Hailey POV
"Sorry bes may pupuntahan talaga kami ni papa bukas. Sorry talaga promise babawi ako."
"Okay lang ano ka ba! Pero syempre dapat lang na bumawi ka. Joke lang hehe." natawa na lang ako sa sinabi ni Keisha kahit hindi naman joke ang sinabi niya. Suporta lang.
"Goodluck sa inyong dalawa ni Jenna bukas. Hahaha. Sana makatagal kayo sa isa't-isa." natatawa kong sabi. Naiimagine kong isang action scene ang magaganap. Sayang wala ako para manuod ng live.
"Loko ka ah! Bad yan, naku sana lang talaga makatagal kaming dalawa ng walang taga-awat pero hayaan mo na. Sanayan na lang yan bes."
Silang dalawa lang naman kasi ang nag-aaway at ako ang laging nag-aawat. Pero minsan masasanay ka na lang na parang kusa mo na lang iyon na gagawin na hindi mo na kailangang isipin.
"O siya sige na at matulog na tayo. Goodnight, babye bes."
"Goodnight din, bye." nilapag ko na lang ang cellphone ko sa lamesa na malapit sa higaan ko.
Herdon Calloway. Imposible naman yatang tatay yun ni Rhett. 'Maraming Calloway sa mundo Hailey'. pagpapagaan ko sa isipan ko. Hay naku makatulog na nga lang.
Dream
*ring ring*
"Ang bilis naman yatang magring ng alarm clock ko." nakapikit kong hinagilap ang alarm clock. Nasaan ka na ba alarm clock ko? Ayowwwn. Nahawakan ko na.
"TEKA! 9 AM NA PALA! OMYGHAD." Ang sabi pa naman ni papa ay 10 am dapat nakahanda na ako. Okay may isang pa naman ako.
Nagkanda-dapa akong pumunta ng cr at naligo. Pagkatapos ay kumain na rin ako na hinanda ni papa. Nasa restaurant siguro si papa at ilang minuto na lang ay aalis na kami. Okay Hailey kaya mo ito!
Nagshort lang ako na maong at black t-shirt na may cake na design sa harapan. Pinusod ko lang ang buhok ko at naglagay ng konting polbo. Okay na!
Tumakbo ako palabas ng bahay at tiningnan ang oras sa aking relo. May limang minuto pa!
"Papa! Nandito na po ako! Ho!" ani ko at pinunasan ang untin gun pawis sa aking noo. Nakakagulat isipin na nakapunta pa ako ng restaurant bago 10.
"Ay mabuti at nandito ka na anak. Halika at maupo dito." maupo diba aalis kami?
"Papa hindi ko na kailangang magpahinga kaya tara na baka malate pa po tayo."
"Anak hindi na natin kailangang umalis kasi sila na ang mismong pumunta dito. Halika anak at ipapakilala kita sa kanila." hinila niya ako agad at dinala isa isang table na may nakaupo na dalawang lalaki. Hindi ko makita ang mukha noong isa dahil natatakpan siya ng dyaryo na binabasa niya.
Kinabahan ako bigla sa presensya niya. "Pareng Herdon ito nga pala ang anak ko si Hailey Vernice. Hailey si pareng Herdon Calloway at ang kanyang anak." ito na naman tayo sa apelyidong Calloway.
"Ah h-hello po Mr.Herdon Calloway." ani ko at yumuko ng bahagya. "Ay wag mo na akong tawagin na Mr.Herdon kahit tito na lang." t-tito?
"Nga pala pareng Carlos ito ang anak ko si Rhett Calloway.Balita ko magkaparehas sila ng eskwelahan na pinapasukan ng anak mo."
Kusang umangat ang ulo at umawang sa narinig. Nabibingi na ba ako? Talaga bang iyon ang narinig ko? Jusko sana hindi.
"Nice to meet you po Mr.Vernice at Ms.Hailey."
"WAAAH!!" napabalikwas agad ako sa kama. Anong klaseng panaginip iyon?
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...