Kabanata 16

362 29 85
                                    

Hailey POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Itinaas ko ang aking kanang kamay para harangin ang sinag na dumadaplis sa aking balat. Umaga na pala. Ang sakit ng likod ko. Oo nga pala dito nga pala ako natulog katabi ni Rhett. Wala na si Rhett ng magising ako pero nasa ibabaw ng lamesa ang isang papel. Ito yung pagsusulit tungkol sa History. Lima lang ang mali ko.

"Ohmyghad Hailey! First time ito!" tili ko at patakbong humiga sa aking higaan.

Ipapalaminate ko lahat ng test na binigay sa akin ni Rhett. Kung pwede nga lang na ipalaminate ang pagkain na niluto niya sa akin kahapon ay hindi na ako magdadalawang isip pa na gawin iyon.

"Sana magtuloy-tuloy na yung ganito. Kyaaah!" inihagis ko pa ang mga unan ko sa ere. Ang sarap talaga ng feeling kapag yung crush mo pa yung nagbigay sa iyo ng mataas na grado.

Masaya akong bumababa ng hagdan habang hawak-hawak pa rin ang mga test paper. Kung titingnan mo sa ibang anggulo para akong isang batang babae na binigyan ng piso ng kanyang magulang. Ganun. Ganun ang kasaya ngayon.

Okay lang maging baliw sa paningin ng iba basta ang rason ay ang taong mahal mo.

"Huwaa Hailey!" patakbong lumapit sa akin si tita. Nandito na pala sila? Ah oo nga pala isang araw lang pala silang mawawala.

Hinila niya ako hanggang sa makapunta kami ng kusina. Saglit siyang tumingin sa paligid bago humagikgik. "Kumusta kayong dalawa ni Rhett? Omo! Don't tell me may apo na ako? Waaah! Omyghad!"

Napalunok ako sa sinabi niya. "Kailangan na siguro nating magpaultrasound next next next month! Nakakaexcite hihihi!" masayang saad ni tita.

"T-tita ano pong ibig niyong sabihin?" nakakunot kong tanong. Akala ko ay nagkakamali lang ako ng pagkadinig pero natigilan ako sa sinabi niya. "Diba may nangyari na sa inyong dalawa? Hailey don't me." aniya.

Pakiramdam ko ay tinalo ko pa ang kulay na pula dahil sa sobrang pagkapula ng mukha ko. May instant blush on na ako pero sobra nga lang. "Tita wa-"

"Walang nangyari sa amin Mom." ani Rhett habang papasok ng kusina. Kanina pa ba siya nakikinig sa amin? Nakakahiya naman kung ganun.

"What? Bakit naman walang nangyari? Lalaki ka at babae siya tapos kayong dalawa lang sa bahay. Rhett bagay kayo ni Hailey!" hindi ko alam kung bakit sumisigaw ngayon si tita. Siguro nadismaya siya na wala ngang nangyari sa amin ni Rhett. Pero masyado pa kaming bata para gawin iyon diba? Atsaka hindi naman niya ako mahal.

Kitang-kita ko kung paano umigting ang panga ni Rhett. Pakiramdam ko ay bumalik na naman siya dating siya, yung cold na Rhett.

"Ilang beses ko bang uulitin na ayaw ko sa mga Class F..." pakiramdam ko ay para akong nalulunod sa mainit na tubig. Ganun kasakit. "Lalong-lalo na sa katulad niya."

Halos hindi ako makahinga ng marinig ko ang mga katagang iyon. 'Ilang beses mo bang uulitin na ayaw ko sa mga Class F lalong-lalo na sa katulad niya.' Bakit parang kahapon lang ay ang bait-bait niya sa akin? Bakit parang kahapon lang ibang Rhett ang nakasama ko, yung mabait at hindi cold na Rhett?

Siguro nga ay hindi niya ako gusto ngayon, pero may pag-asa pa naman ako sa susunod na araw; sa susunod na buwan; sa susunod pang mga taon.

Ako si Hailey Vernice na kilala sa pagiging positibo. Hindi ako basta-bastang sumusuko. At hindi ako kailanman susuko. Pangako.

Dumaan ang ilang araw at midterm exam na. Maayos naman akong nakasagot at alam kong maganda ang magiging resulta nito. Ngayon ko na rin balak sabihin kanila Jenna at Kesiha ang tungkol kung saan ako nakatira. May tiwala ako na hindi nila iyon ipagkakalat.

Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon