Hailey POV
Isang linggo ang lumipas.
Sa loob ng isang linggo ay unti-unti ko na ring natanggap na umalis na talaga si Nixon. Dibale na, nangako naman siyang babalik siya. Tama. Babalik si Nixon.
Nasa kalagitnaan ng recess time ng biglang may naghihiyawan na mga estudyante. Hindi namin makita ito nila Keisha dahil halos lahat ng mga estudyante ay nagsitayuan at tumatalon pa. May artista bang dumating?
"Ang ganda niya talaga."
"Look at her! Ang natural ng beauty niya nakakatibo."
"Balita ko nagtransfer daw siya dito sa ating school at nasa Class A siya ngayon."
"Hindi na ako magtataka kung magiging sila ni Rhett. Bagay sila."
Parang napantig ang tenga ko sa huling narinig. Unti-unti kong inisa-isa ang aking mga marinig.
Maganda. Class A. Bagay kay Rhett.
Napatayo ako bigla sa kinatatayuan ko at hinbaan ang leeg para makita kung sino ang babaeng iyon. Nakipagtulukan pa ako sa sobrang siksikan. May parte sa akin na huwag ko na lang itong gawin at bumalik na lang sa pwesto ko kasama ang aking mga kaibigang sumisigaw sa akin pero lamang sa aking puso ang kagustuhang makita siya. Hindi ako natitibo. Gusto ko lang talagang makita kung sino ang babaeng iyon.
Habang nakikipagtulakan ako sa maraming estudyante ay para akong nasa palengke. Sari-saring amoy, ingay at pawis ang dumadampi sa aking damit at balat. Ang dami pa namang matataba na puro oily ang balat.
'Kung sana ay hindi ka na lang nakipagtulakan ay hindi ka sana magkakaganito Hailey.' turan ng aking isip.
Ilang saglit ay hindi ko na talaga nakayanan pa ang pangyayaring nagaganap sa akin kaya huminga ako ng malalim atsaka ginamit ang aking buong lakas para makapunta sa harapan. Napasubsob ako sa malamig na tiles ng canteen.
"Are you okay?"
Halos kuminang ang aking mga mata sa nakita. Ang ganda niya. Ang ganda-ganda niya. Ang kanyang mukha na mala-anghel. Nakakatibo ang itsura niya. Wait— ako ba yung kinakausap niya?
"Here take my hand." inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. Nahihiya pa akong ipinatong ang aking kamay sa palad niya.
"Girl yung damit mo medyo dirty na. May extra pa akong uniform sa locker ko, ipapahiram ko na lang muna sayo." nakangiting saad niya.
Hindi na ako makatanggi dahil hinila niya na aga ako palabas ng canteen. Maganda na mabait pa.
"She's nice rin pala, naku botong-boto na ako sa kanya."
Napuno ng papuri ang bawat dinaraanan namin. May ilan pa ngang sumunod sa amin. Ito namang kasama ko ay hindi magkamayaw sa ngiti at pagkaway. Ako naman ay nahihiya lang nakayuko pero pasimpleng ngumingiti. Binuksan niya ang isang locker at kinuha ang isang malinis na uniform doon.
"Here its okay sa akin kung hindi mo na ibabalik," Nakangiti na itong binigay sa akin.
"Salamat ahm ano po palang pangalan niyo?"
"Cindy Poras." Cindy Poras. Kahit ang kanyang pangalan ay kasing ganda rin niya.
"Salamat Cindy." tumango lang siya at ngumiti. Tumunog ang kanyang cellphone kaya ay medyo lumayo muna siya sa kin para masagot ito.
Agad kong tiningnan ang uniform na binigay niya sa akin. Halos magluwa ang mata ko. Sobrang ikli ng palda at hapit ng blouse. Yung palda ay parang short- shorts at yung blouse naman ay mababakat ang itong dibdib. Kahit hindi ko ito sukatin ay alam ko na agad ang magiging itsura ko doon.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Genç Kurgu[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...