AN:// Dedicated po kay ate na isa sa sumusuporta ng istoryang ito. Hindi na po sa sabado ang update. Gusto ko na po kasing mag-update agad ngayon hahaha.
***
Hailey POV
"Dalian natin mga bes! Nandito na siya!"
"Ang gwapo niya talaga! Bagay kami."
"Ayan na ang prince charming ng buhay ko!"
Ganito lagi ang nakikita at naririnig ko sa bawat araw na papasok ako ng eskwelahan. Ang dami talagang fans ni Rhett at isa ako na doon. Marami na agad ang nagsipuntahan sa gate ng eskwelahan kaya agad rin akong tumakbo.
Pinipilit kong sumiksik para makapunta sa harapan pero hindi ako makasiksik. Sana pala dinala ko si Jenna dito para madali akong makapunta sa harapan.
"H-Hello R-Rhett ano ahm i-ito oh. Binake ko yan para sayo." pinagmasdan ko ang isang babae na nasa harapan ni Rhett habang may hawak-hawak na box.
Sa totoo lang ang ganda nung babae kaya imposibleng hindi siya mapansin ni Rhett. Tiningnan ko naman ang aking sarili. Walang-wala ako sa kagandahan niya pero hindi ako susuko.
"Tama yan Hailey! Fighting!" ani ko nang pabulong atsaka tinaas ang aking kamao. Nagsitinginan ang mga tao sa ginawa ko. "Ah hehe, sorry." tinarayan lang ako ng iba atsaka tumingin ulit kay Rhett. Napanguso ako atsaka tumingin din kay Rhett.
Si Rhett na kasalukuyang nakatingin sa akin. Teka ako ba talaga yung tinitingnan niya? Tumingin pa ako sa likod ko para makasiguro pero pader na ang nasa likod ko. Imposible namang pader yung tinitingnan niya.
"H-Hello? Hehe. Kamusta?"
Napatampal naman ako sa bibig ko. "Ang kapal naman ng mukha mo para mag hello kay Rhett." sigaw sa akin nung isa.
"H-Ha? Hindi nagkakamali ka po." paano ba ako makakalusot sa babaeng ito?
"Nevermind alam ko namang hindi ka papansinin ni Rhett." ani niya atsaka pumunta sa harap ni Rhett. Hinaplos niya pa ang kanyang buhok at ngumiti kay Rhett na hindi naman nakatingin sa kanya.
"Hi my name is Loisa Ramirez." ani pa niya at naglahad ng kamay.
"Ikaw na rin ang nagsabi na hindi ko siya papansinin. Sa tingin mo ba ikaw ay papansinin ko?" napaawang naman ang bibig ko. Hala ang sakit naman niyang magsalita.
Lumakad na palayo si Rhett kaya nagsunuran sa kanya ang iba. Ako? Wala akong balak sumunod. Tiningnan ko ang paligid at nabigla ako ng nandito pa yung babae na magbibigay sana ng cake kay Rhett. Nakayuko siya at umiiyak.
Bakit ba kasi hindi man lang tinanggap ni Rhett yung cake? Sana man lang ay tinanggap niya. Dibale na. Pinuntahan ko yung babae na umiiyak pa rin, naaawa ako sa kanya.
"Ate, tahan ka na po." ngumiti pa ako sa kanya. Pero nagulat ako ng tingnan niya ako ng masama.
"Ikaw! Sa tingin mo ba may karapatan ka ng kaawaan ako?! Umalis ka na lang! Hindi ko kailangan ng aawa sa akin. Alis!" napausod naman ako ng kunti. Pinapaalis niya ako dahil kinakaawaan ko siya?
"Ate-" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil tumakbo na siya paalis.
Sumimangot ako at nagbuntong-hininga. Gusto ko lang naman siyang patahanin pero bigla siyang nagalit. 'Hayaan mo na Hailey' ani ng isip ko. Hay sige na nga.
Nasa hallway pa lang ako ay napakaingay na. May program ba ngayon? Bakit parang hindi ko alam. "Bessy! Halika dito bilis!" sigaw ni Keisha kaya tumakbo naman ako palapit sa kanya. "Tingnan mo oh!" tiningnan ko kung ano yung tinuturo niya.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...