Warning:
Wala lang warning lang. Joke may kaunting maselang eksena pero huwag agad umasa okay? Hahaha.
Hailey POV
Masaya kong iminulat ang aking mga mata. Paano ba naman ako hindi magsasaya ang napanaginipan ko kasi ay sinagot na raw ako ni Rhett. Oh diba? Sana talaga totoo yun. Pero okay lang atleast kahit sa panaginip ay naramdaman ko kung paano sumaya.
Ito pa, magkasabay kaming pumasom ni Rhett. Kagaya ng dati ay mayroon pa ring agwat sa aming dalawa pero nakapagtataka na kahit anong bagal ng lakad ko ay naabutan ko pa rin. Kapag naabutan ko naman siya ay ngingiti-ngiti lang siya.
"Sports Feast day 2." ani ko habang binabasa ang nakasulat sa malaking tarpaulin sa labas ng gate.
"Para lang sa grade 7 and 8 ang sports feast." Napatalon ako sa biglang nagsalita sa likuran ko.
"Rhett nandito ka pa pala akala ko pumasok ka na." Nakapagtatataka dahil kapag pumapasok ay dire-diretso lang ang pasok ni Rhett. Hindi siya lilingon o hihinto sa isang tabi para lang magbasa ng kung ano.
"Swimming competition ang meron ngayon and its for grade 7,8 and 9 only." Nakapamulsa siya habang diretsong nakatingin sa tarpaulin.
"Ibig sabihin may klase ang grade 10,11 at 12 ngayon?" Tumango siya at tumingin sa akin.
"Hindi lang ngayon pati bukas." Bumagsak ang balikat ko sa pagkadismaya. Dati naman ay kasama kaming mga grade 12 hanggang sa pinakahuling araw ng sports feast.
"Hindi ka pa ba papasok?" Takhang tanong ko.
"Bakit ba gusto mo akong pumasok agad?"
"Kasi malalate ka na? Atsaka ang dami ng nakatingin sa atin baka kung anong isipin nila. Sige na pumasok ka na." Ani ko na ikinangisi niya. Ano bang nangyayari kay Rhett ngayon?
Parang dati lang ay ayaw na ayaw niyang may nakakakita sa aming magkasama tapos ngayon ay halos ayaw na niyang umalis sa tabi ko. Siyempre kinikilig rin ako! Pero hindo muna ako magpapakampante kasi baka mamaya ay umasa lang ako sa wala.
"Saan ba ako papasok?" Nakangisi niyang tanong.
Napakunot ang noo ko kaya nawala ang ngisi sa kanyang labi. "Mabuti na lang ay inosente ka. Sige bye!" aniya at umalis na.
Hindi mawala sa aking isipan ang mga ikinilos ni Rhett kanina. Bakit ba naging ganun siya bigla? Bakit parang naging mabait at palatawa siya bigla? At amo yung ibig-sabihin niyang inosente ako?
Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong nagawang kasalanan. Hindi naman ako drug dealer, drug pusher o drug usser. Hindi rin naman ako kasangkot sa isang sindikato. Tama. Inosente talaga ako.
"Nakakainis talaga yang prinicipal na yun pabago-bago ng isip. Yan tuloy may klase na tayo." Bulalas ni Jenna.
Patakbong pumasok ng aming silid si Kristin. Parating na raw kasi si Prof. Ong. Halos magkanda bundol na kaming lahat dahil sa pagmamadali. Napatingin ako sa bintana at napanguso ng makita ang iilang mga grade 7 at grade 8 na naglalaro at nagkakasaya sa field.
"Alam kong banas na bansa rin kayo sa balitang may klase na tayo," Tinanggal pa ni Prof ang kanyang salamin at saka nagpatuloy. "Sa totoo lang ay tinatamad akong magturo ngayon pero dahil guro ako ay kailangan ko talagang magturo."
Nagtawanan kaming lahat. "Okay magsisimula na tayo ng panibagong aralin..."
Isang mahabang aralin ang aming tinalakay. Sumama pa ang Physics at Statistics na parehong nilesson namin ngayong araw. Kulang na lang ay may lumabas ng dugo sa aking ulo dahil sa sobrang dami ng salita at numbers ang nakikita ko sa libro at pisara. Nakakainggit yung mga grade na nanunuod at gumagala lang sa ibat-ibang booths.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Teen Fiction[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...