Hailey POV
Naranasan mo na bang magmahal sa isang taong imposibleng mapa-sayo?
Yung kahit alam mong hindi naman talaga kayo bagay sa isa't-isa ay pinagpipilitan mo pa rin ang sarili mo. Kahit alam mo naman na wala ka naman talagang pag-asa.
Umiling ako sa inisip. Dapat ay hindi ako nag-iisip ng mga negatibo. Kung tutuusin ay may pag-asa pa. Lagi ko kasing naririnig na mabait siya. Siguro naman ay kapag nagtapat ako sa kanya ay hindi niya ako ipapahiya.
*tiiing tiiing*
Napangiti ako ng malaki at nagligpit ng gamit. Hay salamat at uwian na! Gusto ko ng umuwi, nagugutom na kasi ako.
"Wag niyong kalimutan na ang mid exam natin ay sa susunod na buwan na. May tatlong linggo pa kayo para magreview. O siya, nagbell na maaari na kayong umuwi." ani ni Professor Ong at nagligpit na nang kanyang mga gamit.
"Si Prof Ong talaga. Nag-abala pa po kayong magsabi niyan eh paniguradong hindi naman po kami papasa." sabi ni Jenna habang ngumunguya ng bubble gum.
Isa pala siya sa mga kaibigan ko, si Jenna Strentia.
"Ikaw talagang bata ka, huwag kang mag-alala hindi rin naman ako umaasa na makakapasa kayo." Natawa kaming lahat sa sinabi ni Prof Ong.
Ngumiti si Jenna kahit alam kong sa loob-loob niyan eh pwede na siyang makapatay. Ayaw niya kasi nang natatalo sa diskusyon lalo na kapag binabara siya.
May pagka-badgirl kasi yan pero sa iba lang naman siya ganyan, lalong-lalo na sa mga kaibigan niya at mga taong malapit sa kanya.
Lumabas na si Prof Ong kaya tumayo na rin kaming lahat para magligpit na ng gamit. Naayos ko naman na ang mga gamit ko kaya umupo na lamang ako sa lamesa at pinagmasdan sila Jenna na nag-aayos ng gamit.
Napabuntong-hininga ako nang wala sa oras. Wala namang nangyaring masama ngayong araw. Hindi naman ako natapilok o nabulunan pero bakit pakiramdam ko parang may mali?
"Hoy! Tulala ka na naman," puna sakin ni Jenna.
"Wala may iniisip lang ako," palusot ko na lang.
"Gora na tayo bes!" ani ni Keisha at agad na sumabit sa kanang braso ko habang lumalakad.
Syempre hindi padadaig si Jenna dahil dali-dali siyang kumapit siya sa kaliwang braso ko. Si Keisha nga pala isa rin sa kaibigan ko, mabait yan hindi tulad ni Jenna na sa isang tingin mo lang sa kanya alam mo nang may itinatagong kasungitan. Pero kahit ganun masaya pa rin ako dahil nagkaroon ako ng mga kaibigan tulad nila.
"Nga pala mga bes anong balak niyong gawin bukas? Tutal naman ay wala naman tayong pasok." tanong ni Jenna. Oo nga pala wala pala kaming pasok. Nagngitian lang kaming tatlo at tumango sa isat-isa.
"Bonding time! Yehey!" sabay naming sabi at nag-apir sa isat-isa.
"Pfft, nagsama ang mga talunan."
Natigilan kami sa sinabi nung babae. Sa pagkakaalam ko ay isa siya sa Class A. Pinandilatan agad ni Jenna ang mga babae na agad rin namang tumakbo.
"Sus ang lakas makapag-parinig pero nga duwag rin naman! Pantayin niyo muna yung kulay ng mukha niyo sa leeg niyo ah! Kainis! Pwe!" sigaw ni Jenna doon sa mga tumatakbong babae. Nagkanda tapi-tapilok pa sila dahil sa nagtataasang takong nila. Grade 10 pa lang kami pero kung makapagsuot sila ng takong ang ninipis at ang tataas.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...