Kabanata 19

391 23 4
                                    


Hailey POV

"Stay with me, Hailey."

"Stay with me, Hailey."

"Stay with me, Hailey."

Tumalon, sumayaw at kumebot na ako pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Kanina lang naman ako kinantahan ni Rhett!! Biruin mo isang Calloway na top 1 at may 200 na IQ kakantahan ang isang babaeng Class F.

Sumagi sa isip ko ang kanyang mukha habang kumakanta. Ang daming kakaiba sa kanya nung nangyari iyon. Ang boses niya na parang may tinatawag at may hinihinging bagay. Ang kanyang mga mata na bakas ang kalungkutan at pagdaramdam. Bakit? Bakit ibang Rhett ang nakita ko kanina?

Atsaka bakit niya ako sinabihan ng 'Stay with me, Hailey'?

Sa pagkakataong ito, unti-unti ng nagiging klaro sa akin ang lahat. Posible kayang ang babaeng nakakuha ng first at second kiss niya ay kapangalan ko at umalis rin ito gaya ko?

O baka naman ako iyong babaeng iyon?! Hindi Hailey, imposible.

Wala pang isang segundo ay kumontra na agad ang isip ko. Minsan naaasar rin ako sa sarili kong isip, bigla na lang siyang kumukontra at pinipigilan ang isip ko na mag-isip ng posibilidad. Siguro nga ay sadyang tama lang ang aking isip. Siguro ay ayaw niya rin akong umasa at masaktan sa huli. Siguro nga.

Isang malakas na ingay ang bumungad habang naglalakad papasok ng Xenxie University, ang aming eskwelahan. Sandamakmak na estudyante ang nagtipon-tipon sa loob ng gym kaya dali-dali rin akong tumungo doon. Intrams kasi namin kaya wala kaming klase sa loob ng tatlong araw.

"Class F dahil intarms ngayon ang ating principal ay nagpaunlak ng paanyaya sa mga guro kahapon. Nagkaroon kami ng meeting sa gaganaping Sports Feast ngayon." Naghiyawan ang ilang kalalakihan sa aming silid. Kilala kasi ang klase namin na magaling sa Sports dahil lagi kaming panalo.

"Ang ating makakalaban ay ang Class A na kasalukuyang nasa chem lab ngayon." Pati ba naman sa intrams ay nag-aaral pa rin sila? Pwede namang magpahinga muna sila dahil intrams naman.

"Class A? Sus talo na agad natin sila! Matatalino lang ang mga yan pero pagdating sa palakasan ay walang-wala sila sa atin!" hiyaw ng isa kong kaklase. Sumabay na rin ang iba sa pagsigaw.

Tumawa si Prof. Ong at umiling-iling. "Huwag muna tayong magpapakampante pero gaya ng ating nakasanayan, Class F pa rin ang magwawagi!"

"Woooo! Kami ang Class F sugoood!!" sigaw naming lahat.

Natural na sa amin ang pagiging palaban lalo na kapag tungkol sa sports sa ang usapan. Hindi man kami kasing talino ng Class A pero malalakas naman kami at hindi basta-bastang sumusuko. Para sa amin ang sports feast ay isang digmaan. Kami ang mga makikipagdigma at ang aming pinaglalaban ay ang titulo ng Class F na walang bahid ng pagkatalo sa Sports Feast.

Matapos ang maiikling pag-uusap namin sa silid ay pinalabas na kami ni Prof. Ong para makisaya sa intrams. Mapapansin mong ang may pinakaraming tao ay ang gym dahil may nagaganap doon na cheering competition. Puro grade 8 ang maglalaban-laban kaya halos puro grade 8 din ang mga nanunuod.

"Doon tayo sa photobooth." hindi pa ako nakakapagsalita ay hinila na ako agad ni Keisha at Jenna palapit sa photobooth.

"5 pesos per picture po." May bayad pala akala ko ba naman ay libre. Kumuha ako ng tatlong limang piso. "Tatlong litrato po para sa amin." saad ko.

Matapos ang pagpipicture namin ay naghiwa-hiwalay muna kami nila Keisha at Jenna. Pinagmasdan ko ang isang litratong nasa aking palad. Tig-isa kami nila Jenna at Keisha ng litrato. Ang kinuha ko ay yung mga peace sign.

Mr.PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon