AN:// Ito na po ang update ngayong araw na ito. More comments and votes pa po. Thank you!
Hailey POV
Halos hindi ko na mamulat ang aking mga mata dahil sa labis na pamamaga nito. Daig ko pa yata ang may sore eyes. Nakakainis naman kasi! Pero bakit nga pala ako naiinis? May karapatan ba ako mainis? Hay. Kung sino ka mang babae ka na first at second kiss pa ni Rhett tapos mahal pa niya, isa lang ang ang sasabihin ko sa iyo.
Naiingit ako sa iyo pero hindi ako susuko dahil itutuloy ko pa rin ang panliligaw kay Rhett.
Tsaka may sinabi ba ako na ititigil ko yung panliligaw kay Rhett? Wala naman diba? Diba? Wala naman talaga eh.
Pababa na ako ng hagdan ng biglang sumalubong sa akin si papa. Mukhang kagagaling niya lang yata sa restaurant namin na kasalukuyang inaayos. "Bakit nakashades ka? Wala namang araw dito sa loob." umiling-iling pa siya na parang nakakita siya ng isang baliw.
"W-wala to pa. Feel ko po kasing magshades ngayong sabado. Tutal kinansela namin nila Jenna at Keisha ang lakad namin." pumiyok na naman ang boses ko pagkatapos. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.
"Teka Hailey umiiyak ka ba?" nilapitan pa ako ni papa kaya mabilis akong umiling. Mabuti na lamang ay nakashades ako.
"H-hindi po pawis lang po yan." dali-dali na akong pumunta sa sala at umupo doon sa sofa.
Wala naman kaming pasok ngayon kaya nandito lang ako sa bahay buong magdamag. Sa lunes na kasi ang midterm exam at kailangan ko na talagang magreview kung hindi ay baka hindi ako makapasa sa kolehiyo.
Nakangiting umupo sa tabi ko si tita Glenda. "Hailey balita ko sa lunes na raw ang midterm exam niyo. Naku paniguradong magiging busy kasi ka para makapagreview." aniya at bahagyang lumungkot ang mukha habang nakatingin sa akin.
"Huwag po kayong mag-alala tita kakayanin ko po ito hehe." nginitian ko siya para mawala ang kanyang pag-aalala. Oo nga pala! "Tita hindi rin ba magrereview si Rhett? Kasi diba midterm exam iyon. Iyon pa naman ang pinagbabasehan sa pagpasok sa kolehiyo."
Tinawanan niya ako ng mahina at marahang tinapik sa braso. "Hay sana nga eh kaso never ko pang nakitang nagreview yan. May photographic memory kasi yang anak ko. Kumbaga kapag nabasa o nakita niya na yung isang bagay ay hindi niya na yun makakalimutan pa."
Kusang bumilog ang bunganga ko sa sobrang pagkamangha. T-tao pa ba siya? Hindi naman yata makatarungan yun dahil napakaperpekto niya na. "Dahil nga sa pagiging matalino at gwapo ng anak ko ay binansagan pa siya ng ilan."
"Ano pong tawag sa kanya?" nginisian niya ako at tumingin-tingin pa sa paligid. Gusto niya yata na kami lang ang makakarinig ng usapan namin.
"Mr. Perfect." aniya at humagikgik pagkatapos.
Napatango ako at napangiti ng wala sa oras. Mr. Perfect? Ang ganda! Mas lalo pa yata akong maiinlove sa kanya dahil sa bansag niya. Ohmyghad!
Nagulat ako ng bigla akong hampasin ni tita. "Alam ko na!" aniya at tumayo pa sa harap ko.
"A-ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko. Nginisian niya ako ng nakakaloko kaya nakaramdam ako ng kaba.
"Tutal hindi naman nagrereview yang si Rhett. Siya na lang ang magtuturo sayo." aniya.
Omyghad! Magandang ideya nga yun. "Papayag po ba siya?" tanong ko. Mamaya kasi niyan ay hindi siya pumayag. "Huwag kang mag-alala akong bahala."
Pagkatapos kong maligo at kumain ay dumiretso na ako sa aking kwarto. Kanina pa ako nagrereview pero wala man lang pumapasok sa utak ko. Alas kwatro na ng hapon kaya nakaramdam ako ng gutom. Bumaba muna ako at tumingin sa ref kung meron pang tirang pagkain ngunit wala akong nakita kahit isa. Pansin ko rin ang katahimikan sa paligid dahil hindi ko makita sila tita Glenda.
BINABASA MO ANG
Mr.Perfect
Novela Juvenil[EDITING] Kilalanin ang isang babae na hindi sumusuko sa kahit anong pagsubok. She's optimistic and that makes her unique and attractive to him. Kilalanin ang isang lalaki na matalino, mayaman at good-looking pa. He has that charateristics that ever...