sa pasilyo at gaya ng inaasahan ay nakangiting Ridge ang sumalubong sa akin.
"How's your day?" tanong niya. Ngumiti ako at pinisil ang magkabilang pisngi niya.
"Pfft haha! Ayan okay na ako." natatawang saad ko. Namula ang pisngi niya kaya mas lalo akong natawa.
"Aww grabe ka talaga ka sa akin. Battered boyfriend na talaga ako." sabi niya kaya mahina ko siyang hinampas.
"Boyfriend ka dyan! Hindi pa nga kita sinasagot eh." saad ko. Mabilis niya akong inakbayan.
"Dun rin naman papunta yun eh." aniya saka humalakhak. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa taas kanyang tiyaga at pagpupursigi sa akin.
Sa mga nakalipas na araw ay nagsimula ng manligaw sa akin si Ridge. Sabay kaming umuuwi at sabay na pumapasok kahit na isang oras pa bago magsimula ang klase niya. Nung una ay naninibago ako dahil hindi ako sanay na lagi ko siyang kasama sa lahat ng oras ngunit habang tumatagal ay nagiging kumportable na rin ako. Hindi ko maipagkakaila na masaya ako kapag kasama ko siya.
"Hey okay ka lang?" Napatingin ako kay Ridge na bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Mabilis akong tumango bilang sagot.
"Naging maayos ba ang pagsagot mo sa exam kanina?" tanong ko. Nasabi kasi sa akin ni Ridge na marami silang pagsusulit ngayong araw. Kahit alam ko naman na mapeperfect niya iyon ay hindi ko pa rin maiwasang magtanong.
"Opo mom." natatawang tugon niya. Haynaku kahit kailan talaga ay napakapasaway nitong si Ridge.
"Awwe ang galing-galing naman pala ng baby ko." ani ko. Saka ko lang narealize na may kakaiba pala akong sinabi.
"Hindi ko alam na baby pala ang tawagan natin." nakangising saad niya.
Talaga naman! Kinalas ko ang pagkakaakbay niya sa akin at naglakad ng mabilis. Hindi naman ako naiinis sadyang ayaw ko lang makita niya ang pagpipigil ko ng ngiti.
"Hailey biro lang yun! Hindi na po mauulit." aniya habang hinahabol ako. Humarap ako sa kanya at paatras na naglakad.
Biglang sumagi ang isang ideya sa aking isip. "Pag nahabol mo ako sa pagtakbo tayo na." saad ko saka mabilis na tumakbo.
Ibubuhos ko na ang lahat ng aking lakas sa pagtakbo na ito kasi kapag nahuli niya na ako, susuko na ako. Pagod na rin kasi ako eh. Siguro panahon na para mag-umpisa ng panibagong buhay at pag-ibig.
Mukhang dumadrama na naman ako. Lumingon ako sa kanyang gawi. "Ang bagal mo naman haha- aww!"
Biglang may yumakap sa akin bago ako tuluyang napahiga sa sahig. Inaasahan ko na ang masakit kong pagbagsak pero ilang sandali ang lumipas ay wala akong naramdaman. Ramdam kong nakayakap pa rin sa akin ang taong ito kaya mabilis kong iminulat ang aking mga mata.
Nagkasalubong ang aming mga titig. Unti-unti na namang bumabalik ang lahat ng mga ala-alang pinipilit kong kalimutan. Ngayon ko lang ulit siya nakita dahil hindi na siya umuuwi ng bahay. Sabi ni tita ay pinagsasabay niya ang pagtulong sa kompanya at ang kanyang pag-aaral.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...